Three-Ang Regalo

10K 275 35
                                    

" M-Ma'am may deliver po ng mga flowers. " nag-aalangang sabi ng sekretarya niyang si Jacky. Nilingon naman ito agad ni Thessa na sobrang abala sa pag-aasikaso sa magaganap niyang exhibit. Natataranta na siya kasi hindi pa ayos ang lahat.

" My god! Sa wakas dumating na din sila!" nagmamadaling lumabas si Thessa para harapin ang delivery ng bulaklak.

" M-Ma'am! Sandali lang po!" habol ni Jacky sa kanyang amo, ngunit hindi na niya na awat ito at nakita ang mga bulaklak na diniliver.

" Excuse me Ma'am, kayo po ba si Miss Theresa Andrade? Para sainyo po ang bulaklak na ito. " pagbibigay alam ng delivery boy kay Thessa.

Si Thessa ay natuptop ang bibig at nanlalaki ang mga mata sa nakita. Dahil ang diniliver ay mga bulaklak hindi para sa kanyang exhibit kundi para sa patay. Makikita mo pa ang sash na may nakalagay na 'condolence'.

" Exhibit ng mga obra ko ang magaganap! Hindi isang lamay! Hindi ito ang inorder ko!"galit na sigaw ni Thessa. Hindi makahuma ang delivery boy sa dalaga. Tiningnan ni Thessa ang truck ng nagdeliver pero iba iyon sa pinagkuhanan niya. " Sino ang nagpadeliver sainyo ng mga ito?! Sino?! "

Napakamot naman sa kanyang batok ang lalaki dahil sa mga tanong ni Thessa.

" Ah-eh, Ma'am kasi taga-deliver lang po ako kaya hindi ko alam kung sino ang mga nagpadala o umu-order sa amin. " paliwanag ng delivery boy, parang napahiya naman si Thessa sa inasal niya.

" Sorry if nasigawan kita, uminit lang ulo ko dahil sa sobrang pressure. Tapos..tapos..ito pa. " namumula na ang mata ni Thessa sa inis parang anumang oras ay iiyak na siya.

" Naiintindihan ko po Ma'am ang nararamdaman niyo. " sang-ayon ng taga-deliver.

" Pakibalik na lang ang mga bulaklak na 'yan sa office niyo at hindi ko iyan matatanggap dito. Baka matakot pa ang mga guest ko kapag nakita iyan. " pakiusap ni Thessa sa lalaki.

" P-pero Ma'am.." tutol ng lalaki.

" Wala ng pero-pero. Sige na buhatin mo na ulit iyan pabalik ng sasakyan mo at pakisabi sa nagpadala..go to hell! " tinalikuran na ni Thessa ang nagdeliver at pumasok na ulit ng gallery niya.

Kahit may nangyari na hindi inaasahan ay naging matagumpay naman ang exhibit ni Thessa. Sold out lahat ng kanyang gawa. Kaya kahit papaano ay naibsan ang nararamdaman ni Thessa na agam-agam.

" Are you okay? " masuyong tanong ni Sam sa kanya. Tumango naman si Thessa sa nobyo. " Congratulation Hon, successful nanaman ang exhibit mo."

Tiningnan ni Thessa ang lalaking katabi, nakangiti ito sa kanya at napaka-gwapo ngayong gabi. Bagay na bagay dito ang suot niyang suit na kulay itim.

Naisip ni Thessa na napaka-swerte nga naman niya kay Sam dahil bukod sa gwapo ito, mabait, matalino at higit sa lahat mayaman. Ano pa ba ang hahanapin niya?

" Alam ko ang gwapo ko ngayon, huwag ka namang masyadong obvious na naglalaway ka sa akin. Pwede mo naman akong i-take out kung gusto mo. " at sinabayan ni Sam iyon ng malakas na tawa.

" Ang hangin lang ha! Taas ng bilib sa sarili. Hmp!" nguso ni Thessa sa nobyo.

" Ikaw naman hindi mabiro, isa pa huwag kang gumanyan para tuloy kitang gustong halikan. " niyakap ni Sam si Thessa.

" Bakit hindi mo gawin? Hanggang salita ka lang kasi eh. " natatawang hamon ni Thessa sa binata. Idinampi naman ni Sam ang hintuturo niya sa mapulang labi ng dalaga.

" In time, gusto ko makasal muna tayo bago kita halikan."

Iyon lang ang sobrang hinahangan ng dalaga sa kanyang nobyo dahil napaka-gentleman nito. Hindi ito kagaya ng iba na nagtatake advantage. Si Sam kasi nakukuntento lang sa yakap at paghalik sa kanyang pisngi o noo o sa kanyang kamay. Kaya nga madali niyang minahal ng dalaga si Sam dahil sa mga katangian nito.

BAHAY BAKASYUNAN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon