Chapter 15

317 3 0
                                    


_____________

Ilang beses akong napabuntong-hininga, hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni tita. Hindi ko lubos akalain na masasabi niya ang mga bagay na iyon.

"Ha! Si tita pa talaga iyong tinawag niyang malandi, ha? Grabe!" Naiinis na saad pa rin ni Shannon. Katulad ko ay hindi rin siya maka-paniwala.

"Eh, sa sobrang hinhin nga ni tita, pati pagong mahihiyang sabayan siya sa paglakad, e." Mahina akong natawa sa sinabi niya.

Alam kong maingay ako, pero mas maingay talaga si Shannon. Tapos si Shaina ang mahinhin minsan, pero madumi mag-isip.

"Isa pa, wala siyang karapatan na saktan ka. Kahit siya pa ang nagpapa-aral sa 'yo! Kapal ng mukha niya, ha?!" Natigilan ito nang biglang dumating si Maximilian. May dala itong gamot.

"Tsk! Sino ba iyan?" Mahina niyang tanong. Pero, alam kong sinad'ya niyang lakasan iyon para mapasulyap sa kaniya ang lalaki. Sigurado akong ngayon niya lang napansin na guwapo talaga si Maximilian.

"Si Maximilian, kapatid ni Leo." Nanlaki ang mata niya.

"Iyong jowa mo?" Namula ang pisngi ko. Hindi ko alam kung alam ba ni Maximilian ang tungkol sa amin ng kapatid.

"So, you're dating?" Biglang sabat ni Maximilian. Sinimulan nitong gamutin ang sugat ko. Muntik pa akong mapa-atras nang idiin niya iyong bulak sa gilid ng labi ko.

"May galit ka ba sa pinsan ko? Sabihin mo lang, para ako na iyong gumamot sa kaniya." Reklamo ni Shannon.

"Shannon.." Nag-aalala kong tawag dito. Mas lalo akong namula nang mapansin ang mga titig sa akin ni Maximilian. Masyado siyang seryoso habang ginagamot ang gilid ng labi ko. Pansin ko rin ang paglunok niya. Parang nagpipigil.

"Take care of yourself, Lauren." Mariin ngunit kalmadong saad ni Maximilian. Bigla akong napasulyap dito.

"Paano kung hindi sila dumating?" Tanong niya.

"Eh 'di, patay na iyan! Malamang!" Naiinis na namang sagot ni Shannon. "Bumalik nalang kaya tayo sa CDO? Puwede ka namang lumipat. Tutulong din ako, Lauren." Mahina niyang saad. Alam ko naman na nag-aalala siya sa akin. Para ko na rin siyang kapatid, siya lagi iyong nakakasama ko dati.

"Shannon.." Malalim akong napabuntong-hininga bago hawakan ang kamay niya.

"Baka nagulat lang si tita..isa pa, nasasaktan naman niya ako pero hindi ganito kalala, ayos lang ako."

"So, this is not the first time? She's abusive?" Tanong ni Maximilian.

"Isusumbong ko talaga kay daddy si Tita." Muling sabi ni Shannon.

"Kung ayaw mong umalis sa kaniya. Fine! Pero doon rin ako titira. Hindi ko hahayaan na saktan ka niya ulit, Lauren! Alam ko kung paano ka pinalaki nina tito tony at tita Lizzie. Hindi ka nga nila hinahayaang masaktan, tapos hinayaan mo lang na ganituhin ka nila dito?" Halata sa boses niya ang pagka-irita sa akin. Gusto ko pa sanang magsalita nang biglang dumating si Leo.

"Where is she?" Taranta niyang tanong. Hindi ko alam kung paano niya nalaman, na nasa restaurant kami ni Maximilian.

"She's here." Sagot ni Maximilian. Nasa may pinaka-dulo kami kaya hindi niya agad kami makikita. Wala rin namang costumers sa ngayon. Ewan ko kung bakit maagang nagsarado si Max.

Kitang-kita ko kung paano nagbago ang itsura ni Leo. Ang kaninang punong-puno ng pag-aalala ay napalitan ng galit nang makita niya ang mga pasa at sugat sa gilid ng labi ko.

"Leo..." Natigilan ako nang mahigpit niya akong yakapin. Isang yakap na alam kong magbibigay sa akin ng lakas. Siya lang ang may kakayahan na magparamdam nito sa akin.

Long story short, I survived (COMPLETED)Where stories live. Discover now