CH5

9 1 0
                                    

KYLE

"Kamusta kayo?" Tanong bigla ni Samuel kaya napatingin kami sa kanya. Agad naman akong umiwas at pinagdiskitahan na lang yung salad na nasa harap ko. Yun nga lang, masyadong mahigpit yung takip kaya hindi ko agad nabuksan. At imbes na tulungan, pinagtawanan lang ako ni Kuya MM. 

"Ayos naman, stressed sa isa diyan pero ayos naman." Sagot ni Kuya June sabay sulyap kay Kuya Daniel. "Hoy Hunyo umayos ka, stressed din ako sayo kaya quits lang." Ganti naman ni Kuya Daniel. "Luh, assuming pa rin. Malay mo si Sam tinutukoy ko hindi ikaw." Sagot naman ni Kuya June. Hindi na nagsalita pa si Kuya Daniel at tinawanan na lang siya ni Kuya June.

"Ikaw ang kamusta," Sabat ni Kuya Arthur pagkababa ng baso niya. "Magtatrabaho ka na rito o mang-iiwan, este babalik doon?" Tanong niya. Umasta si Kuya Arthur na parang walang nasabing kung ano at naghintay lang sa sagot ni Samuel. Nakita kong siniko siya ni Kuya Kevin pero hindi na lang nagpakita ng reaksiyon si Kuya Arthur.

"Hindi na, kaya naman na raw nila Dad doon. Kami na ni Kuya Charles ang mananatili dito sa Pilipinas." Sagot naman ni Samuel na may kasama pang ngiti. "Tsaka doon na 'ko sa ospital ni kuya magtatrabaho." Dagdag pa niya. Tumango naman yung iba pagkarinig sa sagot niya. Pagkatapos ay inisa-isa pa niya kami kung ano nang mga ginagawa namin sa buhay.

'Kung makatanong akala mo naman rinemove sa group chat namin eh.' Sabi ko sa sarili ko habang inuubos yung salad. 

"Kuya magreklamo naman yung lalagyan oh, wala na ngang natira pinipilit mo pa rin." Saad ni Travis na nasa kanan ko. Tsaka ko lang napagtanto na wala na nga palang lagay, naubos ko na kanina pa. "Ayos ka lang, kuya?" Tanong naman ni Justin na siyang katabi ni Travis kaya umusog pa si Travis para makita ako ni Justin ng maayos. Tumango naman ako at tsaka nagpunas ng pawis. 

Inoff pala kasi yung aircon kaya ang init bigla.

"Kuya Art." Tawag ng kung sino kay Kuya Arthur. Hindi ko na nakita kung sino yun dahil biglang umilaw cellphone ko kaya ilinabas ko muna yun at tsaka nakita yung text ni Kuya Lewis. 

2:45 pm

From: Kuya Lewis

Kyle di ka pupunta ngayon 'no? Kaya ako 'tong ginugulo ni Pete.

Natawa muna ako pagkabasa sa text ni Kuya Lewis. Pag nasa trabaho kasi ako, kadalasang nandun sa studio ko si Kuya Pete. Mas matanda siya sa'kin ng dalawang taon. At sa kanilang tatlo ni Kuya Chris pati Kuya Lewis, mas close kami ni Kuya Pete, lalo na't nabanggit na niya noong company dinner na nakababatang kapatid daw ang tingin sa'kin nilang tatlo, lalo na ni Kuya Pete na solong anak.

Tsaka kami ni Kuya Pete ang madalas na magkasama pag may single na irerelease. 

Naimagine ko na yung mga ginagawa at pinagsasabi ni Kuya Pete kay Kuya Lewis kaya hindi ko na talaga napigilan yung tawa ko. "Tuwang-tuwa ah, sana all." Sambit ni Kuya MM. Hindi ko na siya pinansin pa at nagtype na ng reply kay Kuya Lewis.

2:47 pm
To: Kuya Lewis

Hindi kuya eh. Umuwi kasi kaibigan namin. Kaya mo na yan kuya HAHAHAHAHA malaki ka naman na.

Pagkapindot ko nung send ay sumunod naman yung text ni Kuya Pete.


2:48 pm

From: Kuya Pete

Kyle!! 

