Chapter 56-"HIS RETURN"

44.4K 685 44
                                    

Chapter Fifty Six-''His Return''

Hana's P.O.V :

"Anong ginagawa mo rito,Matthew ?"-

Tanong ko hindi alintana ang malakas na pintig ng puso ko.

"Why the shock dear wife? Nakalimutan mo na bang binigyan lang kita ng oras at space na mag isip ? Dont say nakalimutan mo ng may asawa ka?"-malamig na sagot niya.

Mas lalong nakadagdag sa malakas na pintig ng puso ko ang malamig na boses nito.

At oo nga pala, mag asawa pa kami dahil hindi siya nagfile ng annulment. Nagbalik ba siya para magfile na ng annulment? Hays! Sumasakit ang puso ko pag naiisip yun.

Piniksi ko ang pagkakahawak nito sa siko ko nang akto sanang aalayan akong maupo ulit. Sa tingin ko, hindi niya inaasahan ang aksyon kong yun. Maging ako ay di ko alam kung bakit ko yun nagawa? Di ko pa rin kasi lubos maisip na magpapakita na siya ngayon. Akala ko , nakalimutan na nito ako.

Di ko na kaya pang manatili rito! Para akong nauubusan ng lakas. Bakit ang lamig makitungo saken ni Matthew? Di ba ako dapat ang magalit rito.

Oo! inaamin ko ! Hanggang ngayon si Matthew pa rin ang sinisisi ko sa pagkawala ng anak namin pero .....pero hindi ko alam kung napatawad ko na ba siya.Basta ang alam ko ngayon , mahal na mahal ko pa rin ito at wala akong ibang gusto kundi ang ikulong ang sarili ko sa yakap niya.

Magulo ba ako? Mahal ko siya pero sinisisi ko siya sa pagkawala ng anak namin at di ko alam kung napatawad ko na ba siya. Alam ko. Hindi ko dapat sisihin si Matthew sa nangyaring yun dalawang taon na ang nakakaraan pero may pinong kirot pa rin sa puso ko pag naaalala ko ang mga nangyari at ngayong nagkita na kami muli ni Matthew parang kusang bumabalik yun ang mga masasakita na alaala ng kahapon.

Dalawang taon! Sabi ni Mamang may tamang panahon sa pagpapatawad pero paano ko siya magagawang patawarin kung may mga bagay na hindi namin nagawang solusyunan. Mga bagay na gumugulo sa isip ko tulad ng dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan.

''Excuse me. May trabaho pa ako sa kusin.'' Anyong aalis na ako nang mahigpit nitong hawakan ang braso ko.

"Sit down Hana." Maikli lang ang pagkakasabi pero parang magic yun na nag uutos sa akin na umupo.Tinignan ko lang siya sa mga mata. Ang mga matang yun na noon puno ng pagmamahal habang matamang nakatitig saken pero ngayon walang emosyon ang mga matang yun .

 Nang makaupo kami saka namang dating ng babaeng sumalubong saken kanina na marahil ay bagong secretary ni Matthew o baka naman bagong KABET.

"Miss De Guzman. Thanks for accompanying me. You can leave "-Professional ang boses ni Matthew habang nagsasalita.

My Amnesia WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon