Chapter 17: That's How It Started (Flashback)

165 8 4
                                    

This is the last part of the flashback, i didn't include kung paano naging si Benjie saka yung bruhilda niya cause it's causing too much headaches hahaha.

Anyways enjoy! 〈(•ˇ‿ˇ•)-→

===========================================

Chapter 17

[FLASHBACK 5 YEARS AGO]

Rayne's P.O.V

The day that an opportunity for me were given ti me, ang pinakainaasam-asam ko noon pa buong puso kong sinalo ng walang pag aalinlangan.

Gusto ko daw ba siyang maging boyfriend? Sa isang iglap ay natanong niya sa akin ito na akala ko hanggang pagkakaibigan lamang ang relasyon namin.

But who would've thought that we'll last for almost 8 months?!

But that's what i thought...

Andito ako ngayon sa rooftop dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakipagkita si Benjie sa akin. Usually magtatambay or magsasayang kami ng oras namin from our vacant periods sa pag-uusap o 'paglalandian' if you like to call it that way.

Pero hindi ko inaasahan na ganito ang mga lalabas sa bibig niya at ang sakit, parang mistulang kutsilyo ang kaniyang mga salita.

"Bakit? Akala ko ba okay tayo? May nagawa ba ako? Mahal naman kita at ayaw kong tapusin ito." Halos pagmamakaawa kong sabi rito.

"I loved you pero...'di ko na talaga kaya." Simple sagot ni Benjie nang hindi man lang tumitingin sa akin, everytime na nag-uusap kami laging may eye contact pero ngayon parang ayaw niya akong tignan.

Nagpipigil na lang akong humikbi at umiyak sa kaniyang harapan pero gusto kong isumbat sa kaniya kung gaano ako nasasaktan ngayon.

"I gotta go, i'm sorry..." At dun na lumabas ang ingay ng aking iyak dahil dito na magtatapos ang saya na inaasam ko kasama si Benjie. But i was not expecting him na yakapin pa ako ng mahigpit, nagpaubya na lang ako sa init ng kaniyang bisig.

Pero unti-unting nawala na tila mas dumagdag pa sa sakit, inihagis ko na lang kung saan mang direksiyon mapunta itong maliit na panda stuffed toy.

Ininda ko lang ang haplos ng hangin sa aking basang mata na nagdulot ng lamig sa aking sistema. I want to go home.

Agad akong umalis pababa pero hindi ko inaasahan ang sasalubong sa akin mga grupo ng mga kababaihan at mga kalalakihan na tila para ako kanilang hinhintay.

Pero isang babae ang lumapit sa akin, siya yung natapunan ko ng inumin.

"The news spreads tungkol sa inyong dalawa ni Benjie, you know how disgusting that is? Hinahawaan mo pa siya sa kahibangan at kabaklaan mo! Guys! Fire it all!!"

Pagkasabi niya at may malakas na tumama sa aking noo, itlog ang kanilang sunod-sunod na binato at ako naman ay iniinda ang sakit kahit itlog lang ito.

Sumisigaw ako upang pigilan sila pero tila bingi sila at hindi man lang maubusan ng ibinabato nila.

"Hoy! Ano ba? Magsitigil kayo!" Boses iyon ni Shane, naramdaman ko na lang na niyakap ako nito at kasama na din siya sa binabato. Pati pa ang kaibigan ko ay nadamay na.

Natigil na lamang nang pumito ang guard at pinaalis lahat ng mga nanduon. Pinadiretso na lang kami sa restroom para linisin ang sarili namin, hindi man lang umaksiyon ang mga guro sa nangyari.

Napaiyak na lang ako sa mga nangyayari, pakiramdam ko ay napakababa kong tao para ganituhin nila ako, lalo na si Shane na wala namang ginagawa.

Kasalukuyang pinupunasan ni Shane ng basang damit ang aking ulo dahil baka manlagkit daw ako.

"May tao ba dito? Rayne?" Tawag nito sa akin, teacher pala.

"Nandito po kami, ma'am. N-Naglilinis."

"I heard about what happened kanina, bakit 'di mo man lang sinasabi sa akin? I've called your parents and...they are here." Pagkasabi niya ay pumagilid ito at sumalubong sa akin sina Dad at Papa. Naluha na naman ako at patakbong yumakap sa kanila dahil sa mga oras na 'yun ay para akong kawawang sisiw.

Naiyak na rin si Papa at si Dad naman ay nasa gilid at may katawag sa phone niya, base sa kaniyang mukha ay parang galit na galit ito.

"Come, let's get out of here, this school will get what is deserves." Sabi ni Dad at saka kami naglakad palabas ng school, nasalubong ko ang mga pamilyar na mukha na kasabwat sa pambabato sa amin at bakas sa kanilang mukha ang kaba pero wala na akong pakialam dahil ang gusto ko lang muna ay umuwi at mahiga sa kama ko.

"Any last word for this school?" Biglang tanong ni Dad bago kami pumasok sa loob ng sasakyan, si Shane.

Hinanap ko si Shane pero hindi ko siya makita, baka kasama nung teacher, nang masilayan ko silang papalapit sa gate ay kumaripas ako ng takbo papalapit dito at niyakap ito ng mahigpit.

"Salamat dahil andiyan ka pa rin sa tabi ko. Isa ka sa mga mahahalagang parte ng buhay ko, Shane. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari pero mami-miss kita ng sobra." Nag-usap pa kami ng ilang segundo at tuluyan na akong tinawag ni Papa para umalis dito.

I will miss this school somehow kahit ilang years lang ako dito, nakadungaw lang ako sa bintana and our eyes met.

That one person that i wish not see again.

I'm angry and i'm in pain.

"I don't know what you did to deserve this, alam kong mabuti kang tao para ganituhin nila. It's painful for me na ganito pala ginagawa nila sa'yo." Sabi ni Papa at muli ay nasilayan ko na naman ang kaniyang luha, i felt responsible for making him cry.

Nang makarating kami ay agad na sumalubong sa amin si Kuya Xion.

"First up, get cleaned and we will discuss this matter after." Utos ni Dad, sinamahan naman ako ni Papa na maglinis ng katawan. Naglinis na ako ng katawan at muling bumaba sa salas.

"How long this has been going on?" Unang tanong ni Dad habang nakadungaw sa malaking bintana habang kami ni Papa ay nakaupo lang sa sofa.

"Nung una palang pero hindi ko naman alam na magiging malala ngayon." Before hanggang kutya lang pero ngayon ay nagiging physical na sila.

"At hindi ka man pang nagsabi? Alam mo bang puwedeng makaapekto sa mental health mo ang ginagawa nila sa'yo? Tapos hinahayaan mo lang?" Alam kong nagpipigil lang si Dad na bulyawan ako pero ayaw ni Papa ng ganung way ng pagsermon.

There's that one time na nasigawan ni Dad si Kuya na dahilan kung bakit nag away noon sila ni Papa.

"You will attend school online until i know you are ready again. And you will be attending the same school with Xion until you finish school in high school and even in college." Sabi nito with finality in his voice.

===========================================

I didn't include any of the online school or home school thing sa mga first part kasi habang tumatagal ay mas naipapaliwanag ng maayos kung bakit ganito kung bakit ganiyan, ganems.

Nabihag Ang Anak Ng Gangster(BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon