Two - Bagong Simula

10.6K 241 9
                                    

THESSA's POV

Isang taon at kalahati na din ang nakalipas at hindi ko na nakita pa si Nathan. Gaya ng sabi ng kapatid kong si Gemma ay kinalimutan ko na siya. Sa ngayon ay masaya ako sa nobyo kong si Sammuel Gaston. Nakilala ko siya sa isang park na madalas naming puntahan ni Nathan noon para sa bago kong obra na gagawin. Umulan noon at wala akong dalang payong inalok niya akong sumilong sa payong niyang dala, hanggang sa nagka-kwentuhan ng buhay-buhay. After that day, madalas dumalaw si Sam sa aking gallery.

Isa nga pala akong artist. Hindi iyong makikita sa tv para magdrama ha. Nagtapos ako ng fine arts sa isang kilalang university. Hindi naman nilalangaw ang mga gawa ko dahil kahit online ay bumebenta ang mga ito. Nagyon pa nga lang na may exhibit ako madami na agad ang nagpa-reserve.

Mabalik tayo kay Sam, isa siyang negosyante. Ang business niya ay ang pagbili ng mga lumang bahay at ipaparenovate iyon tsaka ibebenta sa malaking halaga. Sabi niya madami siyang negosyo kaso hindi ko na inalam ang iba. Napakabait niya, malambing at sobrang maaalalahanin. Hindi lang iyon kahit gaano siya ka-busy ay hindi siya nagkukulang ng oras at panahon sa akin. Madalas magkausap kami sa telepono or video chat. Kaya nga madalas kaming asarin ni Gemma na parang may glue kami na hindi pwedeng paghiwalayin.

Sa totoo lang masaya na ako sa kanya at sa tingin ko siya na din ang gusto kong makasama sa habang buhay.

Ringgggg!

Nagising ako sa pagmumuni-muni ko sa tunog ng telepono sa opisina ko dito sa gallery. Napangiti ako baka si Sam iyan at na-miss ako. Nagmamadali kong sinagot ang phone.

" Hello Sam?! " excited kong sagot sa phone. Ngunit katahimikan ang sumalubong sa akin sa kabilang linya.

" Hello! " pag-ulit ko sa pag-aasam na may sumagot ngunit ang tanging naririnig ko lang ay ang malalakas na paghinga ng kung sinomang nasa kabilang linya.

" Hello? Sino 'to? Magsalita ka nga! " pagtataray ko dahil kung isang biro ito hindi nakakatuwa. Lumakas pa lalo ang paghinga ng nasa kabilang linya. " Sino ka ba?! Bakit ayaw mong magsalita?! " kinikilabutan na ako sa kanya kaya nasigawan ko na ang taong nasa kabilang linya.

" Mag-iingat ka.. " parang nanlamig ako sa boses niya, animo'y nagmula sa kalaliman ng lupa. Pagkasabi niya noon ay ibinababa na niya ang phone. Natulala ako sa pag-iisip. Mag-iingat ako saan? Babala ba iyon? Sino kaya ang taong iyon?

" Thessa.. " napaigtad ako ng may humawak sa balikat ko. Nilingon ko iyon at si Sam na tila nag-aalala ang itsura.

" May problema ba? " naka-kunot noong tanong ni Sam sa akin.

" Huh? Ah, wala..wala naman." mabilis kong sagot. Ibinaba ko na ang handle ng phone at hinarap ang gwapo kong boyfriend. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Sabay hilig sa kanyang balikat. " I miss you Hon, " bulong ko.

" I miss you too." gumanti naman siya ng yakap at hinalikan ako sa tuktok ng aking ulo. " Bakit ang serious mo kanina habang hawak ang phone? Sino bang kausap mo? " pag-uusisa niya sa akin akala ko mawawala na sa isip niya iyon sa oras na lambingin ko siya. Naku! Kailangan ko tuloy magsinungaling.

" Iyon ba, si Yannie may isinusumbong na makulit na kliyente. Pero okay naman daw at siya na ang bahalang umasikaso. " pagsisinungaling ko. Tumaas ang isang kilay niya at tinitigan ako ng seryoso.

" Sigurado ka? "

" O-oo naman. " mabilis kong sagot.

" Okay sige sinabi mo eh. Kahit ano namang sabihin mo paniniwalaan ko eh. Alam ko namang hindi ka nagsisinungaling. Alam mo ba nung unang panahon ang mga taong nagsisinungaling ay pinuputulan ng dila? " nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakaawang pa yata ang bibig ko, dahil hindi ko alam ang isasagot sa sinabi niya. Bakit siya biglang nagbanggit ng ganoong bagay?

Bigla siyang tumawa at hinawakan ang baba ko para isara ang nakaawang kong bibig.

" Binibiro lang kita, natakot ka yata sa sinabi ko. Namutla ka kasi. " natatawa niyang sabi.

Tinampal siya sa balikat dahil sa inis.

" Ewan! Ayaw na ayaw ko talaga ng binibiro ako! " lumayo ako sa pagkakayakap sa kanya at nakaismid na tinalikuran siya.

" Sorry na Hon, di ko naman alam na pikon ka eh. " niyakap niya ako mula sa likuran at hinalikan sa balikat. Kinilabutan ako sa sensasyong hatid niyon. Syempre kailangan kong maggalit-galitan para amuhin niya pa din ako.

" Hmp! Naiinis pa din ako! " maktol ko.

" Tama 'yan, may sasabihin nga pala ako. " hinarap niya ako sa kanya at hinawakan sa magkabilang balikat.

" Gusto ka palang makilala ni Mama. Sana makapagbakasyon ka at makadalaw tayo sa kanya. " nakangiting sabi ni Sam sa akin.

" Agad-agad? Alam mo naman na busy ako, malapit na ang exhibit ko tapos may auction ng mga paintings ko at lastly ang charity ball ng foundation ni Mommy sa isang linggo na 'yon. Baka naman pwede tayong dumalaw sa Mama mo sa oras na di na ako busy or hindi ba siya pwedeng makipagkita sa atin?" explain ko sa kanya. Napuna ko na biglang sumeryoso ang ang mukha niya.

" Hindi makakapunta si Mama, dahil sakitin siya kaya sa probinsya lang siya namamalagi. " nag-isang linya ang kanyang labi. Feeling ko nagtampo siya sa mga sinabi ko.

" Saan ba ang probinsya niyo? " tanong sa kanya, tila nabuhayan siya ng loob.

" Sa Pangasinan. " nakangiti niyang sagot. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi upang matitigan siya sa mata.

" After ng mga dapat kong ayusin dito sa Manila, mag-set tayo ng date para makapagbakasyon sa province niyo at makilala ko ang Mama mo. I'm sure maganda siya at sa kanya ka nagmana. " pambobola ko sa kanya.

" Sabi mo 'yan ha. Tatawagan ko na si Mama para sabihin ang plano natin. "

Agad naman siyang nagpaalam at naiwan akong mag-isa sa opisina. Mukhang kailangan kong matapos ang agenda ko dito sa Manila para tuparin ko ang pangako kay Sam. Ayaw ko din namang makita na malungkot o magkaroon ng pagtatampo sa akin si Sam dahil siya naman ay ginagawa ang lahat para sa akin. Kahit pa na nasa limang buwan pa lang ang aming relasyon. Pakiramdam ko na siya na talaga at kami para sa isa't-isa.

Tumunog ang message allert tone ng cellphone ko at sinilip ko kung sino ang nagtext. Unknown ang number, binuksan ko ang message niya at binasa.

From : 0918-xxxxxxx
Message:

Mag-iingat ka. Piliin mo ang pagkakatiwalaan mo.

Sino ang nagtext na ito? Iyong tumawag kaya kanina at ang nag-text ay iisa? Sinubukan kong tawagan ang number ngunit nakapatay na ito. Sino ba ang taong nagbibigay babala? Bakit niya kaya ako binabalaan? Kanino ako dapat mag-ingat?

Sumasakit lang ang ulo ko sa dami ng tanong na tumatakbo sa aking isip.

--------------
Maigsi? Bitin? Sorry naman.. Hehehe..

Abangers na lang kayo sa next chapter kasi sa ngayon medyo kaya pa ng powers ko ang magupdate ng mabilis. :)

atascha

BAHAY BAKASYUNAN (COMPLETED)Where stories live. Discover now