Silver's POV
nandito ako sa pad ni Yuan, tumatambay. 11:00 na ng gabi at bago naman ako umalis ng mansyon sinigurado kong tulog na si katie .
"Pare, kamusta naman yung rhaine? chix ba sa personal?"
"oo, pero gago wag mong pormahan"
"bakit naman?" tinitigan ko sya ng masama
"chill pre. nagbibiro lang ako" Yuan
Hindi ko na lang sya pinansin
"Thank you. you made me realized so many things" napangiti ako nung naalala ko yung sinabi nya kanina
Hindi naman sya mahirap turuan, medyo maarte nga lang at puro reklamo pero masaya ako na this way. matutulungan ko sya
Hindi ako naniniwala na ganun sya since birth maybe may pinagdaanan lang
makikilala ko pa naman sya sa loob ng 2 months
"oy. wag mong sabihing tinamaan ka dun kay rhaine?"
tumawa ako at pinukpok sya ng bote ng c2 na pakalat-kalat
"Asa.Hindi noh."
"ayy oo nga pala, hindi ka pa rin nakaka-move on kay—hehehe sabi ko nga eh cr lang ako"
tss. muntik na nyang masabi ang pangalan nung babaeng yun
Rhaine's POV
~i'm gonna swing from the chandelieerrrrr! from the chandelieeeerrrr!~
"ugh," ungot ko habang hinahanap ng kamay ko ang pinanggagalingan ng tunog na yun
"finally." sabi ko ng makapa ko na ang cellphone ko
papikit-pikit ko pang binuksan ito at nag-aalarm pala
alarm?! nagset ako ng alarm?! tinignan ko ang oras at 4:00 pa lang
anong nangyayari sakin? new year ba?! may sinabi ba akong ito ang new years resolution ko?
napasapo ako ng noo nang matandaan ko ang usapan namin ni nerd kahapon. pumayag nga pala ako
argh! inaantok pa ako for Pete's sake!
kinuha ko ang papel na pinirmahan ko kahapon
kailangan
4:30 naghahanda na ako ng breakfast
masakit man sa loob ko ay bumangon na ako kailangan kong ipakita kay nerd na kaya kong gumawa ng gawaing bahay. sa ganitong edad ko at bilang isang babae
kahit madilim pa ay nagtungo na ako sa banyo para maligo nagkanda-hiyaw hiyaw ako sa lamig ng tubig kingina.
saktong 4:30 ako natapos
nagbihis ako at nagsuklay at nagpunta na sa kusina
binuksan ko ang ilaw
breakfast....breakfast....breakfast...
Adobo?
umiling ako sa tanghalian ko na lang lulutuin iyon sabi nya iga-guide nya ako
kinuha ko na lang iyong hotdog, itlog, at bacon
huminga ako ng malalim
kaya kong magluto! hmp!
Silver's POV
*tok *tok
"sino yan?" medyo husky ang boses ko
"tanga. tayong lang dalawa dito sa bahay tapos tatanungin mo ako kung sinong nakatok?"

YOU ARE READING
My Nerdy Boss
Teen Fiction"hey! maid i want coffee!" "Magtimpla ka mag-isa mo!" "What? you're my maid right? baka gusto mong mapalayas ----" "fine! ipagtitimpla kita pagkatapos ibubuhos ko sayo!" "Ano?!" "Wala. sabi ko ang bingi mo grabe!" "yeah. whatever hindi na lang kita...