Chapter 2

7 0 0
                                    


Veera,

"Hindi  ko po siya pababayaan.." Inulit ko 'yung sinabi niya kay dad kanina. Hindi daw pababayaan eh nasan ka na ngayong unggoy ka!?

Sana nilamon ka na ng earth buset ka!

Nang makarating kami dito sa school ay bigla na lamang nag-laho na parang bula ang unggoy na kasama ko. Iniwan na ata ako nang gago.

Nandito ako ngayon sa harap ng school building namin. Matatagpuan ito sa left side ng campus habang nasa right side naman ang dalawang building ng College.

Hiwalay ang cafeteria ng Senior High and College same as their Dean's Office. Malayo ang bawat establisyamento ng mga building sa bawat isa. So sa madaling salita it's like mag-kaiba ang pag papatakbo sa College at Senior High School but nasa iisang lugar lamang ito.

Hindi rin naliligaw ang mga College students sa place ng senior high dahil nga sa lawak ng buong campus.

Saglit kong kinuha ang schedule ko sa aking bag. Ayon dito 8:30 ng umaga ang first class ko and it's already 8:00 in the morning so I still have thirty minutes to find where my room is.

I started to walk inside our building. Gaya ng sinabi ko, first and second year senior high school are on the same building. Ang first year is mula second floor hanggang fifth floor while ang second year is mula sixth foor hanggang 9th floor.

Ang first floor ay ang nag sisilbing pahingahan ng mga estudyante mapa first or second year man 'yan. Meron din ditong front desk at ang tao dito ang syang namamahala sa first floor.

May mga pwesto dito na puwedeng tambayan ng mga estudyante. In short dito nag-kakatagpo tagpo ang lahat ng mga estudyante sa Senior High. Sa pagka-katanda ko nandito rin ang Cafeteria ng buong Senior High so dito talaga sila tatambay.

Nag-tungo ako sa front desk at naabutan ko dito ang isang hindi katandaang babae. I think nasa thirty's pa lamang ito. Mag tatanong na lamang ako upang mas mapadali ang pag-punta ko sa aking assigned room. Hindi ko na hihintayin ang unggoy na kasama ko kanina lang.

I'm about to ask the lady when someone grab my left arm. Agad ko itong nilingon at natagpuan ko lamang naman ang unggoy na ngayon ay humahangos na akala mo ay nakipag-habulan sa sampung kabayo, Wtf!?

"What the hell are you doing?" Winaksi ko ang aking braso sa pag-kakahawak niya at taas kilay na tumingin sa kanya.

"M-ms. L-lozan---" Napatigil siya sa pag-sasalita ng mas tinaasan ko pa ang aking kilay.

"Pwede bang paki-alala kung ano ang sinabi ko sa'yo kanina sa kotse.!?" Pigil ang inis na sabi ko dito.

Sinabi ko kasi sa kanya na huwag niya akong tatawagin ng kung ano-ano dito and act normal. He can only call me by my name Veera at wala ng iba pa.

Kung bakit ba kase kukuha na lang ng bodyguard si dad eh halos ka-edad ko pa. Makakaya nga ba talaga ako nitong protektahan?

I know dad, hindi siya basta-basta nag-titiwala. Now I wonder, anong ginawa ng unggoy na'to at ang laki ng tiwala sa kaniya ni dad.!

Siguro nga mas mabuting mag-tiwala na lang din ako sa kaniya.

"I'm sorry V-veera may e-emergency call kasi."  Hingi nito ng paumanhin.

"Sa susunod tell me before you leave." Nag nod naman ito sa sinabi ko. Tsk parang bata.

Dad ako ba? Oh siya ang dapat alagan!?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He's My Childish BodyguardWhere stories live. Discover now