Part 14

26 1 0
                                    

"Kairo..."

Mahina ko siyang tinawag dahil nabibigla ako sa mga sinasabi niya sakin ngayon.

What have I done in my past life to have a best friend like him?

Nararamdaman ko na naman ang pangingilid ng luha ko dahil masyadong masaya ang puso ko ngayon. I might've been too messed up this afternoon but the heartwarming feelings now are just too good to bear with.

"Kapag nalulungkot ka, pumunta ka lang sa lugar na alam mong makakatulong sa'yo para makalimutan yang lungkot na yan..." Nagkibit balikat s'ya. "...Hindi mo kailangang magtatakbo habang bumubuhos ng malakas ang ulan, lagnat lang aabutin mo non."

I chuckled. I'm all ears to him while admiring his words.

"Though, ngayon mo lang nakita itong lugar na 'to..." Inilibot niya ng tingin sa garden bago ibalik sa akin ang atensyon.

Tunay naman, ngayon lang ako nakaparito at isa pa, hindi ko alam na may ganito pala silang pagmamay-ari.

"You know, hindi natin dapat ipilit ang sarili nating maging okay... pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay yung akala mong makapagpapahinahon sa'yo, yun na yung gagawin mo." Makahulugan niyang sinabi.

Kumunot ang noo ko. "Do I make sense here?" Tanong niya.

"Tuloy mo lang..." Sagot ko sa kaniya.

Maraming beses na kami nakapag usap ni Kairo tungkol sa mga rants ko. Pero ngayon, parang ibang Kairo ang kaharap ko. He used to use harsh words... that was he's way of showing care for me. But now, he's using meaningful words which I understand naman.

"Subukan mong gawin yung mga bagay na makapagpapasaya sa'yo... except sa magpapansin sa natitipuhan mo." Sinamaan ko siya ng tingin pero nagkibit balikat lang s'ya.

"But I'm serious, I find that thing wasn't healthy, it won't help." Patuloy pa niya.

"Kairo..." Tawag ko sa kaniya. "Sa buhay mo ba, kapag may problema ka tapos sobrang bigat ng nararamdaman mo, naranasan mo na bang bigla na lang may papasok na isang tao sa isip mo, kahit na... hindi naman siya involved sa iniiyak mo?" Tanong ko nang maalala na naman ang lalaking iyon.

"Cloud?" Walang pasubali niyang tanong.

He got me there. Ano pa ba sa akin ang hindi niya alam? Kulay na lang ata ng under garments ko ang hindi niya mahulaan sa akin.

"W-well... a-ah..." I can't find words for me to answer him.

"I think you just need more time, Ael. Siguro masyado ka lang nabulag sa kagwapuhan nung taong yon."

"Hoy, hindi ah! Ganun na ba talaga tingin mo sakin?"

"I mean, isn't it too early? Masyado mo lang siyang inisip non at hanggang ngayon, iniisip mo pa din, tama?"

"K-kind of..."

"Ael, mahaba pa ang sembreak. Maybe you might need that time to think. Iniyakan mo na nga yung tao, na hindi mo manlang natanong ang sarili mo kung talaga bang worth it siyang iyakan."

Hindi ko siya nasagot doon kaya umiwas ako ng tingin.

"Pero ayos lang 'yon. Gusto ko din sabihin sa'yo ngayon na ibibigay na namin sa'yo itong natitirang mga araw ng sembreak natin."

Bumaling ako sa kaniya at pinagkunutan ng noo bilang tanong sa kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Wala munang outing, kailangan mong mag-isip." Seryoso niyang sabi.

"But..." Pahabol pa niya. "... hindi ka magkukulong lang sa kwarto mo kasi hindi yun healthy. And plus, hindi mo kakalimutang mahal na mahal ka namin."

Atleast I Have YouWhere stories live. Discover now