2:48 pm

To: Kuya Pete

Ano yun kuya? HAHAHAHAHAHA

2:49 pm
From: Kuya Pete

Wala naman. Si Lewis kasi ang tahimik masyado. Hindi man lang umimik. Nasa gathering ka raw sabi ni Kuya Chris? Uy pasalubong ah, cheesecake!

2:49 pm

To: Kuya Pete

Walang cheesecake dito kuya HAHAHAHAHAHA SORRY

2:50 pm

From: Kuya Pete

Ano ba yan! JOKE HAHAHAHAHA GE ENJOY KA DIYAN BUNSOO SEE YOU SA THURSDAY

2:50 pm

To: Kuya Pete

Sige po!

Napailing na lang ako at tsaka wala sa sariling ngumiti. Pag silang dalawa lang kasi andun, kulang na lang batuhin ni Kuya Lewis si Kuya Pete ng upuan. Madaldal yung isa eh, samantalang siya naman yung tahimik. Si Kuya Chris naman nasa gitna lang. Pero grabe yung pagpapasalamat ko sa tatlong yun, unang araw ko sa trabaho noong nakaraang taon kinaibigan nila ako agad. Kaya kahit papa'no, hindi ako naging malungkot pag nasa trabaho.

Ibinulsa ko na ulit yung cellphone ko at napatigil naman ng marinig ko yung pangalan ko. "Kyle." 

Tinignan ko pa sila isa-isa kung sino yung tumawag sa'kin, at ininguso naman ni Kuya David si Samuel, kaya napunta na yung tingin ko sa kanya. Pero bago pa man ako makapagsalita ay sumabat si Kuya Jaden. "Sam. Mas matanda sayo ng isang taon si Kyle." Seryoso niyang tugon. 

"Ano?" Tanong ko naman kay Sam. Alam kong sa ganito ayaw niyang nasa kanya yung atensyon eh. "Kamusta?" Tanong niya rin ng may ngiti sa labi. "Ahh, ano.." Panimula ko. Napayuko ako at tsaka napakibit-balikat. "Ayos lang. Nakaadjust na sa trabaho." Sagot ko naman na tinanguan niya. "Nalaman ko na katrabaho mo raw sila Kuya Lewis?" Tanong niya pa.

Kilala niya?

Dahil siguro sa reaksiyon ko kaya siya natawa bago nagsalita ulit. "Kilala kasi ng kapatid ko." Dugtong niya. Ahh, oo nga pala. Magkakilala si Kuya Charles tsaka sila Kuya Lewis. Nawala yun sa isip ko ah?

"Kamusta naman silang kasama?" 

Teka lang naman ang dami namang tanong ng isang 'to. Mahina yung kalaban eh. 

At mas hihina pa kung hindi niya aalisin yung ngiti niya.

"Okay naman. Winelcom ako agad nung first day ko. Kahit papa'no close na kami ngayon." Sagot ko ulit. Napansin kong nagpipigil ng tawa si Kuya Daniel pati na si Kuya June. Pinalo naman sila pareho ni Kuya Jaden at natigil naman. 

"Sobrang close na ba kaya nakangiti ka na kanina? Nung tumawag sayo si Kuya Chris?" 

Dahil hindi ko naisip na magtatanong siya ng ganun, hindi agad ako nakasagot. Ano ba kasing meron at sunod-sunod yata ang tanong nito? Sa pagkakaalam ko hindi naman ganito karaming tanong yung ibinato niya sa iba eh. Yung totoo Samuel? May galit ka sa'kin?

"Hindi naman sobra, may limit pa rin syempre." Saad ko at tipid na ngumiti. "Ahh, okay. I see." Rinig ko pang sagot ni Samuel. Pagkatapos n'on ay lumipat na yung tingin niya kay Travis kaya iniwas ko na rin yung tingin ko. Napabuntong hininga ako at tsaka inakbayan ni Kuya MM. 

"May na-see rin ako kanina, Kyle." Bulong niya kaya tinignan ko naman siya ng may nagtatanong na ekspresyon sa mukha.

"Mukhang may nagselos eh, kaya dumami bigla yung tanong." 



To: You || DoDamWhere stories live. Discover now