Chapter 99

145 16 12
                                    

Chapter 99


Zéphyrin Kade's POV


Paglabas ko sa kwarto ko naabutan ko ang tatlo na nag sisigarilyo, napatingin naman sila saakin


"uy gising ka pala" iyon agad ang sinabi saakin ni Jo kaya pinakyuhan ko na lang siya


"oh pak sino ka dyan! may pa flowers si bakla pag uwi!" napatingin naman ako kay Kitty na may hawak na bulaklak na bigay ni Olaf kagabi inaayos niya ito at nilagay sa vase. bigla ko naman naalala ang nangyare kagabi kaya napangisi na lang ako. lumabas muna ako ng bahay kaya bago ako sumakay ng kotse ko sinigawan ko muna sila


"mag linis kayo kung hindi palalayasin ko kayo dito" napansin ko naman na agad silang nag sisitayo sa kanilang mga upuan kaya napangisi na lang ako, sumakay na ako sa kotse ko. Habang nag dridrive ako biglang may nag text saakin kaya kinuha ko ang cellphone ko at tignan kung sino, napangisi na lang ako dahil sa text


FROM OLAF:

Good Morning! Did you eat your breakfast? I hope you did see you later.


Ilang sandali nakarating na ako sa parking lot ng campus. Pag pasok ko sa loob ng campus napatigil na lang ako sa paglalakad dahil nakita ko agad si Olaf na naka-tayo lang sa gilid parang may hinihintay. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa para siyang makikipag away sa mukha niya pero gwapo siyang tignan sa hindi inaasahan bigla siyang napatingin saakin dahilan para lumiwanag ang mukha niya at lumawak ang ngiti niya saka siya tumakbo saakin papunta sa gawi ko


"good morning Kulot!!!" sigaw niya kaya napatingin saamin ang mga estudyante pero ngiting ngiti si tanga, mag sasalita sana ako pero bigla na lang ako nagulat dahil bigla niya akong binigyan ng isang pirasong tulip na kulay light pink.


"do you like it?" napangisi naman ako at tumango na lang ako dahilan para mapakagat na lang siya sa pang ibabang labi niya habang nakangiti


"Kulot, do you wanna be my girlfriend?" nang dahil sa sinabi niya narinig ko agad ang mga bulungan na nanonood saamin. Pero nakatingin lang ako sakanya at natawa na lang ng mahina saka ko siya nilampasan


"dapat alamin mo kung paano mo mapapaamo mga aso ko" pagkasabi ko non bigla siyang sumigaw dahilan para matawa ako ng mahina.


"HA!!!!!!!???? SA LAKI NG MGA ASO MO!? MAPAPAAMO KO BA MGA YON!?" hinabol niya lang ako at walang tigil ang bibig niya kakadada tungkol sa mga aso ko.


"wala na bang ibang option!?" napatingin naman ako sakanya


"ang ingay mo layuan mo nga ako"


"wow ha!! Ikaw na nga tong sinasamahan kong pumasok ganyan ka pa!"


"sino ba kasing may sabihin samahan mo akong pumasok?"


"e-eh bakit ba!? Eh sa gusto ko nga"


"exactly Xanth Vaughn" napatakip na lang siya sa mukha niya at ako pumunta na lang ako sa upuan ko saka naman dumating si Violet

She's Everything  |Ongoing|Où les histoires vivent. Découvrez maintenant