CH4

10 1 0
                                    

SAMUEL

"WELCOME BACK SAMUEL!" 

Sigaw nilang lahat kasabay ng biglang pag-ulan ng confetti. Napatakip pa 'ko ng tenga dahil sa ingay na biglang umusbong dahil andito kami lahat. 

Inakbayan ako ni Kuya June at naging headlock naman ng wala sa usapan yung akbay na yun. Pagkatapos ay dinaganan naman ako bigla ni Kuya Arthur na sinundan din nung iba kaya ramdama na ramdam ko yung bigat. Halos hindi na nga ako makahinga, pero kahit anong pagreklamo gawin ko hindi naman sila nakinig. 

"Hoy! Pahingahin niyo naman si Sam!" Saway sa kanila ni Kuya Dan. Naramdaman ko namang unti-unting nawala yung bigat hanggang sa nakatayo na 'ko ulit. Pinagpag ko pa yung sarili ko dahil napahiga ako sa sahig. "Kuya Sam! Pasalubong asaan?" Tanong ni JJ na nakatayo na ngayon sa harap ko. Sinabi ko namang may pasalubong naman talaga ako, sadyang nasa bahay lang at hindi ko dala.

Habang nag-uusap kami ni JJ kahit may napakalakas na tugtog, narinig ko naman yung boses ni Kuya David. Yun nga lang, hindi ko gaanong naintindihan kung ano yung sinabi niya dahil nga sa kausap ko si JJ. 

Nakita ko na lang pinagtutulungan na siya ni Kuya Daniel tsaka Kuya June. 

Iniwan na 'ko ni JJ kaya may iba nang umakbay sa'kin, si Kuya Kevin naman. Sinalubong ako ng ngiti niya na alam kong may ibang kahulugan. "Kita ko yun." Bulong niya na nagsabing totoo nga ang naisip ko. Nakita nga niya. Katabi lang niya kanina eh.

"Alam ko kuya, may mata ka eh." Sambit ko na tinawanan niya lang. "Hay nako, Samuel. Alam kong ako pinakapaborito mong kuya, pero huwag mo na akong gayahin. Mahirap. Sobra." Dagdag niya. 

Dahil naguluhan ako, hindi agad ako nakasagot at tinignan ko lang siya ng salubong ang kilay. Pagkakita sa reaksiyon ko ay tumawa ulit si Kuya Kevin. Mukha ba 'kong nagpapatawa? O kaya, mukha ba 'kong clown para tawanan niya? "Nako, lil bro. Wala, sige na. Kain na doon. Naghihintay si Kyle- este yung pagkain." 

Napailing na lang ako sa narinig mula kay Kuya Kevin na ngayo'y katabi na ni Kuya Arthur doon sa mahabang upuan at kausap na si Kuya Jaden tsaka Kuya David.

Napatingin ako kay Kuya MM na siyang parang DJ ngayon dahil siya yung nakasuot ng headphones at nasa likod pa ng parang board na may mga umiilaw na button at nag iikot-ikot pa siya habang nakapikit, at paiba-iba na yung tugtog dito sa lugar. 

"Hep! Tara na dito sa mesa, kain na tayo." Rinig naming saad ni Kuya Daniel na siyang nasa mesa na nga kasama yung iba. Isa-isa na kaming lumapit sa mesa at kanya-kanyang hila ng upuan. Tumabi ako kay Kuya Daniel at ng makaupo kaming lahat ay napunta sa akin yung atensyon bigla.

"Alam kong gwapo ako pero hindi niyo ako kailangang tignan ng ganyan." Sambit ko at nangiti pa. Inirapan naman ako ni Kuya David na siyang nasa harap ko at nakatanggap naman ng iba-ibang reaksiyon mula sa iba pa. "Kuya Sam naman, umay." Rinig kong tugon ni Justin at napailing pa. Tinawanan ko na lang siya at tsaka na nagseryoso. "Oo na ito na, magdadasal na." Sambit ko at sinimulan na nga yung dasal.


KYLE

Kanina pa ako tinitignan ni Kuya June, Kuya Jaden, pati na ni Kuya Kevin. Hindi ako nagpapatalo sa ganito kaya tinignan ko rin sila. Sumakto pang magkakatabi sila at nasa kaliwa naman ni Kuya June si Samuel. 

Kung tutuusin parang rinerecreate namin yung Last Supper, yun nga lang may anim sa'min na nasa kaliwa nitong mesa, at may anim naman na nasa kanan. Kaya magkakaharap kami kahit papa'no. 

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi umupo si Samuel sa kanan ni Kuya June, kasi kung oo? Kada titingin ako ng diretso, siya makikita ko. 

Kasalukuyan kaming tahimik dahil nga nagdadasal pa, pero hindi pa rin tumitigil si Kuya Kevin. Makahulugan pa rin yung tingin na binibigay niya na para bang may alam siyang hindi ko alam. 

Nakikipagtitigan ako kay Kuya Kevin ng biglang tapikin ni Kuya MM yung balikat ko kaya napalingon ako sa kanya. "Ano yun kuya?" Mahina kong tanong dahil nga nagdadasal pa. Tinuro naman ni Kuya MM yung cellphone ko na umiilaw pala dahil sa tawag mula kay Kuya Chris, isa pang producer sa entertainment kung saan ako nagtatrabaho. 

"Amen." Rinig kong sabi ni Samuel. At dahil nga natapos na yung dasal ay tumayo na ako at sinagot ko na agad yung tawag ni Chris. 

[Chris: Prod. Kyle?]

Yes, this is he. Is there something wrong?
[Chris: Huy, umeenglish ka diyan. Wala naman tayo sa trabaho HAHAHAHA]

Ang seryoso mo Prod. Chris eh, kinabahan ako HAHAHAHAHA
[Chris: Sorry sorry. Anyway, nagfile ka raw ng two days leave sabi ni Chesca?]

Ahh, oo. May kaibigan kasi kami na umuwi, limang taon naming di nakita.
[Chris: Ohhh, interesting. Okay, si Pete tsaka Lewis lang pala andun ngayon. Sige, thanks. And enjoy!]

Sige kuya, bye. 

Ibinulsa ko na ulit yung cellphone ko at tsaka nakahinga ng maluwag. Akala ko may problema kaya siya napatawag, buti na lang pala at wala. 

Dahil kung meron, walang pagdadalawang-isip akong tatakbo papunta sa entertainment.

Tumalikod na ulit ako para bumalik ng may bumukas bigla sa pinto mula sa loob. Akala ko kung sino lang, pero si Samuel pala. Na may hawak na plato at baso. 

"You done?" Tanong niya pa. Hindi ako nakasagot agad dahil pa rin sa bigla. Bakit andito 'to? 

"A-Ahh, oo na. Balik ka na doon." Sambit ko at tsaka pa humakbang paatras para lumayo sa kanya. "I thought you were going to take long kaya dinala ko na plato mo dito. Pero sige, tara na?" Tanong niya at ngumiti pa. 

Pakialis ng ngiti na yan, Sam. Hindi nakakatuwa.

"Una ka na." Tugon ko at nagkunwari pang may nagtext kaya tinalikuran ko siya at kinalikot muna cellphone ko. "Okay. We'll be waiting for you." Rinig ko pang sambit niya bago ko narinig ang pagbukas at muling pagsara ng pinto.

"Kyle para kang tanga." Pagkausap ko sa sarili ko sabay hilamos ng kamay sa mukha. Ginulo ko pa yung buhok ko para lang ayusin pagkatapos at tsaka bumuntong-hininga at naglakad palapit sa pinto at binuksan na ito at tsaka pumasok para bumalik na sa mga kaibigan ko. 



To: You || DoDamWhere stories live. Discover now