Chapter 30

1K 37 23
                                    

Third Person's POV


Ilang segundo na ang nakalipas pero nanatili lamang sa loob ng sasakyan si Bea. She receive another message from Jia.

Julia Melissa:

I know you're still mad at me. Pakinggan mo lang ako. Hindi na kita kukulitin pagkatapos.


Muli siyang tumingin sa labas, nakatingin si Jia sa kanya pero hindi ito lumapit sa sasakyan. Pumikit siya at nagbilang ng limang segundo, huminga ng malalim at saka pinatay ang makina ng kotse bago lumabas.


Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa babaeng matagal niyang hinanap. Bukod sa business na inaayos nila ni Kianna ay siya lang naman talaga ang dahilan niya para umuwi ng Pilipinas.


Dapat masaya siya, pero sa dami ng nangyari, hindi na niya alam kung ano bang dapat maramdaman.


"Thank you" bungad nito pagkalapit niya "And I'm sorry.."


Yumuko ito at pinagmasdan lang ang kanyang mga paa. Hindi niya alam kung paano haharapin si Bea, kahit pa siya naman ang may gusto na mag-usap sila.


Hindi sumagot si Bea. Hindi rin alam niJia kung dapat ba siyang magsalita. Kanina lang ay ang dami niyang gustong sabihin pero nakalimutan niya lahat iyon nang makaharap si Bea.


"Let's go somewhere else.."


Napa-angat siya nang tingin kay Bea nang magsalita ito. Napansin niya agad kung saan nakatingin ito.


"Magagalit ba si Jho kapag nakita niyang magkausap tayo?"


Agad naman na lumingon si Bea sa kanya pagkarinig ng sinabi nito. Hindi siya nakasagot agad dahil napa-isip din siya. Magagalit nga ba si Jhoana? Hindi naman siguro?


"No. Bakit naman siya magagalit? Nag-uusap lang naman tayo." Tumawa ng mahina si Jia na ipinagtaka naman niya


"Hindi nga tayo nag-uusap eh" sagot nito


"That's because you're not talking. Ikaw yung gustong mag-usap tayo eh."

Ngumiti siya pero napansin ni Bea na hindi iyon yung karaniwang ngiti niya. Hindi katulad ng ngiti niya kapag nanunuod siya ng game nito. 


"Masyado mo namang pinapahalata na ayaw mo talaga akong kausapin." Magsasalita sana si Bea para sabihin na hindi ganoon ang gusto niyang iparating pero nagsalita ulit si Jia  "Alam ko naman napilitan ka lang and, I'm sorry. Sa totoo lang ayon lang naman talaga gusto kong sabihin eh. Sorry. Sorry kung nagsinungaling ako. Sorry kung hindi ko agad sinabi sa'yo." 



Ilang minuto ang nakalipas na walang nagsalita sa kanila. Nakatingin si Jia sa malayo habang si Bea naman ay nanatiling nakatingin sa kanya. 


Bakit ba ako nagagalit  sa kanya? I waited so long to see her. To finally meet her. What am I doing?  Naisip nito habang pinagmamasdan pa rin ang babae sa harap niya. Ang taong matagal niyang hinanap. 

It Might Be YouWhere stories live. Discover now