Part 6

20 2 0
                                    

🎶 Oh no mountains too high enough
Oceans too wide
'Cause together or not
Our dance won't stop 🎶

The music continues as we continue swaying our hips together. While my hands start trembling so bad... which he probably noticed. That's why he gently held my right hand and gave me a sweet smile.

"Hindi mo na kailangan matakot dahil hindi ka na n'ya sasaktan." He said, almost a whisper.

🎶 Let it rain, let it pour
What we have is worth fighting for
You know I believe
That we were meant to be 🎶

Hindi. Mali ka. Hindi ako nanginginig dahil sa takot na baka saktan ulit ako nung babae. Kundi natatakot ako dahil kunti na lang ay bibigay na ako.

Hindi ito sa kaba dulot ng nangyari kanina kundi sa kaba na dulot mo sa akin. Hindi ko pa din mawari kung ano ba ang ikinakatakot ko? Presensya mo ba o iyong kakaibang dulot mo sa akin na kahit kanino ay hindi ko naramdaman.

O baka naman natatakot lang ako...na baka dahil hindi pa kita kilala ng lubusan ay hindi na normal ang aking nararamdaman... para sa'yo... sa mga mata mo... sa bawat galaw mo na hindi ko alam ang ibig sabihin pero nahuhulog ako.

🎶 It's like catching lighting the chance
Of finding someone like you
It's one in a million
The chance of the feeling the way we do 🎶

"Thank you." Bulong ko na hindi ko sigurado kung nadinig n'ya. Ipinatong ko ang aking noo sa kanyang dibdib... na payapa... na hindi tulad ng sa akin na naghuhurumintado sa pag kabog.

🎶 And with every step together
We just keep on getting better
So can I have this dance
(Can I have this dance)
Can I have this dance 🎶

Natapos ang kanta na ganoon pa din ang posisyon namin. Hindi ako nag reklamo dahil totoong kusang huminahon ang dibdib ko nang hawakan n'ya ang aking kamay.

He didn't just hush me, but also gave me peace. The peace that I've been looking for, the peace for my heart and soul.

Binitawan n'ya ako nang magsalita na ulit ang host. "Okay ladies and gentlemen, we will stop right there for a while. We have the results and I will be going to announce our winner for tonight."

Umupo na ang mga babae at pumwesto na din ang mga lalaki. Kanya kanyang cheer ang mga dalaga at binata na nandito, at isa ako sa may pinaka malakas na pangalang nangingibabaw.

"Let's start with our 4th runner up. Who do you think got the position?" Tanong ng host sa lahat.

"1!"

"3!"

"1!"

"2!"

"3!"

"3!"

Sigawan nila.

"Yes, you vision it right! Our fourth runner-ups are candidates number 3! Ms. Gela Gelato and Mr. Mark Plena, with the total amount of 3,578 pesos." Nagpalakpakan kaming lahat at pinanuod ang paglakad ng dalawa sa gitna. Binigyan sila ng simpleng sash at hand made bouquet para sa babae.

Ganoon ang nangyari hanggang sa second runner-up at hindi pa din kami natatawag ni Cloud.

Iyong Dana at John ang nagpangatlo na naangatan lang ng fifty pesos nina Lea at Louie.

"Who do you think will be our King and Queen of the night?!" Maligayang tanong ng host. Dalawang partner na lang kami, ako at si Cloud at si Dine at ang partner n'yang si Athena.

Atleast I Have YouWhere stories live. Discover now