CH 2

6 2 0
                                    

KYLE

What am I doing here?

I gripped the strap of my bag a bit tighter than usual as my heart was pounding. I mean, whose heart wouldn't pound if you're in front of the door of a celebration of a certain VIP who came back to the Philippines?

"Kyle mukha kang tanga, alam mo yun diba?" 

Even Justin's mere presence made me gasp, resulting in my right hand making its way to my chest as I was that surprised. 

"Oh ano, kakantahin mo pambansang awit?"
"Justin baka nakakalimutan mong mas matanda pa rin ako sayo diba? Asaan ang respeto?"
Tanong ko ng maramdamang kumalma na ang puso ko at makatayo na 'ko ng maayos. 

"I'm taller than you kaya nakalimutan ko. Sorry Kuya Kyle."
"Batukan kita eh. Asa'n ba si Travis?" 

Nagtatanong palang ako ng bigla namang sumulpot mula sa isang kotse yung hinahanap ko. 

Travis Watanabe and Justin Park, the vocal-rap duo na ngayon mentors na ng trainees sa isang entertainment company dito sa Pilipinas. Nagrerelease pa rin naman sila ng kanta, pero hindi ako ang producer na kasama nila. sila Kuya Daniel tsaka Kuya Jaden yun. 

At oo, nasa iisang entertainment company sila at humiwalay ako.

Humiwalay ako dahil sa kanya.

"Kuya Kyle? Andito ka na pala." Bati sa'kin ni Travis pag-alis niya ng salamin niya at naki-apir pa sa'kin. "Yeah. Uhm, nagfile ako ng two days off eh. Simula ngayon. T-Tsaka sabi ni Kuya Daniel tulungan ko raw kayo ni Justin tsaka JJ eh." Pagdadahilan ko pa. 

Napailing lang si Justin at nauna nang pumasok. Inakbayan naman ako ni Travis dahil napayuko ako.

"Galit pa rin 'no?" Bulong ko kay Travis na bumuntong-hininga muna bago tumango. "Pero alam mo naman kuya na hindi siya galit talaga sayo. Galit siya kasi hinayaan mong mangyari yun. Sino ba namang hindi magagalit doon?" Tanong din sa'kin ni Travis. 

Nanatili na lang akong tahimik kaya pumasok na kami ni Travis at naupo na 'ko sa isang upuan. Abala na sa paglalabas ng mga ilalagay sa pader si Justin ng magtanong siya bigla. "Kuya Kyle kakanta ka mamaya?" 

In all honesty, I don't know. 

I don't know if I can. But I won't know if I don't try.

"Oo." Sagot ko. Nginitian naman ako ni Justin na nagpatuloy sa paglabas ng mga dekorasyong ilalagay. Tatayo na sana ako ng magvibrate bigla yung cellphone ko kaya napatingin muna ako doon. 

"Oh, Trav malelate raw si JJ. Opening daw ng bakeshop ng kapatid niya." Sabi ko sa dalawa. "Okay lang kamo kuya, basta magdala siyang tinapay."

"Gago, baka magalit pa ate niya."

At doon na nagsimula ang unang away ng dalawa para sa araw na 'to. Napailing na lang ako at nagsimula nang idikit sa pader yung mga lobo na dala nitong dalawa kong kasama. Pero habang paunti-unti nang nalalagyan ng dekorasyon yung lugar, hindi ko maiwasang isipin na hindi pa nagbago ng sobra si Sam. 

Paboritong kulay niya pa rin yung red, kaya iba't ibang shade ng red ang meron dito ngayon, mahilig pa rin pala siya sa pasta kaya iba't ibang pasta pa inorder nila, tapos pinagpatuloy pa rin talaga yung kagustuhan niyang maging MedTech kaya may mga medical-themed decorations din dito.

"Kwento ni Kuya Dan magtatrabaho raw si Samuel sa ospital ni Kuya Charles eh." Sambit bigla ni Travis habang nagtatali ng ribbon sa regalo nila kay Samuel. "Alam niyong kuya niyo pa rin yun pareho diba? Mas matanda siya sa inyo." Sagot ko naman. 

