Kabanata 6

3.6K 83 3
                                    

Kabanata 6

Maaga akong nagising, nakapag-luto, nakapaglinis at natapos na rin akong maligo. Ngayon ay naglagay nalang ako ng kaunting lip gloss sa labi para hindi ako masyadong maputla. Kahit naman kase morena ako ay namumutla din ang aking labi.

Nagtataka ako ng marinig ang tunog ng doorbell, sa pag aakala kong bumalik si Chichay ay mabilis ko iyong binuksan. Ganoon nalang ang pag-kunot ng aking noo ng masilayan ang walang emosyong mukha ni Yakeru.

“A-Anong ginagawa mo dito?"

Tumaas ang kilay nito sa tanong kong iyon. Napangiwi ako, bakla ba ang isang 'to?

“You're really asking me that?" Makahulugang anito.

“Oo, obvious naman po diba?"

Aba'y hindi pa ako nakaka move on sa huling pagkikita namin! Wala ba ang girlfriend nito at ako ang kinukulit?

“Did I do something wrong for you to treat me like this?" Bigla ay seryosong tanong nito.

Nag isang linya ang aking labi, napilpilan ako at hindi alam ang isasagot.

“W-Wala naman."

Nagsalubong ang kilay ng lalaki at bahagya pang lumapit na mabilis kong ikina-atras.

“Then why are you acting like that?" His jaw clenched. “You even left me at the restaurant last time."

Napalunok ako.

“A-Ahm.. h-hindi kase magandang tignan. Diba sabi mo po may girlfriend ka? Baka magselos 'yong girlfriend mo pag nalaman niyang.."

Tumaas ang sulok ng labi nito, tila manghang mangha sa mga lumalabas sa labi ko.

“What?"

“Na nakikipagkita ka sa ibang babae!" Asik ko, nakakainis ang isang 'to, nginisihan ba naman ako!

Isang singhap ang kumawala sa labi ko ng maramdaman ang pag-ikot ng braso nito sa'king bewang.

“Do you want me to break her and date you instead?"

Napamulagat ako sa sagot nito, ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng aking puso at ang paghahabol ko ng hininga. This man is unbelievable!

“A-Ano?!"

Matunog itong ngumisi at mas lalo pang inilapit ang mukha sa'kin dahilan para bahagyang mapa-atras ang mukha ko palayo.

“Do I have to repeat it hmm?"

Kapagkuwan ay napabuga ng marahas na hininga bago lumayo sa'kin.

“Fine, I came here to ask you a favor."

“Again?"

“Huh? Did I asked you before?"

Napakamot ako ng noo, oo yata? Hindi ako sigurado kung matatawag bang pabor iyong nakaraan.

“A-Anong pabor ba 'yong gusto mo?"

Napahawak ito sa baba at tila umaaktong nag iisip. Napalunok ako ng makita ang side profile nito, ang gwapong lalaki. Dahil roon ay nae- emphasize ang panga nitong nag uumigting.

“I need someone to accompany me to Hong Kong."

Napanganga ako, nawiwindang.

“H-Hong Kong?!" Tumango ito, “Anong gagawin na'tin do'n?"

Bumakas ang iritasyon sa mukha nito dahilan para mag isang linya ang labi ko.

“Shopping obviously, what else do you think?"

Devouring Her (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon