Chapter 1: THROWBACK

10 0 0
                                    

Way back before the recent date……(so mag tatime travel tayo….., balikan muna natin yung mga araw na masaya pa kayong dalawa….charrr, hahaha...ang mga nangyari sa nagdaang sampong taon, bago ang kasalukuyan grabe ang lalim nun ahh...hahaha...Ciao)

“Abeng!!!....Magkokolehiyo kana!.” Sigaw na salubong saakin ni ate mabel, pinsan ko, matanda sya saakin ng limang taon inirapan ko naman sya.

“Oo nga at Abeng parin ang tawag mo saakin! Abie na kasi! Dalaga na ako noh!” sabay irap sakanya habang tinanggal ko ang suot kong toga.

“Heh! Wag ka nga! Para saakin ikaw parin yung abeng na mahilig maglaro ng tae ng Calabaw!”saka sya tumawa ng malakas! Busit! Ipinagtataka ko rin yun sa sarili ko, bat ang hilig ko noon maglaro ng tae ng Calabaw? Palibhasa nasa probinsya ako, hehehe...

“Nakakainis ka naman ate mabel eh! Matagal na yun, kaya wag mo nang ipagsigawan!” nakangusong sambit ko sakanya.

“Nako, mabel wag mo ngang binubuyo yang pinsan mo at kakagraduate lang eh” pangaawat ni Nanay na kalalabas lang sa kwarto nya at kakapalit lang..

“kut agpayso mut ante Helen, naghilig atta nga agay-ayam itti takket nuwang iddi"

(Translation: totoo naman Auntie Helen, mahilig naman syang maglaro ng tae ng Calabaw noon!)

Tinawanan nalang ito ni nanay, ako naman ay sinamaan ng tingin si ate mabel, wala akong kapatid only child lang ako. Si ate mabel naman ay magisa nalang din sa buhay, kaya dito sya saamin ni nanay tumitira. May trabaho na rin sya isang sales lady sa isang mall.

“asaan na ba yang mga kaibigan mo Abeng? Para makakain na tayo” tanong ni nanay, tinignan ko naman sya na nakanguso, dahil nga graduate na ako bilang highschool ay may kunting handa ako, at yung dalawa kung kaibigan lang ang inimbita ko…

Hindi ako friendly so ayun, hehehe...

“Nay, Abie nalang po kasi, Abeng, kayo ng Abeng, dalaga na ako nay, Andyan na din po yung mga yun nay.” sambit ko at speaking of the devil, saktong dumating ang dalawa kung baliw na kaibigan

“Bespren…..!!!!” sigaw ni Mj, kaya agad naman kaming napadungaw na tatlo sa pinto.

“bespren...papasok na kami ah…” pagpapaalam nito nagpaalam pa eh nakaloob na sa bakuran namin, napailing iling nalang ako sakanya, narinig ko naman na napabungisngis ng mahina si ate mabel.

““Nakuha mo pang magpaala Mj Pelipe eh nakapasok ka na nga!” masungit na sita nito kay mj, napalingon naman si Mj kay Donalyn.

“ay, ganun ba yun?, kailangan magpaalam muna bago pumasok? Akala ko pwedeng sabay" nakangusong sambit nito kay Donalyn, nasapo naman ni Dona ang nuo nya, nagtitimpi na wag mabatukan ang kaibigan namin.

“halina kayo at para makakain na tayo" sambit ni nanay, halatang nagpipigil na matawa sa dalawa.

“hahaha….oo nga dalian nyo at gutom na ako!” sambit din ni ate mabel at inayos na nila nanay at ate mabel ang hapag kainan.

Hinintay ko naman silang dalawa sa pinto ng bahay namin..nang makalapit sila saakin ay niyakap naman ako ni mj.

“bespren...magkacollege na tayo! Kyahh" sigaw nito sa mismong tenga ko! Dahil nga nakayakap sya saakin ayun tenga ko tuloy ang napuruhan.

Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap nito saakin dahil parang nasira na ang ear drums ko!

“oii, bespren ayos ka lang?, nakakapanghina ba ang kakagraduate? Bakit ako hindi nanghihina?” sinamaan ko naman sya ng tingin, nginusoan lang din naman nya ako. Pero biglang lumapit si Dona at biglang binatukan si Mj.

The Ghost of my PastWhere stories live. Discover now