Twenty-One

780 22 4
                                    

Happy Reading😘

*****

"Hi! You must be Wreya." Isang boses ng babae ang pumukaw sa atensyon niya. Nasa hardin siya ng mansiyon at nagbabasa ng libro nang may nagsalita sa harapan niya.

Tiningala niya ito at laking gulat niya sa nakita.

"I see. They aren't really bluffing when they said that we look alike. Must be the Sandoval genes huh." Ani ng kamukhang-kamukha niyang bata.

"Hey do you speak or not?"

Napatayo si Wreya. "A-ahmm, sino ka ba?" Tanong niya rito. Tumawa ng malakas ang kaedad niya lang na bata.

"Funny huh. Just so you know, we're half-sisters. I am also Senyorito Sandoval's daughter, Mella Sandoval." Hindi na siya nagulat sa kaalamang iyon. Alam niya na may anak ang ama niya sa totoong asawa nito. At usap-usapan din kanina sa bahay na uuwi ang anak nito na muka sa US.

"A-anong kailangan mo sa akin?" Kinakabahang tanong niya. Alam niya kasing kung aawayin siya nito ay siya ang magiging kawawa. Hindi pa naman pabor ang lahat na nandoon siya nakatira sa mansion.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako kagaya nila Lola at Mama. I may not be so kind, pero sa kadugo ko rin ay hindi ako nananakit. Pero huwag mo ring isipin na may kakampi ka sa akin. I will be civil with you as my half-sister. Plus, I also know how much Dad loves you."

"M-mahal ka rin naman ni Dad."

"I know. Kaya ayokong sirain ang pagmamahal ni Dad sa akin dahil lang ayaw ko sa'yo." Iyon lang at umalis na ito.

Napabuntong-hininga nalang si Wreya.

Then everything changed when their Father died. Maski siya ay sinisi ni Mella sa pagkawala ng Daddy nila.

Mella became stubborn, wild and free. Wala itong paki-alam na sa mundo. She love her Dad so much that seeing him dead made her dead too. Pero hindi ito agad nakita ng Lola at Mama nito. They thought it was just a normal Mella who is spoiled by them. Binibigay nilang lahat kay Mella hanggang sa nag-18 sila ni Wreya.

It was their debut. Pinaghandaan iyon ng lahat. Pero hindi na nag-expect si Wreya na kasali siya roon. Kaya naman nanatili lang siya sa barn house ilang metro ang layo mula sa mansion.

Kahit na malayo ay naririnig pa rin niya ang party na nagaganap sa Mansion. Marami ang bisita at puro naka-kotse ang mga ito. Napatanaw lang siya sa bintana ng barnhouse kung saan tanaw niya mula sa second floor ang mansion.

While everyone is enjoying the party, nakita niyang lumabas si Mella sa Mansion. Parang may tinatakasan ito.

"No! I will not marry him! I have a boyfriend Mama." Anito sa nakasunod na ina at lola.

"But Mella, it was already decided even before your Dad died."

"Why not set Wreya instead? Wala naman iyong ginagawa kundi ang magnamnam ng kayamanan ni Dad?" Mella said with rage.

"And you will allow that bitch to take over the inheritance?" Madame Silvia spat out. Natigilan si Mella doon.

"No. Of course not. She doesn't deserve a single cent from it." Wreya's heart constricted from that statement.

His TEMPT-orary SecretaryWhere stories live. Discover now