Simula

10.3K 143 12
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM is a crime.

Warning:
Some scenes ain't suitable for younger readers. Read at your own risk!


------------------------------------------------------------------------

|HUNK MEN SERIES IN ORDER|

• The Hunk Society (completed)

• Devouring Her

• The Devil In a Business Suit (soon)

• Desiring The Lady In Uniform (soon)

• The Damned Playboy (soon)

• (untitled)

--------------------------------------------------------------------------------

Simula

Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Ayan na naman si Mama, walang humpay at palagi na lang nag a-adopt ng bata.

"Ma?" Tawag ko sa atensyon nito.

Hindi ito nagsalita, busy sa pagpapatahan sa batang nasa sariling bisig. Napatitig ako sa bata.

Kakaibang lungkot ang bumalot sa dibdib ko nang makita kung paanong ingat na ingat sa pagkarga si Mama sa ika-tatlong adopted ng pamilya.

I am the biological daughter of my mom, pero tila ako pa 'yong nanglilimos ng pagmamahal. Hindi ko mapigilang ikompara ang sarili sa mga kapatid ko, kung titignan ay mas nagmukha pa akong adopted sa kanila.

Mom hates my dad dahil sa kumabit ito sa iba. She hated my dad kaya gano'n nalang ang pagka-ayaw nya sa akin. Just because of a small damn reason, I look just like my dad.

"Ma.." malalim akong napabuntong hininga at pinilit ang sariling kumalma nang mapansing hindi parin nito ako binibigyan ng atensyon. "Ma, the guidance counselor wants to talk to yo-"

She called one of the maids at saka ibinigay iyong bata bago ako walang emosyong binalingan.

"Come again?"

Itinago ko ang nanginginig na kamay at lakas loob itong sinalubong ng tingin.

"A-Ah she wants to talk-" napapikit ako ng walang pasubali nitong itinapon iyong remote ng tv.

Kitang kita ko kung paano iyong nagkapira-piraso sa sahig.

"Ano na namang ginawa mo?!" She shouted, the veins in her neck are now visible.

What's new? Of course takot siya sa ganitong topic dahil ayaw niya lang namang madumihan ang reputasyon niya bilang isang mayor sa lugar namin.

We lived in the northern part of Cebu, ito ang mayor sa buong lungsod at puro magaganda lamang ang komento ng mamamayan patungkol rito.
Kaya nama'y ganito nalang ang takot nitong madumihan ang posisyon sa lungsod dahil sa'kin.

"M-Ma I didn't-"

"Oh shut up, Catalina! You're just like your dad! Both rebellious! Wala na kayong ginawa kundi ang mag- pasarap lang sa buhay at magbigay ng sakit sa ulo sa'kin!"

Napayuko ako, unti unting namumuo ang luha. Kahit kailan hindi ito nakikinig sa mga paliwanag ko. Hindi nito alam ang dahilan kaya ito pinapatawag ng eskwelahan, dahil kahit kailan wala itong pakialam.

"Go to your room! You're grounded! No allowance and no car kaya maglakad kang pupunta sa eskwelahan bukas!" Iyon lang at mabilis itong nawala sa aking harapan.

Unti unting nahuhulog ang luha mula sa aking mata. Kitang kita ko kung paano ang mga iyong dumampi sa makinis na tiles habang naglalakad ako paakyat ng kwarto.

Nanghihina akong napaupo sa sahig nang tuluyan kong maisara ang pintuan ng silid. Saka ko tinakpan ang mukha ng sariling kamay bago humagulhol ng tahimik.

Walang nakakaalam sa mga pinagdadaanan ko, walang nakakaalam dahil pare pareho naman silang walang pakialam.

They wouldn't even know that I almost got raped! Iniwasan ko naman ang ganoong tao sa school, pero kanina hindi ako nakaligtas nang harangan ako ng mga ito at pinilit dalhin sa abandonadong library ng school.

Hindi ako nagpadala sa takot, lumaban ako, lumaban ako kahit mahirap dahil isa lang ako at apat sila. Ginawa ko lahat at mabuti nalang ay may nakarinig sa saklulo ko.

I was only 8 when my parents got annulled, mula pa man noon ay hindi na maganda ang relasyon nilang dalawa kaya din siguro bata pa lang ay mulat na ang mga mata ko sa katotohanan.

Hindi ko man lang naramdaman ang pakiramdam ng may pamilya. Ni hindi ko maalala kung kailan ko naramdaman ang pagmamahal mula sa kanila.

Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung may kulang ba sa'kin, kung may nagawa ba akong masama. Pero kahit anong gawin ko wala akong makuhang sagot, dahil bawat araw nagtatapos na palaging ako iyong talo at nasasaktan sa mga bagay na hindi ko man lang magawang akuin.

Pinahiran ko iyong luha sa pisngi kong patuloy lang sa pag agos habang nakatunghay sa labas ng bintana ng aking silid, kung saan kitang kita ko ang madilim na kalawakan.

Kita mo, pati buwan ay ayaw akong damayan.


-------------------------------------------------------------------------------

Devouring Her (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon