Chapter 9

1.9K 67 21
                                    

Third person's POV

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Jho ng makalapit siya sa dalawa. Bakas sa kanyang pananalita na naguguluhan siya sa nangyayari. Paano nagkakilala si Bea at Jia? Saan? Kailan? Mga tanong na tumatakbo sa kanyang isip ngayon.


Tila wala namang narinig ang dalawa na ngayon ay nakatitig lang sa isa't-isa.

"Ikaw yung babaeng weird" sabi ni Bea

"Aba anong weird! Ikaw kaya yung mas weird!" Sagot naman ni Jia sa kanya

Nagtataka si Jia kung anong ginagawa dito ng babaeng nakilala niya kailan lamang. Pagkatapos kasi ng pagkakausap nila sa harap ng malaking bahay ay hindi na niya ulit ito nakita.

Samantalang si Bea ay hindi na maipaliwanag ang nararamdaman. Habang nakatingin siya sa babaeng ito ay lalong lumalakas ang kutob niya na baka nga siya na ang matagal na niyang hinahanap.

Si Jia, ang bestfriend ni Jhoana. Sa kanya yung panyo. Bulong ni Bea sa kanyang sarili.

"Teka! Parehas kayong weird eh" pumagitna si Jho sa kanila at hinarap si Bea "Paano mo nakilala ang bestfriend ko?"

"Nagkausap lang kami dati. May tinanong siya, pero hindi kami magkakilala talaga" pagpapaliwanag naman ni Bea sa kanya. Tumango ito at humarap kay Jia.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na nagkita na pala kayo dati?" Taas-kilay na tanong naman niya sa kanyang kaibigan ngunit mas mataas na kilay ang sagot sa kanya nito.

"Aba! Jhoana Louisse, ni hindi mo nga sinabi sa akin na may bago kang kaibigan. Paano ko sasabihin na kilala ko siya?"

Natahimik si Jho sa tanong ni Jia. Nagtataka rin siya sa sarili niya kung bakit ba nagiging big deal ang pagkakakilala ni Bea at ng bestfriend niya.

Pinagmamasdan lamang siya ni Jia at kung anong reaksyon nito sa kanyang sinabi. Hindi niya maintindihan ang kinikilos nito ngayon. Para siyang natataranta na kinakabahan.

Samantalang si Bea ay kanina pa nakatingin kay Jia. Tila ba kinakabisado niya ang itsura, maging ang pagkilos nito. Gusto niyang makilala pa ang babaeng tinutukoy ni Jho na may-ari ng panyo at may initials na kagaya ng sa taong hinahanap niya.

Napansin ni Jhoana na masyado ng tahimik kaya naman siya na rin ang naunang magsalita.

"Magkakilala na pala kayo eh, pwede na siguro tayong kumain?"

Nauna na siyang naglakad papunta sa kusina at sumunod naman sa kanya ang dalawa.

"By the way, Jho. Nagdala ako ng desserts. May nadaanan kasi ako, on my way here" inabot ni Bea ang paper bag kay Jho na agad naman nitong kinuha.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon