Chapter 17

818 11 5
                                    

Happy 6k reads. Thank you sa inyo. Enjoy!

-

Luis' POV

Simula nang nag math kami, nakikita ko na ng maayos si Clarisse mula sa kinauupuan ko. Nakatalikod nga lang siya. Madalas tumitingin siya kay Renzo. Kahit kailan talaga hindi nag-iingat. Paano kung mahalata siya? Aish. Bakit ko ba siya iniisip?

"Good afternoon Section A-12!" masayang bati ng teacher namin sa Values. Pinagmasdan ko si Clarisse, bumalik na siya sa kinauupuan niya dati pero ako hindi pa. Wala naman sitting arrangement kay Sir Fernandez kaya tatabi nalang muna ako kay Renzo. Sa mga kinikilos ni Clarisse halatang tuwang tuwa siya nang nakita niyang pumasok na si Sir. Hindi ikaka-ila na Values ang paborito niyang subject. "Oh wait, babalik ako. Naiwan ko ata yung class record ko. Pagbalik ko, ihanda niyo na ang assignments na ipapasa niyo" sabi nito at lumabas na. Tinignan ko ulit siya, Bakas na bakas sa mukha niya na na-eexcite siyang kunin yung notebook mula sa bag niya. Parang bata talaga umasta. Bakit ko ba siya iniisip? Makatulog na nga lang.

"Shit. Sa sobrang katamaran ko sa subject na 'to, Nakalimutan kong gumawa ng assignment" rinig kong sabi ni Renzo habang naka yuko ako sa desk ng upuan ko. Napaka dali lang naman kasi ng mga tanong sa assignment namin. Sa sobrang dali, nagresearch na lang ako sa Google kagabi. Wala naman kasi akong matanungan sa bahay.

"Ayan oh, si Patrick interviewhin m-" naputol yung sasabihin ko ng bigla ko siyang narinig na tumayo.

"Clarisse" napataas na ang ulo ko sa narinig kong tawag ni Renzo. Pinagmasdan ko si Clarisse, napapatulala nanaman. Hindi nanaman siya makapaniwala na papalapit sa kanya si Renzo.

"Pwede namang si Patrick ang interviewhin, lumapit pa kay Clarisse. Tsss" bulong ko sa sarili ko.

"Ano pre?" biglang lingon sa akin ni Patrick na nasa harapan ko.

"Wala." pagsisinungaling ko. Bakit ba 'ko nagkakaganito?

Matutulog sana ako ng biglang pumasok na si Sr Fernandez na may dalang class record at paper bags. "I'm back, pass your assignments. Ay nga pala, two weeks nalang at exam niyo na for 1st Quarter. Grabe, ang bilis talaga ng panahon." sabi niya. Ang tagal ko na rin pala rito. "Hindi na kayo mag-eexam sa'kin dahil alam ko namang minor subject lang ako at baka makasira ako sa mga exam niyong pagkahirap hirap sa mga major." dagdag nito. Napangiti ako sa sinabi niya. Maganda na rin 'yon atleast bawas sa oras ko. Pero palagay ko, may papagawa 'to.

"Teka, kalma section A-12. May ipapasa pa kayong reaction paper sa akin bilang kapalit" sabi na nga ba e. "First, Group yourselves into 6. Mas maganda kung magkaka-ibigan yung magkakagrupo, dahil konektado ito sa activity na gagawin niyo. Mag grupo na kayo. Do it silently" Wala na 'kong na-isip pa na kagrupo kung hindi sila Clarisse. Bukod kay Patrick siya lang ang kakilala ko nang sobra sa classroom. Sana piliin niya kami. Aish! Bahala na. Kung sino nalang umaya sa'kin.

"Renzo! Luis! Patrick!" rinig kong tawag sa amin ni Janine.

Utak: Huwag! Sumali ka sa iba. Makakasama mo lang 'yan si Clarisse. Ma-iirita ka lang sa kanya kapag nakagrupo mo siya.

Puso: Sumali ka na. Ayan rin naman ang gusto mo.

Naglalaban nanaman ang isipan ko. Bumalik nalang ako sa katinuan ng nagsalita si Patrick at lumapit na kila Janine. "Ayun! May kagrupo na tayo" Wala na rin akong nagawa kundi lumapit. Napa-tingin ako kay Clarisse, nakatitig nanaman kay Renzo. Sa mga galawan niya bakit hindi man lang naisip ni Renzo na may gusto sa kanya si Clarisse? Tss.

"Pre, tara?!" biglang tawag sa amin ni Jeno. Napahinto kaming tatlo ni Patrick sa paglakad. Nakaramdam ata 'tong dalawang 'to kung saan ba kami dapat sumali. Pinagmasdan ko si Patrick na nalilito at si Renzo naman nakatingin kay Clarisse. Si Clarisse din nakatitig kay Renzo.

My Crush's Best friendWhere stories live. Discover now