Chapter 19-"SELOS SI KABET"

55.1K 848 54
                                    

Chapter Nineteen:''Selos si Kabet!''

Hana's P.O.V:

''Argh!  Kainis! Kainis! Kainis! UGH!''  Wala akong nagawa kundi pagbuntunan ng inis ang mga kawawang bato na nakharang sa daraanan ko habang naglalakad ako pauwi ng bahay. Ang magaling ko kasing asawa, iniwan lang ako sa school kaya napilitan akong magbus kanina. Bwisit!

From: Pancake

Cant wait. Magkita na lang tayo sa buhay.

Putrages! Nababanas pa rin ako kapag naaalala ko ang text niyang yun. Halos itapon ko na ang cellphone ko kundi lang yun mahal ang pagkakabili. Tss! Pag ako talaga napahamak rito. Ipapangako ko na mumultuhin ko siya at hindi ko siya patatahimikin.

Yung pakiramdam na gusto kong ipagdasal na mapahamak ako para makonsensya ang magaling kong asawa. Pero talagang ayaw makisama sakin ng napakabait na tadhana dahil sa halip na madisgrasya ako eh inaasar at iniinis pa ata ako. Bakit?

''Mommy!'' Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Danzel. Napakunot ang nook o nang may masense akong hindi maganda sa kanya.

''Whats wrong baby?'' Tanong ko agad.

Imbes na sagutin niya ako, tumingin siya sa harapan namin at ang magaling kong asawa pala ay may palakang bisita. Linsak! Marahil ang babae ang dahilan kaya ako iniwan sa school. Hah! Ang kaaapaaal ng pagmumukha nila! Kasing kaaapal este mas makapal sa make-up ng babae.

''Hana.'' Panimula ni Matthew nang makita ako. Nasa dining area kami at kasalukuyan na silang naghahanda para kumain. ''This is Venice, a friend and Venice meet my beauful wife Hana.''

''Good evening, Hana.'' Naalala ko ang pagmumukha nito. Siya yung kahalikan ni Matthew sa office! Aba, magaling rin noh! Inuwi niya pa rito sa bahay. Napakagaling. Buwisit!

Ngumiti pa sakin ang babae eh halata namang plastic. Duh! Lalapit sana siya sakin nang yakapin ako ni Danzel sa beywang.

''Stop there, Frog! I don’t want you near my Mom.'' Palihim akong napangisi sa pahayag ng anak ko. Very good anak!

My Amnesia WifeWhere stories live. Discover now