Kabanata 2

136 9 17
                                    

Isabella

Lahat ay abala para sa gaganaping party mamaya para sa anibersaryo nina señora Rafaela at Don Robert. Kahit umaga palang ay aligaga na ang lahat para sa kasiyahan mamaya.

Sa pagkakaalam ko ay dadalo lahat  ng kamag-anak ng mga Montelivano. Pati ang kanilang apat na mga anak na si señorito Trevere at señorito Trevese na kambal. Si señorito Ezkiel na bunso at ang panganay na si señorito Raise. May sarili na kasi silang apat na tinutuluyan kaya ang tatlong señorito ay paminsan minsan kong bumisita dito maliban kay señorito Raise na nasa Maynila at hindi pa nakakauwi dito ng mahigit limang taon sa kanilang hacienda.

"Tanggalin niyo yan."

"Ayusin niyo, baka tumalsik."

"Dito pakiipit nga!"

"Maglinis ka nga sa sala Dhela!"

Kaliwat kanan ang mga dumadaan dito sa napakalawak nilang hardin kung saan gaganapin ang party. Ika 30th anniversary kasi ng kasal nina señora Rafaela at don Robert.

Maraming mga mesang bilog ang nakahanda na may telang puti at may mga ribbon sa paligid. Madami rin yung mga upuan at kulay puti na steel. Dumating na rin ang mga bulaklak na gagawing palamuti para maging mas kaaya aya ang buong paligid, maliban rin sa mga bulaklak sa malawak nilang garden na dumagdag rin sa palamuti. Kaya kapag natapos ang pagdesinyo dito, tiyak na magiging mas maganda ito.

"Ayusin niyo yan, huwag kayong papalpak at trabaho natin ang nakasalalay dito. Umayos kayo!"

May napagalitan pang trabahante na gumawa ng mini stage sa harap ng garden malapit sa fountain.

Ako naman ay inutusan na maglinis sa mga kwarto ng apat na señorito.

Galing kasi ako sa garden dahil namigay ako ng meryenda at naalala ko pala na may inutos sakin kanina.

Pumunta ako sa maids quarter at kinuha ang mga gagamitin ko panglinis. Nakita ko pa sa labas na nagkakagulo na naman. Pinagkibit balikat ko na lang yun dahil mas importante ang pinaguutos sakin.

Pagkatapos na makuha ang mga kinakailangan na panglinis ay kaagad akong umakyat at inuna ang kwarto ni señorito Ezkiel.

Pagkapasok ay sinumulan ko na kaagad. Hindi naman mahirap linisan dahil malinis na ito at kunting alikabok nalang ang lilinisan ko. Pagkatapos ay sunod kong nilinis ang kwarto nina señorito Trevere at señorito Trevese na kasunod lang ng nilinis kong kwarto. Katulad ng nauna ay hindi ako nahirapan dahil malinis na loob nito. At saka silang tatlo ay madalas rin ditong natutulog kaya nalilinisan ko parin naman.

Lumabas nako ng kwarto ni señorito Trevese ng dumaan si manang Sepen na may dalang juice, kanin at may ulam.

"Oh nak saan ka pupunta?" Huminto muna siya at tiningnan ang dala ko. Si señora kasi ang nag-utos sakin kanina na manglinis ng kwarto ng mga anak niya. Ako kasi lagi niyang inaatasan sa paglilinis ng mga kwarto dito kahit sa kanila ni don Robert.

Sumenyas ako sa kasunod na kwarto at napangiti siya. Bakit kaya?

"Sakto nak, pwedi bang ikaw nalang ang magbigay niyan sa loob? Yung niluluto kung ulam natin mamaya baka masunog." Hindi niya na ako nahintay pa na tumango at kaagad na nilipat sa kamay ko ang tray, kaya nabitawan ko yung walis tambo at dustpan.

Pagkakaalam ko ay kwarto to ni señorito Raise ang susunod kong lilinisan. Bakit niya padadalhan ng pagkain e wala namang tao diyan sa loob? Pero baka nasa loob non si señora.

Iniwan ko na muna ang mga gamit at tumuloy sa ikaapat na kwarto. Pagpihit ko tumambad sa akin ang kwartong walang kabuhay buhay. Kulay gray kasi ang mga gamit dito sa loob pero lahat ng gamit dito ay mamahalin. Inilapag ko na ang dala ko at nagtaka kung bakit walang tao. Baka sa kwarto talaga ni señora to ilalagay at hindi dito. Kukunin ko na sana ng biglang may lumabas sa pinto ng banyo.

Montelivano Series #1: Silently Love You (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang