Chapter 2

729 20 6
                                    

"Damn it. Ang tanga mo naman." rinig kong sabi ng nakabangga ko. Sa boses na narinig ko, halatang lalaki tong nakabangga ko. Huhu! Yung icecream ko. Sayang 25 pesos ko. Hindi ko manlang natikman ngayong araw yung halos araw araw na dinidilaan ni Renzo miloves. Nagpakahirap ako i-stalk nung 2nd year kami malaman ko lang favorite ice cream niya tapos matatapon lang?

"Huwaaaaaaaaaaaaaaaaaah yung yung yung ice cream ko *sobs*"

"what the! Sorry na. Uy! Uy! Bata sorry na. Sorry n--" naputol yung sinasabi niya dahil sa kakaiyak ko. Sayang naman kasi talaga. Naiiyak ako. Hindi ko na matitikman yung laging dinidilaan ni Renzo. Atleast dun man lang sana parehas kami ng dinidilaan.

"huhuhuhu yung ice cream ko."  

Third's POV

 

"Kawawa naman yung babae, nakipag break siguro yung gwapo" 

"Gwapo nga nagpapaiyak naman ng babae."

"Look, Taga St. Alexandria High yung girl oh."

"Psh. Babaero siguro yung guy."

Sabi ng mga taong dumadaan sa paligid nila Clarisse at ang nakabangga nitong lalaki. "Sorry na oh." pagmamaka-awa nung lalaki ngunit patuloy parin sa pag-iyak si Clarisse.

"yung ice cream ko kasi eh." 

"Ahh eh. Mukhang malayo na yung tindero eh. E-eto nalang oh. Ito nalang kapalit. Sorry na please. Wag ka nang umiyak." sabi ng lalaki at may iniabot kay Clarisse.

"Ice candy? Ayoko nito. Hindi naman ako kumakain niyan eh" tanong naman ni Clarisse nung nakuha na niya ito. Patuloy nanaman to sa pag-iyak.

"Eh hindi naman yan ice candy eh."

"Ano ba to?" napahinto si Clarisse sa pag-iyak at tinitigan ang hawak niyang malamig na inakala niyang ice candy.

"Frosty yan." 

"Sus. Pinasosyal mo lang eh. Nakabalot lang 'to sa mas matigas na plastic pero ice candy pa'rin to."  reklamo naman ni Clarisse. Hindi na 'to umiiyak. Nakatitig lang siya sa hawak niyang frosty. 

"haha tikman mo kaya? Sorry na ha? Dapat nga ikaw yung nagsosorry sa'kin eh. Tignan mo oh. Nadumihan mo yung damit ko. May pupuntahan pa naman ako at akala ata ng mga tao inaaway kita." 

"Ah eh hehe sorry sige bye" masiglang bati ni Clarisse at nagmadali ng umalis.

"Grabe yung babaeng yun ha? May ADHD ba yun? O sadyang isip bata lang?" bulong ng bata sa sarili.

"Uy pre!" napalingon ang binata sa tumawag sa kanya. 

"Buti nalang napadaan ako dito. Kanina pa kita hinahantay.  Tara na! Baka magsara na yung Registra-- teka! Ang dumi ng damit mo. Paboritong ice cream ko pa ata yan ha?"

Clarisse's POV

Hay. Ang sarap nang binigay sa'kin ng lalaking 'yon. Ano nga ba ulit 'to? Nakalimutan ko na. Frosty? Ay Oo. Frosty. 

"Mamaaaaaa!" sigaw ko nung nakapasok na 'ko ng bahay. 

"Ay anak ng tipaklong." gulat na bigkas ni mama habang nasa sala siya nanonood.

"Wala lang hehe naka-uwi na me. Sige Akyat na 'ko." sabi ko at umakyat na sa kwarto ko. Pagpasok ko, nagpalit na 'ko ng damit. Tinitigan saglit yung picture ni Renzo na nakatape sa pintuan ng cabinet ko. Hay. Kinuha ko na yung diary sa bag ko at dumapa na sa kama para makapagsulat.

Dear Diary,

Guess what? Ang daming pangyayari ngayon. Ay teka! Dalawa lang pala. Una, Muse ako at escort si Nathan Renzo Torres. Makakasama ko na siya sa mga activities sa school at may chance akong maging close sa kanya. Pangalawa, May natikman akong sobrang sarap. Para siyang ice candy pero hindi daw sabi nung nagbigay. Frosty yung tawag. Salamat dun sa lalaking hindi ko nakilala. Ang haba na pala ng naisulat ko. Dinaig ko na si Caryl Melon Kabe ng Dear Diary (One shot story). Try niyong basahin yun, One shot lang naman eh. hehe Advertise ang peg?

                                                                               

Third's POV

"Good Morning class" bati ng math teacher nila. Sabay sabay naman silang nagtayuan at sabay sabing "Good morning Mam Cuevas" 

"Okay. Sit down. I'm just going to announce that we'll be having a transferee student and magiging classmate niyo siya. Meet your new classmate, Mr. Santos. He's kinda late dahil nahirapan siyang hanapin ang room at yung locker niya so try to be nice to him students"

"Ang gwapo niya."

"New crush ko na siya."

"shut up girls. Ang lalandi niyo. uggh"

"sus. mas pogi pa 'rin ako jan."

Bulong ng mga classmate ni Clarisse ngunit wala siyang pakialam dahil nakatingin lang siya sa bintana. Tila nakatutula lang dahil hindi pa niya nakikita si Renzo ngayong umaga. Hindi nanaman siya mapakali.

"Oh wait. I think hindi naman busy ang muse natin so Ms. Legaspi paki tour nalang si Mr. Santos sa campus." sabi nang adviser nito ngunit hindi ata naririnig Clarisse dahil ito'y nakatingin padin sa bintana. Pinapanood ang mga ibong nagliliparan sa langit.

Ang sarap sigurong lumipad. Napag-isip isip ni Clarisse.

"Ms. Legaspi?" muling banggit ng teacher nila pero hindi padin ata naririnig ni Clarisse.

Mas masarap siguro lumipad kapag kasama si Renzo. Hawak niya yung kamay ko tapos nagngingitian kami. Nag-imagine nanaman ng kung ano-ano si Clarisse.

"Aray!!" sigaw ni Clarisse at napatingin sa katabi. Kinurot kasi ni Trixie ang baywang nito para tumigil na sa kakatunganga. Binigyan niya ito ng tumingin-ka-sa-harapan look.

Sinunod naman ito ni Clarisse. Tumingin siya sa harapan kung saan nakatayo ang adviser nila pati na ang bagong estudyante. Napa titig siya sa bagong estudyante, tinignan niya mula ulo hanggang paa. Para bang nakita na niya ito.

"Frosty yan." 

"haha tikman mo kaya? Sorry na ha? Dapat nga ikaw yung nagsosorry sa'kin eh. Tignan mo oh. Nadumihan mo yung damit ko. May pupuntahan pa naman ako at akala ata ng mga tao inaaway kita." 

"IKAW!!! TAMA IKAW!! Y-YUNG FROSTY!" 

My Crush's Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon