Kabanata 45

4.8K 86 4
                                    

Kabanata 45

Break up with

"Are you nuts Mitch? Bakit mo siya ininvite?" nandito kami ngayon sa kwarto ko. Pinauwi ko muna si Xander. I don't know! Hindi makapag function ang isip ko! Kinakain ako ng selos! Ayan okay na I admitted it already! I'm fucking jealous about their relationship before!

"Wala namang problema doon? Gusto kong makilala si Laurein! That's it."

"Ewan ko sayo Mitch."

Lumipas ang oras. Ngayon ay nagluluto na ko. Tinutulungan naman ako ni Natalie but I know she's against this. Ininvite naman ni Xander si Laurein. Pati syempre si Xavier ininvite ko na din.

After cooking, naligo ako at nagayos. I wore a simple dress. I let my long hair touch my body. Nakahead bun din ako. Maya maya'y may kumatok sa kwarto ko.

"Ma'am, nandiyan na po si Sir Xander."

"Sige po baba na po ako." Bumaba na ko. Ngumiti ako sa kanya. I want him to feel I'm okay.

"I'm sorry about yesterday." Sabi ko.

"Please don't feel jealous. I love you so much just to lose you. She's my past. What's important is the present. Okay?" tumango ako. Hinalikan niya ko sa noo at niyakap.

"Where's Natalie and Vaughnn?" tanong ko. Umalis kasi sila kanina.

"Nagmall muna. Gusto daw nilang mag movie marathon tayo mamaya." Tumango ako.

"Marie..." lumingon ako sa kanya.

"Namatay na ang parents ni Laurein." Ngumiti ako.

"Alam ko. Condolence sa kanya."

"How did you know?" taka niyang tanong.

"Xavier told me. Don't worry. I know she needs you. Ngayon lang naman diba?"

"What do you mean?" taka niyang tanong.

"Xander, alam kong alam mong..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Pumikit ako ng mariin bago nagpatuloy. "Alam kong alam mong mahal ka pa niya. I know alam mo ring hindi niya ginusto na ipagtabuyan ka noon sa parents niya."

"She told me that." Tumango ako.

"Ugh! I don't want to tell you about that. I know magagalit ka."

"No Xander. I won't. Wala sakin kung icocomfort mos iya. She needs you. Yes aaminin ko, that thought na mahal ka pa niya, masakit sakin pero nawawala yun kasi may tiwala ako sayo. Diba? Ang walang rason para hindi kita pagkatiwalaan. Right?" He cupped my face and kissed me.

"That's why I love you. Damn it! I falling for you harder baby. Of course I love you so much. I just don't want to give you a reason to doubt me again. I know it's very hard to trust an asshole like me. Especially you knew my past. Thank you for loving me." And we kissed again. Parang nawala lahat ng worries ko. Bakit ko nga ba siya pinagdududahan. Bago pa man naging sila eh ako na ang mahal niya. I should trust him.

Magkayakap kami nung dumating sila Xavier at Laurein. Agad akong kumalas at humarap sa kanya.

"Hey! Thank you for coming." Nakangiti kong sabi sa kanya. Ngayon ko lang siya natignan ng mabuti. She has an angelic face. Ang ganda niya na pakiramdam ko ay wala lang ako sa kung gaano siya kaganda. She's also taller than me. She smiled at me.

"I'm really sorry for what I acted yesterday. I really didn't mean it. I hope, hindi naman kayo nagaway ni Ysmael." Tumango ako.

"No, I understood what happened. Sana lang hindi na maulit." I saw a pang in her eyes. Hindi ko alam kung offensive ba yung sinabi ko. It just came out of my head.

"Uhm, gutom ka na ba? Wala pa kasi sila Vaughnn eh." Sabi ko. Baka kasi maawkward siya.

"No, it's fine." Ngumiti ako. I want to talk to her but I can't do that while everyone's here.

"Uhmm, Xavier, Xander, pwede ba kayong bumili muna ng liquors? Wala na kasi akogn stock diyan. I heard gusto nila Vaughnn na mag movie marathon. Can you?" tanong ko. May alangan sa mukha ni Xavier. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Come on guys! Wala naman akong gagawing masama kay Laurein. We're friends right?" ngiti kong tanong kay Laurein.

"Y-Yeah. You go." Sabi niya kina Xavier. Medyo nagaalangan sila pero umalis din naman.

"Tara sa garden?" tanong ko kay Laurein. Ngumiti naman siya at tumango.


"Manang, pakidalhan po kami ng juice sa garden." Sabi ko kay ate. Iginaya ko na si Laurein sa garden namin. Pinaupo ko siya doon sa swing kung saan kami nagusap kahapon ni Xander. Pinanood namin angpag alis ng kotse nila Xander.

"Mitch, sorry about ye-"

"Hey don't think about it. Okay na promise." And I mean it. Parang ang gaan ng loob ko dito kay Laurein. I know, it's very unfair.

"Ikaw pala si Marie." Napalingon ako sa kanya. Nakakunot ang noo.

"Bago man maging kami ni Xander, madalas yun magbar. Sa bar ko siya nakilala. I was the bartender there." Oh hell, is she going to tell me their past love story?

"Ple-"

"Lagi siyang nandoon every night. Palaging naglalasing. I know him. He's the president's son. Tuwing naglalasing siya, may isa siyang pangalang paulit ulit na sinasabi. Marie, tangina bakit hindi mo ko mapansin? Those. Those were the exact words he's always chanting." Tumawa siya ng bahagya. Hindi ko alam pero parang gusto lang ng tenga kong makinig.

"I had the feeling that he needs to be happy. Walang tao sa mundo ang dapat maging malungkot. I befriend him. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, I fell for him. I was lucky he fell for me too. Pero naging kami man, I know he still loves you. Kaya binigay ko ang sarili ko sa kanya. I dedicated my life to him. He became dependent to me." The words that she's saying were like knives being stabbed in my back. Namumuo ang luha ko.

The thought of he became dependent to someone else hurts me.

"I said, finally, ako na yata ang mahal niya. It's been a year bago ko siya ipakilala sa magulang ko. I know they will not like him. My family hates politics. But isaid to myself, I'm ready to fight for him. But the day before I presented him to my family, sinabi ni mama na may sakit si papa sa puso. Sakto nun, dumating si Xander. Unexpectedly, pinakilala ko siya. I told them he's the guy I've been with for a year. Kilala nila ang pamilya ni Xander. Nagalit sila sakin. They told me to choose, But sa case ni daddy, hindi kakayanin ng heart niya kapag si Xander ang pinili ko. I'ma fraid na baka sisihin ako ng pamilya namin. Kaya sabi ko hindi ko mahal si Xander. Kaya ipinagtabuyan ko siya. We went to Paris. And there I longed for him so much. Last month, my mom and dad died in a robbery. I was lucky I'm still breathing right now. I came back. Akala ko may babalikan pa ko. Wala na pala. Why am I telling you this? Ewan ko rin eh." Tumawa siya ng mahinhin.

"Kung nasa isang movie tayo, I would probably tell you to stay away from Xander. But we're no actresses. I told you those because I want you to learn. I want you not to give up on him. He loves you since God knows when. I hope mapasaya mo siya."

I don't know what to say. How can she be this so kind? Naguguilty ako dahil nung una hinusgahan ko na kaagad siya. She's kind and all!

"Pero Michelle, may hihilingin ako sayong pabor." Tinignan ko siya.

"Ano yun?"

"Can you...pwede mo bang ipaubaya sa akin si Xander?" napatingin ako sa kanya lalo. W-What? A-akala ko ba?

"Two months. For months lang Mitch. Please!" nakita kong umiiyak na siya. Lumuhod pa siya sa harapan ko.

"A-anong sinasabi mo?"

"My doctor told me...I have leukemia. Mitch malala na ko! Stage 4 na ang sakit ko! A-Ang sabi niya, baka in a month or two mamamatay na ko! Please!" umiiyak na siya sa paanan ko. I-I don't know what to say!

Nagulat ako nung ibinaba niya yung wig niya. K-Kalbo na siya?

I'm Dating The President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon