Chapter Two: Slip Away, again...

1.2K 43 3
                                    

I've always wanted to write a CEO-Secretary love story and now here it is. I'm fulfilling one of my dreams.☺️☺️ Only with a twist😉😉

ו••••×

Nagmulat ng mga mata si Ria nang makaramdam ng mabigat na bagay na nakapatong sa kanya. She looks down and there,  ang natutulog na si Trevor na naglalaway ang nakapatong sa kanya. She can see his face in that position. Hinaplos niya ang buhok nito at nilingon ang gilid at nakita niyang tulog pa rin si Terry habang nakasiksik sa kili-kili niya.

"Good morning Mama." A groggy voice said at nakita niyang si Troy iyon. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo. Maingat ito na hindi masagi si Terry.

"Morning too baby." aniya at hinalikan ito sa kanang pisngi.

Terry stirred at kinusot ang mga mata nito bago nag-unat.

"Morning Princess." Troy greeted Terry.

"Mowning Kya Twoy." Bulol na sabi nito. Tapos inangat nito ang katawan at sumiksik sa leeg niya. "Mowning Mommy."

"Morning baby girl." Hinalikan niya ito sa kaliwang pisngi. Humagikhik ito nang kilitiin ni Troy.

"So noisy." A grumpy Trevor said habang nakapikit ang mga mata.

"Hey wake up Trev, you're too heavy now to sleep on Mommy's stomach." Saway ni Troy sa kapatid. Umangat ang tingin ni Trevor sa kanya at nanghihingi ng tulong.

"Heavy ako Mama? Sorry Mama." Naiiyak na sambit nito at umalis na sa ibabaw niya.

Inangat niya ang upper body at niyakap ito habang humihikbi.

"No. You're not that heavy baby. Hug niyo nga si Mama." Ibinuka niya ang mga braso, hindi naman siya nangalay kasi agad na inatake siya ng tatlo.

"May sasabihin si Mama na two good news. Gusto niyo bang marinig ang good news ni Mama?" Tanong niya sa mga ito na ngayon ay nakatuon ang mga mata sa kanya. Two green adorable eyes and a dark brown are curiously looking at her.

"Tell us Mama." Troy urged her.

"Okay, ang unang good news ni Mama ay uuwi na si Ninang Elli niyo mula New york." Napangiti ang tatlo at pumalakpak pa si Terry. "Pangalawa, walang work si Mama ngayon kaya mamamasyal tayo sa Mall at sa Jolly Kingdom!" Doon mas natuwa ang tatlo at nagtatatalon sa kama.

"Is it true Mama? Pupunta tayong Jolly Kindom?" Hindi makapaniwala na tanong ni Trevor. Tumango lang siya rito at ngumiti.

"Yey! Punta tayo sa Mall!" Magiliw naman na sambit ni Terry at yumakap sa kanya.

"Kaya dapat maligo na kayo habang ipeprepare ni Mama ang breakfast. Okay?"

"Yes Mama. Maliligo na kami ni Trevor."

"And our little princess here and I will cook something delicious for our breakfast."

Umalis na sila sa kama at nagpunta na sa banyo. Siya naman at si Terry ay sumaglit sa kusina pra magluto ng kanin sa rice cooker at bumalik sa kwarto para pumili ng damit ng mga bata.

"Do you like to wear this dress Ninang Casa bought for you Princess?" Pinakita niya rito ang purple dress dito. Nagustuhan naman nito ang pinili niya at kinuhanan na rin ang dalawang lalaki ng damit. White polo shirt, brown jacket and jeans ang susuotin ng kambal. Nilagay niya ito sa ibabaw ng kama.

"Okay let's cook na baby." Binuhat niya si Terry at bumalik na sila ng kusina. Nagluto lang siya ng pancakes, scrambled egg and bacon at nagtimpla ng gatas.

His TEMPT-orary SecretaryWhere stories live. Discover now