Chapter 7 : Revelation

16 4 0
                                    


Veronica's p.o.v

Chris : 0909
reply nya doon sa 2180 ko tapos ay nag sad react pa sya doon sa code ko na 'yon.

* tug dug tug dug *
* tug dug tug dug *

Napahawak nalang ako sa dibdib ko at napalunok...

Chris : 6301
dagdag pa nya doon.. kanina, akala ko parang wala lang yang mga pinagsesend nya.. pero ngayon..

Veronica : Hoi andami mo ng code ha
Reply ko naman sakanya.. hindi nya pinapansin yung mga reply ko at nagsesend parin sya ng mga code every 5 minutes.

Chris : 22

Veronica : Taylor Swift

Chris : 3710

Veronica : 1111 :)

Chris : 15
sabi pa ulit nya.. nagsend ako sakanya ng GIF na rabbit tapos yung may facial expression na na coconfuse..

Nireplyan nya ako ng GIF din na may caption na " we're just friends. " napangiti nalang ako ng mapait at nagreact doon sa GIF nya ng handshake.

Chris : 4300
reply nya doon sa sinend kong GIF..

Chris : Last..
Chris : 97.
dagdag na sabi pa nya sakin sa chat.

Chris : hoi dalawa pala 57 natin.
Chris : *sent a photo*

napangiti ako ng isend nya sakin yung listahan nya ng mga secret codes namin na nabuo. Pero yung iba tinakpan nya.. halatang halatang gumagawa sya ng code na pwedeng sya lang yung nakakaalam :) ako rin naman gumagawa ng sarili kong code kaya patas lang.

Veronica : ay doble yarn? AHAHAHAHAJAJA
reply ko sakanya dahil wala na akong maisip na ibang irereply pa. Nasa isip ko nalang kasi ngayon.. yung mga pinagsesend nyang code sakin.

Kinakabahan ako sa magiging kalabasa nung mga code na 'yon pag nalaman ko.. pwedeng masasaktan ako o matutuwa na kikiligin siguro?

Chris : hanapin mo yung code kung gusto mo.. basta ano..
Chris : dalawa meaning nung 97.. intindihin mo mabuti.
Chris : Goodmornight! Bye :)
Sabi nya sakin at doon na natapos yung chat naming dalawa.

Dahil gabi na.. hindi ko na nagawang hanapin yung mga code na 'yon.. natulog nalang muna ako at pinagpabukas ko nalang yung paghahanap sa mga code na sinend nya sakin.



K I N A B U K A S A N...

maaga akong nagising ngayong araw.. syempre nag asikaso muna ako bago ako mag cellphone.. alam kong tulog pa si chris kaya nag umpisa na kong mag backread sa chat namin at inipon ko lahat ng mga code na sinend nya sakin.

0909
6301
22
3710
15
4300
3256
122
41526
2201
97

Habang tinitignan lahat ng sinend nyang code sakin..
Napangiti nalang ako ng hilaw..
Aba, alam ko naman kung saan hahanapin 'yang mga code na yan.. p-pero kasi ano.. madami yan tas marami rin yung video doon :)

Inumpisahan kong hanapin isa isa yung mga code na sinend nya sakin.. halo halong emosyon yung nararamdaman ko habang unti unti ko ng nabubuo yung mga gusto nyang sabihin sakin na hindi nya masasabi sakin ng diretso..

Habang naghahanap ay nanlalamig ako at nanginginig na pinanonood isa isa yung mga video para hanapin yung mga meaning nung numbers na 'yan..

Inabot ako ng halos dalawang oras para hanapin yon pero may iba na hindi ko parin mahanap kahit na nag search na ako sa iba pang site.

" 6 1 2 1 8 " ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon