CH 2: Zolpidem

36 3 0
                                    

Rey

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Rey

PINAPANOOD ko kung paano nila i-angat ang bangkay ng tiyuhin ko papuntang stretcher hanggang sa ambulansiya. The nurse declared his death.

Pero ang nag papataka sa akin ay paano?

Paano siya namatay? We already gave his proper medicine at hindi kami nag kakamali ro'n it was Aspirin after all. So how?

Tita Claire is crying right now. Which is tito D's wife. A thirty-nine year old lady who's a successor for achieving a tons of medal and trophy dahil sa mga na-iambag niya sa trabaho nakaraang taon.

Lahat kami ay pinapanood ang pag-alis ng ambulansiya sa harap, kahit 'yung mga kapitbahay namin ay mga nakiki-usyoso na rin.

May mga bulong-bulungan kung papaano raw siya namatay. Imbis na masaya kaming lahat ito at nag luluksa kami sa mga nangyari.

Tito D is a successor same as tita Claire. Pero mas sikat ang pangalan ni tito kesa sa pamilya naming may mga business rin. Marami siyang ari-arian na nasa ibang lugar mga mamahaling kagamitan na matatawag mong kaniya lang.

As I turned to my father naabutan ko siyang nag-iiniyak sa gilid kahit lasing na. Inaawat pa nga siya ng mga tiyuhin ko rin, pero nag pupumiglas pa rin ang taong 'to.

"Kuya! Huhu! Bakit ganon?!" halos mapaupo na siya sa lupa at patuloy pa rin sa pag-iiniyak.

Hindi ko nalang siya pinansin ng may maramdaman akong humihigit sa ibabang laylayan ng damit ko.

Tumingin ako kung sino.

"Loraine, bakit?" tanong ko.

"Anong ikinamatay ni tito D?" balik niyang tanong sa akin.

Ilang minuto aking natahimik. Ano nga ba? Hindi ba't heart attack? Pero paano?

Dahil ba 'yon sa iniinom niyang gamot?

"Hindi ko alam." tanging said ng boses ko.

Ano nga ba? Ano nga bang sagot do'n?

"Mag pahinga na muna tayo." boluntaryong saad ni tita Beth sa aming lahat at sumunod naman ang karamihan sa kaniya.

"Hindi, uuwi kami ng anak ko, Rey!" tinawag ako ni papa, dahilan para lumapit ako sa kaniya. "Get your things, uuwi na tayo." utos niya.

"H'wag ka ngang makulit. Lasing kana paano kayo makakapag drive ha?!" tita Beth yelled.

Hays, here we go again. Pag-tatalo.

"Ti-tinawagan ko na si Badong. Papunta na siya. Rey dali!"

Nag madali akong kunin ang bag ko na naka sabit malapit sa pintuan, sinundan ako ng tingin nila Spencer at Loraine. As I wear my bag, agad kong inalalayan si papa sa pag balanse.

Halos mang gilaiti naman si tita Beth kay papa at padabog na pumasok ng bahay.

Ten minutes past, at may isang pulang sasakyan ang pumarada sa harap ng bahay.

Who Did It? (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon