Part 15

13 5 2
                                    

"Oh c'mon, baby girl, napag-utusan nga lang ako na pumarito."

Kinukulit pa din ako ni kuya Gi habang ako naman ay kunot na kunot ang noo na nakakrus ang braso sa dibdib.

Tumayo ako sa bangko at pumasok sa loob ng bahay para umakyat na sana sa kwarto.

"Uy, baby girl sorry na, aalis na ako kung gusto mo." Suyo pa n'ya sa akin.

Tumigil ako sa paglakad at nilingon siya na masama ang tingin sa kaniya. Napaatras siya ng kaunti don at halatang natatakot sa gagawin ko.

"Akala ko ba busy ka today at sa mga susunod na araw?" Iritadong tanong ko sa kaniya.

Inis na inis ako sa tuwing nagsasalita s'ya ngayong araw dahil sa bigla na lamang siyang sumulpot dito sa bahay. Nagbibihis ako nung marinig ko na kumpleto na raw ang maglalaro dahil andito na si kuya Gio.

"Ano?!" Ganoon na lamang ang gulat ko kanina nang marinig ang sigaw mula sa labas ni kuya Chicco na huwag na daw akong mag-abalang sumali dahil nga hindi na ako kailangan.

Lumapit pa lalo sa akin si kuya Gi na para bang sobrang laki ng kasalanan niya sa akin at iyon ang inihihingi niya ng paumanhin.

"May ginagawa naman talaga ako, baby girl. Ang kaso, si kuya Chicco yon, matatanggihan ko ba naman 'yon? Tsaka hindi ko naman alam na sasali ka pala, sobra akong minadali ni kuya kanina kaya hindi na ako nagdalawang isip na kumaripas dito. Tingnan mo nga oh, pawis na pawis na ako tapos nadi-dehydrate na din ako sa pagpaliwanag sa'yo." Litanya niya at nangunsensya pa.

"Aba't!" Nilakihan ko siya ng mata at nag-ambang sasapukin siya.

"Oh, biro lang! Ano nga? Kung ayaw mo, aalis na ako ngayon din miss ma'am." Sumaludo pa siya sa akin sa kahangalan niya.

"Tsk." Iyon lang ang nasabi ko at tinawanan na lang s'ya bago ako umakyat papunta sa kwarto.

"Hoy, baby girl!" Habol pa n'ya.

"Gaga! Sige na, makipaglaro ka na sa kanila." Sabi ko habang nakatalikod. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya tinawanan ko pa siya lalo.

"'Wag kang ma-injured ka sana." Baling ko sa kaniya saka siya nginisihan ng malaki.

May sasabihin pa siya pero hindi ko napinansin iyon at isinarado na ang pinto.

Nabubuwisit talaga ako, ang ganda ganda ng plano ko kanina na kakampi ako sa magiging kalaban ni Cloud para magpabebe sa pag agaw ng bola sa kaniya. Tapos bigla hindi na pala ako kailangan? Napakadaya ni kuya Chicco!

Hindi ko na alam kung ilang oras sila naglaro at anong oras natapos doon. Basta ay pagbaba ko ay wala na ang mga kaibigan ni kuya pati na rin si kuya Gi.

Nakita kong palabas ng kwarto niya si kuya Chicco at bago pa man ako makababa ng hagdan ay nagtama na ang tingin naming dalawa.

Pinagtaasan ko siya ng kilay at inirapan nang pagtaasan din niya ako ng kilay. Lakas mong mambwiset ha!

"Woahh, look who's mad...really mad." Pang aalaska pa niya sa akin habang sinusundan ako pababa.

Dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig dahil kakagising ko lang at wala na akong tubig sa kwarto ko.

Hindi ko pinansin ang malakas na pagtawa ni kuya at nakakailang beses na akong umiirap irap dito.

"Manahimik ka kuya, mukha kang bagang!" Lalo lamang ikinatawa ni kuya iyon at maya maya lang ay inubo ubo na siya.

"Laro ng mga boys yon, Aelchi Serafia, dapat lang na nasa kwarto ka at mahimbing na natutulog." Nadinig kong uray niya sa buong pangalan ko bago ko pinagbagsakan ng pinto ng kwarto ko.

Atleast I Have YouWhere stories live. Discover now