CHAPTER XX PINANIWALA MO AKO

10.9K 201 39
                                    

CHAPTER XX PINANIWALA MO AKO

A/N hi readers! Ngayon pa lang ay nagsosorry na ako sa inyo! Hahahaha title pa lang ng chapter may Clue na. Ganun talaga part to ng lovelife ni kim at bebe andrew. Haha. At paunawa sa mga bata, huwag gagayahin ang ugali ng isang babae dito sa chapter na to. Kilala nyo naman kung sino sya eh :))

@xandrachill on twitter :)

Barbi's Pov

Akala niyo wala akong Pov no? Pwes meron! At hindi ako makakapayag na wala! Hindi pwedeng puro si althea kim lang ang meron! Kapal naman nya ha. Anong akala nya ang ganda nya? Pwe! Eh mukha nga syang buteteng laot eh!

Nasa school ako ngayon at palakad lakad lang. Kailangan kong makita si Andrew dahil balita ko eh naging maayos na ang relasyon nila ni Kim. Pwede ba?! Ayokong makita na masaya si Althea! Gusto ko parati siyang miserable! Gusto ko ako lang ang masaya at lalong lalo na ayokong nauungusan nya dahil kapag nangyayari yun eh kumukulo yung dugo ko sa kanya! Gusto ko na ngang burahin sa mundong to ang pagmumukha ng babaeng yun eh! Nagtataka kayo kung bakit ako galit na galit sa kanya noh? Sorry na lang dahil bibitinin ko muna kayo.

Lumapit ako sa isang nerd na payat na puro pimples ang mukha at super oily pa. Pwede na ngang magprito ng itlog sa pagmumukha nya eh. duh?!!! Bakit ba may mga estudyante dito na katulad nya? Kadiri lang ha!

"hoy panget! Nakita mo ba si Andrew?"

Nakaupo sya sa field tapos ako naman nakatayo kaya naman nakatingala sya sakin. Tama naman eh, dapat nya akong tingalain dahil di hamak na mukha lang syang alipin.

"yu-yu-yu-yung si-si-si-sikat?"

Inayos nya tapos yung salamin nyang makapal ang grado na mukhang panahon pa ni kopong kopong.

"yes! Sino pa ba?! Ang boba mo!"

Sigaw ko sa kanya sabay hila ng blouse nya. Ayoko kasi sa lahat yung tatanga tanga at uutal utal nakakabobo! Bwisit! Tumataas nanaman ang dugo ko sa pangit na nerd na to! Pwede bang patain na lang to?!!

"hi-hi-hindi ko-ko-ko si-si-siya na-na-na ki-ki-kita."

Tapos yumuko sya at nagsimulang humagulgol, aba't best actress din pala tong panget na to ah! Kapal ng mukha akala nya ang ganda nya sa ginagawa nya? Peste! Bakit ba ako nagtanong sa napakawalng kwenta at stupidang nerd na kagaya nitong nasa harap ko ngayon!? Nakakapanginig lang ng laman eh!

Hinatak ko siya sa braso at tsaka ko sya tinulak kaya naman nasubsob sya tapos lumipad yung salamin nya. Yan, dapat sa mga ganyang eksena sya umiyak hindi yung wala pa nga akong ginagawa umiiyak na!

"sa-sa-salamin ko-ko-ko"

"letche! Wala kang silbing nerd na pangit ka! Salamin mo ba ang hinahanap mo?!"

Pinuntahan ko yung salamin nya na pinagtalsikan nito at tsaka ko inapakan. Kawawa naman ayun sira na. Iyakan na!

Tsaka ako umalis at iniwan ko syang naghahanap dun. Mabuti nga sayong nerd ka! Pangit na nga bulol pa!

Naglakad lakad pa ako sa palibot ng university. Kainis! Saan naman kaya nagtatago yung bwisitna andrew na yun? Pinapagod lang ako kakahanap sa kanya. Kung hindi lang dahil kay althea kim hindi ko talaga hahanapin yung bwisit na lalaking yun eh! Sinasayang nya lang ang oras ko!

Habang naglalakad ako ay may natanaw akong lalaki na nakahiga sa field. Dahan dahan akong lumapit at nakita ko ang nakapikit na si Andrew. Kitang kita ko yung saya sa mukha nya. Pwes, magkakagulo kayo ni Althea ngayong gabi! Tinext ko na ang butihin kong alalay na si Cathy alam na nya ang gagawin nya. Hahaha! Eto na ang simula!

BABY ON BOARDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora