Five-Ang Bahay Bakasyunan

8.8K 298 29
                                    

" Wow! Grabe, bahay niyo ba talaga 'yan Sam? " namamangha na tanong ni Yannie. Parang bata itong nakamasid sa bintana ng kotse.

" Oo, sa amin ang bahay na 'yan. " natatawang sagot ni Sam, ito ang nagmamaneho ng kanilang sinasakyan.

" Salamat nga pala at isinama mo kami sa bakasyong ito. Kahit na magiging istorbo at sabit kami sainyong dalawa. " nanunudyong sabi ni Yannie.

" Tama ka diyan Ate Yannie! Nkakatuwa talaga ang ka-sweetan ni Kuya Sam, lahat ay gagawin para kay Ate. " dugtong ni Gemma.

" Parang si Superman na handang ipagtanggol si Ma'am Thessa sa masasama. " singit ni Jacky at humilig itong muli sa nobyong katabi.

" Hay naku tumigil nga kayo diyan. " sita ni Thessa sa kapatid at kaibigan. Tumawa lang si Sam.

" Okay nandito na tayo at makakakain na kayo para tigilan na niyo ako sa pang-aasar. " si Sam.

" Hindi kami nang-aasar ha! Totoo ang sinabi namin..iyon kasi ang observation namin. " sagot ni Yannie.

" Yannie.." may pagbabantang tono ng boses ni Thessa sa kaibigan.

" Hehehe, sabi ko nga tatahimik na ako. " at tila zinipiran pa nito ang bibig at nanahimik.

" Maiwan ko muna kayo dito at i-check ko lang sila sa loob. Dapat kasi nandito na sila sa tapat ng pinto eh, " napapakamot na sabi ni Sam.

" Sige okay lang Hon, " tugon ni Thessa sa nobyo.

Bumaba ito at pumasok sa loob ng bahay. Iginala naman ng naiwan sa loob ng sasakyan ang paningin nila sa bakuran ng bahay nila Sam. Ang ganda ng pagkakagawa ng bahay nila. Gawa sa salamin ang bahay ang pamilya ng nobyo ni Thessa. Ang first floor ng bahay ay gawa sa bato, kung tatantyahin ay nasa ikatlong palapag base na rin sa makikita mong hagdan. Dahil ang ikalawa at ikatlo ay salamin na gawa. Maraming tanim na halaman at bulaklak ang bakuran, marahil ay ito ang libangan ng Señora ng bahay. Nagningning ang mga mata ni Thessa ng may makita siyang tanim ng rosas na pula. Gusto na itong lapitan ni Thessa para makapitas. Ang ganda kasi ng pagkapula ng rosas, kakulay ng dugo.

" Ang lupet mo Ma'am Thessa, ang yaman ng mapapangasawa mo hindi ka na maghihirap at hihiga ka nalang sa pera. " nakangising asar ni Timothy ang boyfriend ni Jacky. Napasimangot naman si Thessa at napa-ismid naman si Gemma. Tiningnan lang ito ni Yannie. Kahit inis sila sa asta ng boyfriend ni Jacky ay wala silang magagawa dahil hindi sasama si Jacky kahit anong pilit ni Thessa kung hindi kasama ang tukmol na kalive-in niya. Sabagay tambay lang kasi ito at sisiga-siga kung makaasta. Sa apat na taon na pagsasama nila hindi nito tinulungan si Jacky at maluho pa ang lintek na lalaki. Kahit anong payo ni Thessa sa assistant na maghanap ng ibang karapat-dapat ay tila bingi ang babae dahil mahal nito ang kalive-in.

Napabuntong hininga si Thessa at idinako na lamang tingin niya sa sa iba, dahil ayaw niyang ma-stress. Hindi ba iyon ang dahilan kung bakit siya nagbakasyon. Natawag ng atensyon ni Thessa ang second floor ng bahay. Kumunot ang noo niya sa nakikita. May isang babae na nakadungaw sa kanila doon. Ang dalawang kamay pa nga nito ay nakadikit sa salamin at ang kakatuwa ay hindi ito kumukurap sa pagkakatingin sa kanilang nasa ibaba. Maganda ang babae, may mahaba at tuwid na buhok. Nakaputing tila pantulog na damit. Naramdaman siguro ng babae na may nakatingin sa kanya mula sa sasakyan. Tinted kasi ang bintana kaya hindi sila Thessa aninag mula sa loob. Bumuka ang bibig ng babae para magsalita...

Ngunit bumukas ang pinto ng sasakyan sa gawi ni Thessa at bumungad doon si Sam.

" Hon! Sorry sa paghihintay, tara na kayong lahat sa loob." hinihingal pa ang nobyo niya at ini-abot nito ang kamay niya para alalayan siyang bumaba ng sasakyan. Ini-abot niya iyon at bumaba na napatingin muli si Thessa sa second floor para sulyapan ang babae, ngunit wala na ito doon.

BAHAY BAKASYUNAN (COMPLETED)Where stories live. Discover now