018

464 22 4
                                    

— art's.

bitbit ang ilang libro, tahimik akong pumasok sa library ng building nila jay. 3:30 palang, pero nandito na ako agad. masyado ba kong halata na excited? sana konti lang.

sa tagal ko ng tutor, ngayon lang ako naexcite magturo sa isang student. tapos, yung student pa na 'yon ay walang iba kundi si jay. si park jongseong, mga marecakes. ang loml ko ahihi.

pagka-scan ko ng id ko sa scanner, kumaway ako sa librarian.

close kami, kahit hindi ko 'to building. mas close pa kami sa saradong pintuan.

wala ng masyadong students sa library na 'to after classes, compare sa ibang library ng ibang buildings. mas malamig rin dito, mas tahimik, kaya mas makakapag focus si jay. tapos ako tamang focus lang sa tinuturuan ko. ang saya mabuhay.

humanap na ako ng table, at naupo malapit sa bintana at aircon. para hindi mainitan si jay, anak mayaman kasi. baka hindi sanay mainitan.

at kahit foods are not allowed, nag dala parin ako ng sandwich at banana milk. just incase magutom rin si jay.

napaka affort ko, jongseong. kapag ako hindi mo pa jinowa, ipapagayuma nalang kita. pasensyahan tayo.

after ko malabas lahat ng gamit na need ko, nag decide ako na ireview muna yung mga ituturo ko kay jay. chineck ko narin yung mga set of problems na ipapasolve ko sa kanya after.

while checking, may nafeel naman akong presence ng someone na papalapit sa table ko. expecting na si jay 'yon, pero ibang student pala. may hawak siya paper, at iniabot 'to sakin.

i looked at the guy, binigyan niya pa ko ng sign na "call me" habang naglalakad papalayo sa table ko.

napailing nalang ako, at pinatong yung piraso ng paper sa table.

tahimik ang lahat, hanggang sa padabog na nilapag ni jay yung mga gamit niya sa ibabaw ng table. i looked up to him.

as usual, gwapo siya. hay.

umiling iling ako nang marealize kong nakatitig na naman ako sa kalmado at gwapong mukha niya. focus, art. remember your goal!

tama. jojowain ko si jay— ay este, tutulungan ko siya. that's the goal.

"give me piece of paper, may gagawin lang ako." binuklat ko naman agad yung notebook ko, para kumuha ng isang piraso ng papel pero bigla niyang dinampot yung paper na binigay nung lalake sakin kanina.

"jay wag na 'yan—" too late, nalagay na niya sa paper yung nginunguya niyang gum kanina saka 'yon mabilis na tinapon sa malapit na trash can.

"what? do you need that?" nakataas ang kilay niya. gwapo parin mag sungit shutabels.

"no." umiling ako.

"masyado lang maliit kasi—"

"let's start." naupo siya sa upuan na nasa harapan ko, saka nagsimulang ilabas yung mga gamit niya.

nag start akong mag explain sa kanya, kung paano mag compute, at paano isolve yung mga problems na naging mali niya last exams. everything went smooth. gladly nagawa ko mag focus, at makapag explain sa kanya sa way na maiintindihan niya yung topic namin.

"try solving this one." iniabot ko sa kanya yung isang paper na may dalawang solving problems. he scan the whole paper, and his lips curved into a little smirk. bahagya akong napangiti, basic lang siguro for him yung binigay ko.

pinanuod ko siyang matapos yung ginagawa niya, habang tahimik na nakapalumbaba sa table.

he suddenly stopped writing, at nilapag yung pen sa table. tumingin siya sakin

"done."

tumango naman ako, saka kinuha yung paper. hindi ko alam kung ayaw niya lang bang nakatingin ako sa kanya or sadyang natutunan niya agad yung tinuro ko.

"you're good." compliment ko. napacross arms naman siya, at pinahinga ang likod niya sa upuan.

"alam ko na kasi 'yan— kasi, tinuro mo. diba?" tumango naman ako, at binigay sa kanya yung second set of problems. alam ko medyo matatagalan siya dun, kaya mas matititigan ko siya ng matagal hihi.

"kukurap ka, artemis." i stopped breathing, pero saglit lang syempre. i hate it when people call me artemis. pero shuta, kung si jay lang tatawag sakin ng ganon everyday hindi na ko mag rereklamo. maaaaa

"k-kumukurap kaya ako, jongseong." kita ko ang bahagya niyang pag ngiti, kahit nakayuko siya.

kaya nakaramdam naman ako agad ng something sa tummy ko, dahilan para mas mafeel ko yung lamig dito sa library.

natatae ba ko? pota wag naman sana..

"bakit kasi biglang lumamig? aish.." bulong ko sa sarili ko, bago ko icheck yung aircon na nasa likod ko mismo.

"here"

"tapos ka na—" pagkalingon ko sa kanya, imbis na paper yung iabot niya sakin, hoodie niya ang hawak niya. handing it to me.

"a-ano 'to?"

"hoodie. mukha bang tinidor 'yan para sayo?" pilosopo amp. buti nalang gwapo ka.

"wear it. ang ikli kasi masyado ng skirt mo, bata ka ba?" sungit na naman amp.

"hindi. pero pwede naman akong maging baby mo." i smiled, pero inirapan niya ko. hindi ko talaga alam kung saan ko nakukuha kakapalan ng mukha ko, para sabihin sa kanya yung ganon.

"joke" napangiwi nalang ako, saka bahagyang hinampas yung ulo ko.

"sa susunod, think before you speak. nagsisisi ka rin naman after."

"hindi kaya." dipensa ko.

"pretender." i stick my tongue out habang hindi siya nakatingin.

lagi siyang may sagot, ligawan ko kaya 'to? baka sakaling sagutin niya rin ako hmp.

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon