Chapter 4: Revelations Exploded

736 18 6
                                    

 Maan's note: Dinededicate ko to sa mga taong nagbabasa nito simula palang nung ginawa ko to last year pa. Yung mga nag-antay.. yung mga nagcocomment noon sa luma ko pang account.. Nakakamiss kayo. O kaya sa mga taong simple nagcocoment lang sa story ko hehe :) Thank you!

--

Luis' POV

TANGA! TANGA! Saan ko ba naiwan yun? Bobo naman. Naglalakad nanaman ako pabalik ng school. Siguro naman wala nang tao dun.

"Luis!!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Yung best friend ko. Si Renzo. Alam kong siya yun kahit malayo pa ang agwat namin. Ngumiti nalang ako habang papalapit siya sakin. "Musta unang araw mo sa school?" 

"Ayos lang. Bakit ka ba absent?" tanong ko.

"Nalate ako ng gising eh. Tinamad na 'ko. Daming chix no? haha oh saan ka na pupunta?" tanong nito habang papalapit na kami sa school.

"Babalik sa school. Nakalimutan ko yung---shit." Naputol yung sagot ko dahil biglang may bumangga sakin. Bakit ba lagi nalang may nakakabangga sakin? Ako ba ang pakakalat kalat sa daan o sadyang sila yung hindi tumitingin? 

"hwaaaaaaah sorry sorry sorry po." siya nanaman? Bakit ba lagi nalang kami nagkakabangga nito? Bakit sa lahat siya pa? Ang kamukha pa ng first love ko. Simula nung nakita ko siya kaninang umaga habang nakatingin siya sa bintana na-alala ko na si Mia. Lalo na yung mga mata niya. Yung mga ngiti niya. ay ewan! Kahapon naman nung nagkabangga kami hindi ko napansing kamukha niya. O baka dahil natataranta lang ako sa iyak niya nun? hay ewan.


"Sorry sorry sorry" sabi nito habang nakapikit ang mata at yumuyuko pa. "sorry sorry so---" napahinto siya ng nakita niya ko pati ang best friend ko. 

"Hi Clarisse!" masiglang bati ni Renzo. Pero tong babaeng to? Eto nakatulala. Ngayon lang ba to nakakita ng gwapo? ehem ehem

Clarisse's POV

Hayop yung tatlong yun. Sabi hihintayin sa gate. Nasaan na? Wala na. hay. Takbo na nga lang ako. Sayang walang track and field na event sa school namin. Pwede na ata ako dun kakatakbo.

"Aray" napabulong ko sa sarili ko. May nakabunggo nanaman ako.

"sht" rinig kong sabi ng nakabangga ko. May gulo nanaman akong napasukan. Bakit ba kasi lagi nalang akong may nakakabunggo. 

"hwaaaaaaah sorry sorry sorry po." sabi ko habang paulit ulit na yumuyuko. Wag naman sana nila ako ipablatter. Boses lalaki pa naman yung narinig ko. Wag naman sana nila ko reypin.

"Sorry sorry sorry" paulit ulit kong sinasabi. Bakit ba hindi sila sumasagot? Tao ba tong nakabangga ko? O baka naman poste lang?

"sorry sorry so---" napahinto ako sa kakasorry nung nakita ko kung sino yung nakabangga ko..

yung... yung... yung.. Si Luis at Renzo..

Bakit sila magkasama? May affair ba sila? Mag boyfriend and Girlfriend ba sila? Kung ganon, sino ang girl sa kanila?

My Crush's Best friendWhere stories live. Discover now