PROLOGUE

13 0 0
                                    

Isa nanamang ordinaryong araw, gigising ng maaga, maliligo, kakain at papasok sa trabaho..paulit ulit lang..
Yan na ang routine ko araw araw..

Buti nalang at may mga kaibigan ako mga baliw! Kaya nagiging makabuluhan ang araw araw ko. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari saakin kung wala yung dalawa kong kaibigan, baka gurang na ako!

Kaharap ko ngayon ang computer, just checking the hall na gagamitin sa gaganaping fashion show next month. It was a big event dahil pupunta ang Mga Rodriguez kilala sila sa buong asya at Europe, sila lang naman ang may ari Foreign Falcon Airlines, ang pinakakilalang airlines sa buong asya, hindi lang yan ang business nila kilala din sila sa paggawa ng mga wine na iniexport sa buong mundo, they have also resorts, five star hotels.

Kaya hindi na ako magtataka kung bakit kailangang gawing engrande ang magaganap na event, gusto kasing maging kasosyo ni celine ang mga Rodriguez, dahil maimpluwensya sila at kilala pa. Siguradong maraming mag iinvest sa Andersonara Fashion line kung malalaman nilang isa ang mga Rodriguez sa mga investors ng kompanya.

“Casiano…!”

Ugh! Andyan naman ang sisira saaking araw! Sabing wag nyang mabigkas bigkas ang apelyedo ko dahil kapag sya na ang nag sasabi ng apelyedo ko ay pumapangit na!

“ano naman?!” inis na tanong ko sakanya.

“kayong mga babae talaga noh, ang susungit nyo kapag meron kayo, tsss..” saka ngumiwi ito! Kung hindi ko lang talaga kaibigan ito ay knock out na ito kanina pa!

“Felix kung mangiinis ka lang din ay umalis ka sa harapan ko at baka hindi kita matantiya ay masapak kita!” nanggigigil na asik ko sakanya!

“Napakahigh blood mo naman, ganun na pa ako ka gwapo para mainis ka?” lokong too! Iniis talaga ako! Arrghhh!!! Kinuha ko yung mug ko dito sa may desk ko at akmang ibabato ko iyon sakanya agad naman nya itinaas ang mga kamay nya na parang sumusuko na.

“ito naman hindi na mabiro, pinapatawag ka ni ms. Celine sa opisina nya.” bininalik ko naman yung mug ko sa desk ko. Bakit kaya ako pinatawag nun?

“bakit daw?” malumanay na tanong ko sakanya. Nagkibit balikat ito saka nagsalita.

“Aba malay ko, ang sabi lang naman nya ay tawagin kita" inosenteng sambit nito, inirapan ko naman sya naka tumayo.

“busit ka talaga Fellesito!” Asik ko sakanya at nag martsya na ako papunta sa opisina ni celine, baka masapak ako nun dahil tinawag ko sya sa totoo nyang pangalan! Hahaha..

“Bwenas ka Casiano! Sabing wag mo akong tatawaging ganun! I hate that name!” see, hahaha, ikinakahiya nya ang pangalan nya eh ang ganda ganda kaya, Antique na antique, hahahaha.

Sa halip na pansinin ang punggok na yun ay tinahak ko ang daan papunta sa office ni celine, maya maya pa ay nasa may pintuan na ako ng opisina nya. Kumatok ako ng tatlong beses, aba mahirap na baka may kausap iyon na investor eh di napahiya naman ako.

“come in” kapag ka sabi nun ay agad ko naman binuksan ang pinto...sumalubong saakin si celine na nakaupo sa swivel chair nito at halatang stress na stress..

“pinatawag mo daw ako?, may kailangan ka ba?” tanong ko dito habang umuupo ako sa visitors chair sa may harapan ng lamesa nya.

Napabuntong hininga muna ito bago nagsalita “I'm so stress Abigail…”sambit nito at inihilig ang likod nito sa swivel chair nya.

“Oh, eh, anong magagawa ko, ako din naman gurang na para sa paghahanda sa fashion show..” saka ko din inihilig ang likod ko sa kinuupuan ko..totoo naman eh, effort na effort kami para sa preparation para sa fashion show at para na rin sa mga Rodriguez.

The Ghost of my PastWhere stories live. Discover now