CHAPTER V REALITY

23.8K 258 36
                                    

KIM's POV

Eto ang pinakamasayang araw ko. Tuwang tuwa nga ako eh. Kasi KASAL namin ngayon ni Andrew. Sobrang saya ko talaga! Wala na ngang mapaglagyan ng tuwa ko eh.

Tumulo ang luha ko. Ikakasal na ako. Di ba dapat masaya ako? Pero bakit ganito? Parang nagluluksa ako?

Alam ko na.

Una, dahil hindi ko mahal si Andrew.

Pangalawa, 2 weeks ko ng di nakikita si Jansen. Ayun di pa rin sya nagigising. Bawal din akong lumapit sakanya kasi baka masipa ako sa mukha ni tita Jinky, hanggang ngayon sinisisi nya pa rin ako sa nangyari kay Jansen. Di ko naman ginusto yun eh.

"sis, let's go. Malalate ka na sa kasal mo." si ate.

"okay nga yun. Pero mas ok kung hindi matutuloy ang kasal." sabi ko.

"sira ka talaga baka gusto mong magwala si mommy." si ate ulit.

"ate, itakas mo ko. Kahit sa ilalim ng tulay ako tumira ayos lang. Wag lang akong makasal kay andrew please. Ate." sana pumayag si ate.

"loka! Ano ba naman yang mga sinasabi mo! Bilisan mo na. Halika na!" si ate. Walang epekto yung pagpapaawa ko sa kapatid ko. Akala ko ba kakampi ko sya?

Nandito na kami sa city hall. Civil lang ang kasal namin ni Andrew. Bale family ko lang at family nya ang invited. As much as possible nililihim ng mga pamilya namin ang nangyari. Yung daddy ko nga ewan ko kung alam nya na magkakaapo na sya. Hanggang ngayon wala pa rin syang pakielam.

Nakita ko na si Andrew, peste. Nakangiti sya. Bakit kaya? Sira ulo yata to eh.

"hello baby!" lumapit sa akin si Andrew na kumakaway pa. Parang Budoy talaga yung lalaking 'to. Hindi sya umayos ng kilos nya.

"hello baby mo mukha mo! Umalis ka nga ayaw kitang makita!" binulyawan ko na. Kasi naiinis ako sa ginagawa nya sa akin parang tuwang tuwa sya kapag naaasar ako sa kanya.

"naku baby, sa ayaw at sa gusto mo araw araw mo na akong makikita. Hanggang sa pagtae mo makikita mo ako." Mukhang hindi naman nadala sa pag sigaw ko si Andrew dahil imbis na matakot sa akin ay lumapit pa talaga sya at ipinagpatuloy ang pang-aasar nya.

"oh talaga?! Tama ka nga naman, kasi ikaw yung nasa inodoro! Ikaw yung tae! Mukha ka kasing tae! Lubayan mo nga ako!" Hinampas ko sa balikat si Andrew at lumipat na lang ako sa ibang upuan para makalayo sa pang-asar na lalaking yan.

"uy wifey, wag mo naman akong ganyanin ibig sabihin mukha ding tae yung magiging baby natin? Tsk. Tsk. Tsk." Tumayo din si Andrew at umupo nanaman sa tabi ko. Mukhang wala na talagang pag-asa na tantanan nya ako.

"what the?! Wifey naman ngayon?! Wag mo ngang idamay ang baby sa kalokohan mo!" Tumayo ako at sinipa ko sya ng mahina sa paa. Nakakainis talaga bakit sa aming dalawa, ako palagi ang talo sa asaran. Patang kahit na anong gawin ko ay hindi sya napipikon.

"okay. Okay. Naiintindihan naman kita eh. Kaya ka masungit kasi buntis ka." Ngumiti si Andrew At tumingin na lang sa ibang direksyon.

Naknang?! Hindi ba talaga to titigil sa kakadaldal?

"kahit manganak na ako. Susungitan pa rin kita! Peste ka kasi sa buhay ko!!"

"anong sabi mo! Aka-" Napatayo na si Andrew at hinawakan ako sa braso. Mukhang nakuha ko rin, at napikon sya sa sinabi ko.

"tama na yan. Di na kayo nahiya dito pa kayo nag papakitang ganyang ugali!" ang mommy ni andrew. Ang biglang sumingit sa pag tatalo namin.

Nag umpisa na ang wedding. Si mayor ang nagkakasal samin ngayon. Shemay ang tagal naman. Sana gumuho tong city hall para di matuloy ang kasal. O kaya atakihin si mayor.

BABY ON BOARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon