Kabanata 14

6.3K 128 7
                                    

Kabanata 14

Back off bitch

I'm here sa room dito sa bahay ng mga Salvador. 5 na ng hapon kaya medyo pineprepare ko na yung susuotin ko mamaya. I chose to wear a black glittery leggings at leather tube na may see through na itim na glittery din. Sabi kasi ni Angelica, naka black daw dapat. Black theme ang party. Labas pusod na pang itaas ito at kita ang piercing ko sa pusod. Yes. Nagpabody pierce na ko. Ang damit ko ay mahaba sa likod pero labas pusod sa harap at halos bra na lang ang suot ko. Besides, over-looking sa beach ang Red Mate bar. Kita rin ang tattoo ko sa lower left abdomen. May nakalagay doon na cross tapos pulse rate at heart. Lahat iyon ay nasa iisang linya lang.

Naglagay ako ng glitter powder sa exposed skin ko. Naka leather fingerless gloves din ako at dog tag. Naka black earrings na bilog. And tinali ko lang yung mahabang kulot kong buhok pataas. Messy hair style. Nagmake up din ako ng black. Black Eyeliner and the such. Naka violet red akong lipstick na nageemphasize sa puti ko. Boots naman ang suot kong sapatos.

Si Xander naman daw ang magdridrive kaya phone at wallet lang ang dadalhin ko. Naghuling retouch ako nung makitang 7 na pala ng gabi. Lumabas na ko at ewan ko ba kung bakit pinagtinginan ako.

Dumiretso ako sa dining at nandun na pala silang lahat. Aba hindi ako tinawag? Nakita kong laglag ang panga ni Xander at Xavier.

Naka black na V-neck si Xander at dog tag. Ang gwapo! Si Xavier naman ay naka camouflage na t-shirt. Ang gwapo din. Naka taas ngayon ang buhok ni Xander and it's really hot. Lalandi lang 'to ngayong gabi eh.

"Hi tito!"

"Oh iha! Nice out fit." Umupo ako sa tabi ni Xandee.

"Thanks tito."

"Oh kids, I have to go. See you tomorrow." Tumayo na si tito Clark at umalis. Kaming tatlo na lang ang naiwan.

"Nice tatoo and piercing." Nginitian ko si Xavier.

"Thanks!" Sabi ko.

"Ano ibig sabihin nung tattoo mo?" Tanong ni Xavier.

"Yung cross, faith yon. Yung pulse rate naman ay hope. Then yung heart, syempre, love. Faith, hope, love."

"Nice huh." Tinignan ko si Xander. Tahimik kasi. Nakita kong nag igting ang kanyang bagang.

"I'm done. Meet me outside Marie." nagulat ako nung tumayo si Xander at nagwalk out. Nagkatinginan tuloy kami ni Xavier.

"Problema nun?"

"Masyado ka kasing sexy."

"Eh? Anong connect nun?" Nagkibi balikat lang si Xavier at tinuloy ang pagkain. Ganun na lang din ang ginawa ko.

Nung matapos na kong kumain ay lumabas na kami. 8:30 na rin kasi. Tinetext na rin ako nila Angelica.

Magdridrive daw ng sariling kotse si Xavier. Susundan lang naman niya kami kaya no probem.

"Hop in." Sinunod ko naman si Xander. Ano bang topak neto?

Umikot siya at sumakay na rin. Pinaandar niya yung sasakyan niya ng sobrang bilis. Halos maiwan yung kaluluwa ko dunsa mansyon.

"Hoy ano ba! Kung magpapakamatay ka ikaw na lang! Wag ka ng mandamay!" Sigaw ko sa kanya. Red kasi ang spotlight nag go pa rin.

"Do you really have to wear that?" Napatingin ako sa kanya. Tapos sa suot ko.

"Wala namang problema ah?"

"Wala? Tama ba namang pumunta sa bar na naka cropped top not to mention na lalabas labas pa iyang tattoo mo na mas nakakaagaw ng atensyon? Are you out of your mind?" Nagulat ako sa sinabi niya. Medyo napatawa pa ko.

I'm Dating The President's SonWhere stories live. Discover now