ANNICA DAHLIA

1.5K 44 1
                                    

HER POV

After naming maglunch ni Dominic nagyaya siyang maglakad-lakad sa garden. Isang napagandang tanawin ang aking nakita, para itong location ng isang romantic movie dahil sa punong-puno ito ng magaganda at makukulay na bulaklak.

"Wow." Yun Lang ang tanging nasabi ko ng pagmasdan ko ang kabuohan nito. Yaman talaga! 

"Kung sakaling mawalan ako ng trabaho, na 'wag naman sana pwede bang mag-apply na lang ako sayo bilang katulong?" pabiro kong sabi dito pero ngumisi lang ito sa'kin at sabay sabing,

"Katulong gumawa ng pamilya? Sure, you're hired!" sabi nito sabay kindat sa'kin.

Pinanlakihan ko ito ng mata sabay hapas sa braso nito. Shet na malagkit! Ang tigas! 

"Pamilya ka dyan, che!" inunahan ko s'yang maglakad at agad na nakahanap ng upuan. Maganda ang pwesto ko dahil kitang-kita ang lahat ng bulaklak sa hardin. Maya-maya pa ay umupo din ito sa tabi ko.

"You like it?" tinignan ko siya at ngumiti "Oo, sobrang ganda dito. Sayo ba ito?" Ngumiti siya at pinagmasdan ang mga bulaklak na sumasayaw dahil sa hangin. 

It's my dad's anniversary gift to my mom. My mom is so obsessed with flower that our house in Italy is full of them." Nakatingin ito sa kabuohan ng garden, may maliit na ngiti ang nakasilip sa mga labi nito.

"Hmm... Ang sweet naman ng Papa mo, pero hindi ba magagalit ang mama mo dahil pumunta tayo dito ng walang paalam?" Sabi ko kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Dahil sa gulat ang pakiramdam ko ay namanhid ako. Paking tape naman oh! Ang gwapo talaga. Shete! Ang landi ko na.

"I don't think she'll be mad about it, would be the opposite, Darling." Ngumisi siya sakin at muling ibinalik ang tingin sa mga bulaklak. Maya-maya pa ay tumayo ito at lumapit sa tumpok ng pulang rosas.

Pumitas Ito at lumapit pabalik sa tabi ko at naupo.

"Here."

Inilagay niya ang rosas sa gilid ng aking teinga at tinitigan ako "You're so beautiful, Darling." Bigla naman akong namula sa sinabi niya siguro kakulay na nlg aking pisngi ang rosas sa aking teinga. "Salamat, Dominic." Napaiwas ako ng tingin dahil grabe siya kung makakatitig para umaabot sa kaluluwa ko ang titig niya. Tuwing tititigan ko ang kulay abo niya mga mata ay tila nanlalambot ang aking tuhod.

"Just telling the truth, Angel." Hinawakan niya ulit ang kamay ko at inilagay ito sa hita niya habang pinaglalaruan ito. Ang landi den ni koyah! 'Wag po baka ma-fall ako.

  "Can you tell me about yourself, Darling?" Nakakunot noo akong tumingin sakanya.

"Ano naman ang gusto mong malaman sakin Dominic?"

"Anything. Your full name, age, where are you from or maybe your hobbies " huminto ito sa paglalaro Ng kamay ko at bigla akong binuhat paupo sa hita niya.

"O-oy! Bakit kailangan pa 'kong umupo sa hita mo eh pwede naman dito sa upuan ah!" Pumulupot ang mga braso nito sa bewang ko para pigilan akong umalis sa hita.

"Stay right here, babe. Mas magandang magkwento ka ng ganito ako kalapit sayo." sabi nito at isiniksik ang ulo nito sa leeg ko at inamoy ito.

"Hoy! Nanananching ka lang eh!" sigaw ko dito na ikinatawa lang niya.

 "I want you close to me, darling. Go on begin your story I'll listen."

Tumikhim ako at sumandal sa dibdib niya napaka komportable nito at mainit kaya di ko maiwasang dumikit pa lalo dito at ipulupot ang mga braso ko sa leeg niya. Napaka bango niya lalaking lalaki ang amoy hindi nakakasawang amoy- amoyin. Mukang nagulat din siya sa kinilos ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ko.

Cherish by the AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon