Prologo

16 0 0
                                    

———  Prologo  ———


ANG WAKAS SA BAGONG SIMULA


       "SUSANNAH! Ikaw ba'y nakikinig sa akin o hindi? Gusto mo na lang bang mamatay dito?"- dumagundong ang malakas na sigaw ng isang dalaga sa loob ng selda.

Maliit lamang ang seldang kinaroroonan nila. Madilim at malamig ang buong silid ngunit napunan yun ng lamparang nakasabit sa labas ng selda.

Ang dalagang si susannah ay nanatiling nakaupo sa maruming sahig. Ang mukha'y tulala sa labas ng maliit na siwang kung saan nanduon ang madilim na kalangitan at mga daan-daang bituin.

Ang suot nitong baro't saya ay basa na nababahiran ng putik at kapansin-pansin duon ang dugong hindi pa naglalaho.

"Hindi ko sinasadya."- paos ang boses na bulong ni susannah nang biglang maalala ang nangyari kagabi.

"H-hindi ko sinasadya..."- ulit pa niya at tuluyan nang bumuhos ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

Nagulat ang dalagang kausap ni susannah nang makita itong umiyak. Hindi siya naka- imik habang pinagmamasdan si susannah na umiiyak sa pighati.

"Wala kang kasalanan susannah. Hindi mo yun sinasadya."- malungkot na mungkahi nang dalaga at lumapit sa kinauupuan ni susannah.

Yumuko ito upang pantayan ang kausap at hinawakan nang mahigpit ang dalawang balikat nito.

"Tutulungan kitang makalaya dito. Aking kakausapin si ina."- determinading saad nito habang nakatingin sa mata ni susannah na patuloy sa pagluha.

"Hindi. Mananatili ako dito. Ano pang saysay na ako'y makalaya? Nawala na sa akin ang lahat. Lahat ng minamahal ko...wala nang natitira sa akin."- marahas na napailing si susannah habang ramdam na ramdaman nito ang sakit sa kaniyang puso.

"Huwag mong sabihin iyan, susannah. Kailangan mong mabuhay para sa kanila."- pumiyok ang boses ng dalaga nang maalala ang lahat ng nangyari sa loob ng palasyo.

Gusto din niyang umiyak, gusto niyang ilabas ang kaniyang mga hinanakit ngunit pinilit niyang magpakatatag upang mailigtas ang taong kaharap niya. Kahit sa pagkakataon lamang ito. Gagawin niya ang tama at nararapat na noon pa man ay dapat na niyang ginawa.

"Mabuhay? P-paano? Kung ang taong huling mayron ako ay pinatay ko?"- umiiyak na sambit ni susannah habang ang kaniyang mata'y nakikitaan ng pagkamuhi sa sarili.

***

       "BAKIT ka naririto?"- puno ng galit na tanong ni susannah nang makita niya ang pagpasok ng isang binata sa kaniyang selda.

Unti-unting bumabalik ang sakit, pagmakamuhi, galit at hinanakit sa kaniyang puso nang muling masilayan ang lalakeng sumira sa kaniyang tiwala.

"Pumunta ka ba rito upang patayin din ako?"- malamig nitong dagdag habang ang masamang tingin ay nakapako sa mata ng binata.

Napapikit ang lalake at bumuntong hininga. "Hindi ako nandito upang gawin ang iyong iniisip."- maalumanay nitong tugon at marahang lumapit sa pwesto ni susannah.

Napaatras ang dalaga sa pagkamuhing nararamdaman niya dito. Ang kamay niya ay nanginginig sa galit dahil pakiramdam niya'y sasabog siya sa galit.

The PianistWhere stories live. Discover now