Chapter 2

2 0 0
                                    

ABIGAIL's POV

"Anong problema abeng at ang aga aga nagsisisigaw ka ha?!" Asik saakin ni nanay na kakapasok lang sa bahay kasunod naman nya si ate mabel na may hawak na tasa, sure ako na kape ang laman nun. Pagkakita ko sa kanila ay agad ko silang niyakap na dalawa saka ako napaluha.

"Abeng dahan dahan naman, yung kape ko sayang" reklamo ni ate mabel saakin kape is life talaga itong si ate mabel. Tuloy umiiyak akong nakangiti parang baliw lang.

Kumalas ako sa yakap ko sakanila at ipinakita ko sakanila itong kahon ng cellphone!, itong cellphone na ito kasi ay pangarap ko na dati pa tuwing nag mamall kaming tatlo nila nanay at ate mabel lagi kaming dumadaan sa bilihan ng cellphone para tignan ko lang kong meron pa ba yung cellphone na inaasam asam ko. Itong cellphon ko kasi eh halos kaedadan lang atta ni nanay eh, yung 3310 ba na cellphone yung kahit ibato mo eh hindi masisira. Ito ngayon eh touch screen na HAHAHA.

"Bakit mo yan binuksan! Hindi sayo yan regalo ko sa jowa ko yan!" Binatukan naman sya ni nanay ng mahina.

"Kailan ka pa nag ka jowa mabel? Ni manliligaw nga eh wala" sabi ni nanay sakanya

"Ante ha, grabe ka ha, alam kung single ako pero hindi kailangan ipamuka, nag bibiro lang ako eh masyado kang seryoso" kakamot kamot sa ulong sabi ni ate mabel yun kay Nanay dahilan para matawa kaming tatlo.

"Nay, ate salamat po dito ha, sobrang salamat po talaga" mangiyak ngiyak na sambit ko sakanila.

"Walang anuman anak, pinagipunan namin yan ng ate mo mabel para iregalo sayo sa pagtatapos mo, batsa mag-aaral kang mabuti at wag munang makikitext ng kung sino sino ha?" Mahabang sambit ni nanay. Nakangiting tumango tango ako kay nanay, nginitian naman ako nito at ginulo ang buhok ko.

"Wag ka munang magboboyfren dyan at baka mabuntis ka ng maaga at mauna ka pa saakin, dapat ako muna bago ikaw" sabi ni ate mabel

"Si ate mabel parang sira! Boyfriend, boyfren ka dyan, OA ka masyado ate" sabi ko sakanya.

"Pinaalala ko lang, bakit masama?" Parang siga na sambit ni ate mabel, iba talaga tama ni ate kapag nakahigop ng kape, mas malakas pa ang tama nya kesa sa kape HAHAHA

"Sya sya, maiwan ko muna kayo dyan at magwawalis na ulit ako sa bakuran, kumain na kayong dalawa dyan at yung labahin nyong dalawa nag hihintay na" sambit ni nanay saka sya lumabas ng bahay.

"Opo nanay/ante" sabay naming sabi ni ate mabel, at tsaka kami kumain na ng agahan habang kumakain ay nagtatalo kami ni ate kung sino mag kukusot at sinong mag babanlaw, dahilanl para sitahin nanaman kami ni nanay dahil nag sisigawan na kaming dalawa.

Para naman kaming mga bata na nagpapahagikgik nalang dahil napagalitan nanaman kami hahaha

Kaming dalawa ni ate mabel ang nag hugas ng pinggan dahil kapag pinagtalunan pa namin yan ay baka mapalo na kami ni nanay, kaya dalawa nalang kami, ako ang nagsabon sya ang nag banlaw.

Heto kami ngayon ni ate mabel nasa likod ng bahay naglalaba, sya nag kukusot at ako magbabanlaw, wala kaming washing machine eh kaya tamang kusot kusot lang, ako naman ay bakaupo dito sa may tapat ng gripo (yung binubumba na gripo) may monoblack ako inuupuan binabantayan si ate mabel char hahaha 

"Hoy mabel kailan mo balak sabihin kay ante na nag enroll ka sa isang university sa manila ha?" Biglang tanong ni ate, agad naman akong napatingin tingin sa paligid ko baka andyan si nanay baka marinig nya hindi ako ready.

"Ate ang ingay ingay mo naman!"

"At sorry naman, Oo kasalanan ko nanaman, so kailan?"

"Hindi ko po alam ate" sagot ko sakanya. Natatakot akong sabihin kay nanay dahil baka ayaw nya at hindi ako payagan na mag kolehiyo sa South Xiever University gusto ko kasing maging fashion designer, eh kilala ang SXU sa larangan na yan kaya dyan ko gusto mag aral parehas kami nila Dona at Mj nag enroll kami dyan, at hinihintay nalang namin kung tanggap ba kami o hindi.

The Ghost of my PastWhere stories live. Discover now