Chapter 12

1.9K 66 29
                                    

Lagi ka ba talagang nakasimangot? Hindi pa ata kita nakikitang nakangiti. Ganito lagi mukha mo oh ....

( Insert young Bea's picture, with a straight face )

~~~~~

JHOANA's POV

"I found her, Jho. Sumulat na siya. She finally wrote back."

Hindi agad ako nakasagot dahil sa sinabi niya. Nakikita ko kung gaano kasaya ngayon si Bea. Hindi man kami ganoon katagal na magkakilala pero alam kong masayang masaya siya dahil sa sinabi niya.

"Bakit pala? Kilala mo na ba kung sino yung hinahanap ko?" Tanong niya kaya napakurap pa ako ng ilang beses bago umiling.

"A-ah.. hindi naman.." bahagya pa akong tumawa bago mag-iwas ng tingin "Naalala ko lang kasi bigla, sabi mo magpapatulong ka sa akin di'ba?"

"Ah. Oo nga, sinabi ko nga pala yun. But forget about that, Jho. No need to help me find her." Masayang sagot niya. Nagdalawang isip ako sa itatanong ko pero tinuloy ko pa rin.

"B-bakit? Nakita mo na ba s-siya?" Hindi sana ako mag-aangat ng tingin pero hindi siya agad sumagot kaya napilitan ako.

"No." Nakangiting aniya "Pero nag-iwan siya ng letter for me. She told me that she can't meet me right now. Hindi niya sinabi kung bakit but I didn't bother to ask."

"Bakit naman? Okay lang sayong hindi mo siya makilala?"

"Hindi naman. I'm just respecting her decision kaya okay lang sakin kung hindi pa kami magkita" Tumango ako sa paliwanag niya. Muli ay nginitian niya ako "Plus, tiwala naman ako na she'll keep sending me letters now. I've been waiting for it since last week na nga eh."

"Kaya pala lagi kang nandoon sa village namin" wala sa sariling sabi ko kaya napakunot ang noo niya.

"How did you know? You were always not there kapag pumupunta ako."

"Huh?" May pagtatakang tanong ko. "Bakit mo rin alam na lagi akong wala don?"

"Because I'm always trying to visit you at your place, pero laging yung katulong ni lola ang naaabutan ko"

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bumilis ng bahagya ang tibok ng puso ko.

Because I'm always trying to visit you at your place.

Umulit sa utak ko ang sinabi niya. Napatitig ako sa kanya saglit bago ngumiti.

"Ah.. ganon ba?" Tumango siya sa akin at hindi na ako sumagot.

"So.. paano mo nga nalaman na lagi akong nandoon?" Hindi ko alam kung ako lang pero parang nangaasar ang tono niya. "Are you hiding from me?"

It Might Be YouWhere stories live. Discover now