Chapter 10: New Environment

185 12 2
                                    

Salamat sa nga nagbabasa nito꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡
Enjoy Reading!( ˘ ³˘)♥

===========================================
Chapter 10

Rayne's P.O.V

"Rayne Anthony Velardo? Your parents are having an important meeting so i will be the one to guide you to your designated dorm room. " Sabi sa akin ng isang teacher na nagfa-facilitate ng dorm assigning.

Halos umonti kaagad ang mga estudyante dahil nakapunta na sila sa mga naka-aasigned na dorms nila, naiwan akong mag-isa kasama ang mga guards na bubuhat ng gamit ko.

Naglakad na kami habang sumusunod naman ang mga bodyguards nila Papa. As we pass every single room ay mga masayang nag-uusap at nagkukuwentuhan na kaagad, suwerte naman nila at kilala nila ang mga kasama nila.

Sa wakas ay narating na rin naman ang harap ng aking magiging dorm room. Actually it's here in the third floor.

"This will be the spare key, your roommate have also his own spare key and so the administration, just in case na mawala." Sabi niya na agad ko ring tinanggap ang susing inabot niya sa akin.

"Thank you po ma'am." I smiled at her back bago umalis sa nilang iyon.

"Ah...dito na lang po ninyo ilagay muna, ako na po ang bahala sa mga gamit ko." Sabi ko sa mga umalalay sa akin, nagpumilit sila pero dahil mas makulit ako ay napapayag ko na sila basta ipagbigay alam ko daw kina Dad.

Wow, kahit nasa school kami ay feeling ko nasa ibang lugar pa rin ako dahil sa location ng dormitories, i can see some hills nearby.

The door's still locked, i guess i'm the one who's going to surprise my dorm mate. Nang mabuksan ko ay napansin ko kaagad ang lawak nito, masyadong malawak for a dorm room, para siyang condominium. Nang makaloob ay parang maliit na sala ang unang bubungad sa'yo.

Ano pa ba ang expectations natin sa yayamanin na school. Mga anak mayaman nga naman, hanggang sa paaralan ay spoiled pa rin.

Then there's a narrow hallway kapag nilagpasan mo ang sala with 2 doors sa left at one on the other side. Ang itsura ay Room 1 is left, Room 2 is right then Room 3 is left again.

Agad kong iniligay ang mga gamit ko may pagkabigat-bigat sa Room 2.

Dormitories are divided into four buildings, ang arrangements ay parang square lang ang dating, may north, south, east and west. They literally jumbled the students para hindi namin makasama ang mga kaibigan namin.

Kuya Xion is in the South Dormitory while me is in the East.

It's already 1:00 in the afternoon and i need to place all my stuffs inside. After that, agad kong inihagis sarili ko sa napakalambot na kama, literal na lumubog ako sa gitna, pati mga unan parang malulunod ako sa kalambutan ng higaan ko.

1:40 na, ang bilis ng oras pero wala pa ata mga makakasama ko.

Inilabas ko yung isang bag ng maraming cookies na inilagay ni Papa sa isang bag ko, i planned on giving some cookies sa mga dadating mamaya as a 'welcome' snack.

Agad ko itong nilagay sa maliit na table sa sala at naglagay ng sulat...

Hi:)
Welcome to our dorm room:)
Hope to get along with you guys;)

Bumalik na ako at saka naisipang umidlip na muna.

------

Bigla akong naalimpungatan dahil sa naririnig kong nag-uusap, agad akong lumabas ng kuwarto dahil sa excitement kahit na feeling ko may muta pa ako. Ang ganda kasi ng panaginip ko eh, nasa hill daw ako nagtatatakbo.

Nabihag Ang Anak Ng Gangster(BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon