Prologue

14 3 0
                                    

KYLE

"Your song was a hit Prod. Kyle! Ang galing!"

Isang ngiti ang pumaskil sa labi ng binata ng marinig ang balita mula sa mga katrabaho. Tumulong kasi ito sa kanta ng isa sa mga Rising Artists ng taon na si June Ramirez, na isa sa mga matalik niyang kaibigan mula pagkabata. 

Mabilis na natapos ang araw na yun at bago umuwi, nakapag-usap ang magkaibigan na magkita sa malapit na bar kaya't doon dumiretso si Kyle. At dahil nga ber months na, nagsimula nang lumamig ang simoy ng hangin, na naging dahilan pa para magsuot ng hoodie at cap si Kyle habang naglalakad papunta sa napag-usapang lugar ng pagkikita nila ng kaibigan niya.

At dahil dumating siya sa bar at wala pa ang kaibigan, napagpasyahan niyang maupo na sa isang stool habang naghihintay. Ngunit hindi pa nga siya nagtatagal doon ay lumapit sa kanya yung barista at sinabihan siyang pinapatawag siya ng may-ari doon sa second floor, kung saan mga VIP lang ang pwedeng makapunta. Agad siyang tumango at nagpsalamat at tumayo na para makapunta sa second floor.

Pagkarating niya roon ay agad niyang nahagilap ang pamilyar na lalaking nakaupo sa isa sa mahabang sofa na nakangiti na pagkakita sa kanya. Sinalubong siya nito at tsaka yinakap ng napakahigpit. "Naks, andito na si Producer KLYE!" Masaya nitong sambit at tsaka kumalas sa pagkakayakap sa kaibigan. 

Naupo na ang dalawa at hindi na naiwasan ang kwentuhan. 

Kaharap na niya ang kasalukuyang may-ari ng bar kung asaan siya, ang anak ng isa sa mga kilalang businessman sa kanilang lugar, kaibigan niya noong high school hanggang ngayon, si Arthur Rodriguez o mas kilala bilang Art. 

Wala pa nga yung pinakadahilan kung bakit sila nagkita ngayon ay uminom na agad si Art at napatawa na lang si Kyle. "As usual, songs you participated in are charting." Sambit nito habang naghahalo ng inumin nila at nakatingin lang sa ginagawa niya si Kyle, dahil hindi naman ito mahilig uminom. "Yeah." Ang tanging naisagot niya sa kaibigan. 

"Oh, ba't parang hindi ka yata masaya?" Tanong sa kanya ni Art pagkatapos maghalo. "I'm ecstatic, Art. Hindi lang halata." Sagot naman nito. Ibinaba na niya ang bag na dala at tsaka rin sumandal sa likod ng upuan niya. 

"I see. You must know already." Tugon nito na ikinagulo naman ng isipan ni Kyle. "Know what?" Kung naguluhan si Kyle kanina, naguluhan din si Art ngayon. "Hindi mo alam?" Tanong pa niya ulit kaya umiling na ang kaibigan. Magsasalita na sana si Kyle ng biglang dumating si June at walang pagdadalawang-isip na hineadlock si Kyle. "June let him breathe." Simpleng tugon ni Art sa kaibigan. 

Umupo si June sa tabi ni Kyle na naki-apir naman sa kanya. "Naks, #1 ah. Dahil diyan ikaw magbabayad ngayon." Pagbibiro ni Kyle na tinawanan naman ng dalawa. "Congrats Hunyo, kailan concert?"

"Ang advance mo talaga HAHAHAHA, kakasimula ko lang." Sagot niya naman bago uminom. "Nga pala, Kyle. Musta puso?" Diretso niyang tanong sa katabi kaya napatingin na rin si Art sa kanya. Habang si Kyle naman, naguguluhan pa rin sa inaasta ng dalawang kaibigan. "Alam kong hindi pa kayo lasing, pero anong pinagsasasabi niyo?"

Nagkatinginan si June at Arthur. Tumango si Art sa kanya at ilinabas naman ni June ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon niya at kinalikot ito. Ilang beses pa nagmura dahil hindi niya agad mahanap ang gustong ipakita sa kaibigan. Ng makita niya ito, ay kulang na lang isubsob na sa mukha ni Kyle ang cellphone napakadilim dahil sa mababang brightness. 

"Ano yan? Hindi ko naman mabasa." Reklamo pa niya. 

Napairap si Art sa nakikita at idinaan na lang ang nararamdamang konting pagkairita sa pag inom ng hinalo niyang inumin. Ng maadjust ang brightness, ilinagay na ni June sa mesa ang cellphone niya at agad naman itong tinignan ni Kyle. 

Natahimik ang tatlo dahil pinapakiramdaman ng dalawa ang isa. Tinitignan nilang maigi ang reaksiyon nito dahil sa article na nakaopen ngayon sa cellphone na tinitignan niya. Nakita ng dalawa kung paano ngumiti ng tipid si Kyle. Tinignan pa niya ang dalawa niyang kasama at tsaka nagsalita.

"Welcome back siguro sa kanya." 

To: You || DoDamWhere stories live. Discover now