"Nakakapanibago kayang may tatawagin ulit kaming kuya samuel eh ilang taon ba namang walang paramdam." Ganti naman ni Justin na nailabas yung nararamdamang inis sa letter S na hawak dahil napahigpit ang hawak niya doon. "Oh kalma. Nasa early 20s palang kayo, wag masyadong istress ang sarili." Tugon ko sa kanila. 

"Kung magsalita ka kuya akala mo naman wala sa bente edad mo." Pang-aasar naman ni Travis kaya binato ko na ng plastic na kutsara dahil yun ang pinakaunang bagay na nahawakan ko.

"Kararating ko lang tapos magbabatuhan kayo ng kutsara? Ba't hindi kayo nangsasama?"

Napatingin kaming tatlo sa pinto at nakitang nakatayo doon si Kuya June. Oo, mas matanda siya sa'kin pero ang sabi kasi pag trabaho ang usapan wag ko na raw isipin na mas matanda siya kaya nung nasa bar kami ni Art, hindi ko sila tinawag na kuya pareho. Pero ngayon, mukhang kailangan.

Magsasalita na sana ako ng bigla siyang itulak papasok ng akala ko kung sino, si Kuya Daniel lang pala. "Ang bagal mo pa ring kumilos kahit kailan, Hunyo." Sambit niya at inirapan pa si Kuya June. 

"Ang sungit talaga." Tugon ni Kuya June ng makalapit sa'kin at tinignan pa ng masama si Kuya Daniel na may kausap na ngayon sa cellphone. "Kanina pa kayo andito, Kyle?" Tanong niya sa'kin. Tumango naman ako at tinapos na ang paglagay ng mga lobo sa pader at napatingin na sa pangalawang box na puno ng makikintab na papel na ilalagay pa raw sabi ni Justin.

May kanya-kanya na kaming gawain ng dumating sila Kuya Jaden at Kuya David. Hindi rin nagtagal ay dumating na si Kuya Kevin, Kuya Art, tsaka Kuya MM. Kaya mas napabilis yung preparation.

Tanghali na at naghihintay na lang kami sa pagkain na inorder nila Travis at nagkalat kami ngayon dito sa VIP room sa building na nakapangalan kay Kuya Art. At dahil nga kaibigan namin si Kuya Art, wala kaming kailangang bayaran at kailangan lang magrequest ng mga kailangan. 

Tsaka kilala naman na kami dito, hindi lang bilang mga kaibigan ni kuya, kundi dahil kilala naman talaga kami sa mga trabaho namin. Producer kami nina Kuya Daniel tsaka Kuya Jaden, sikat na model tsaka ambassador ng sikat na brand naman si Kuya David, kilalang aktor naman si Kuya Kevin, si Kuya Art kilalang-kilala na syempre, si Kuya MM naman may-ari nung sports gym sa malapit, tapos kilala pang basketball coach ng maraming high school team, si Travis tsaka Justin nasabi ko na kanina, tapos si JJ naman, chef.

Si Sam?

Mamaya ko lang malalaman, kung pupunta nga siya.

Napabuntong hininga ako at nagpaalam kay Kuya David na lalabas muna ako saglit para magpahangin, at dahil siya ang nasabihan ko, sumama naman siya. 

Pumunta kami sa rooftop ng building at sa kabutihang palad ay napaayos na pala 'to ni Kuya Art. May mga ilaw na, may mga upuan tsaka may mini bar na rin sa bandang harap. 

Naupo kami ni Kuya David sa isang bench at doon ako napapikit dahil sumakto naman yung hangin. 

"Ready ka na mamaya?" Tanong niya bigla. Napatingin ako sa katabi ko at tsaka siya binigyan ng isang tipid na ngiti. 

"Bakit naman hindi? It's been 5 years, kuya. I've gotten used to not having him here." 

To: You || DoDamWhere stories live. Discover now