CHAPTER XXIV The Wedding

10.5K 237 24
                                    

A/N salamat sa mga nagfollow at kumakausap sa akin sa twitter @xandrachill. Hindi pa po ito ang ending :)

btw, thanks for reading! ;D

ANDREW'S POV

Simula nung araw na pumayag si Kim na magpakasal ay hindi na ako napirmi dahil sa tuwa. Agad naming inasikaso ang details ng kasal namin, mula sa mga guests, venue, susuotin. Hindi na namin namalayan na dumating na ang araw na pinakahihintay namin...

Ang KASAL.

Bago pa ang araw ng kasal namin ay pumunta na kami sa venue ng kasal namin. Medyo malayo nga lang, kasi napili namin sa Pagudpud Beach sa Ilocos Norte. Si Kim ang pumili nun, Ang ganda daw kasi ng beach at very relaxing. Syempre kung saan sya masaya doon ako.

The next Morning ay maaga akong nagising, nakatulog nga ba ako? hehe excited kasi ako masyado eh. Wala pa ngang araw nung bumangon ako.Tapos ay naglakad lakad muna ako sa paligid. Ang lamig.. Ang sarap sa pakiramdam. Actually dalawa ang masarap ngayon sa pakiramdam. Yung simoy ng hangin dito at yung isipin na ilang oras na lang ay kasal na namin ni Kim.

"Ang aga mo naman yatang magising"

nasa likod ko na pala si Kim, Sinuotan nya ako ng balabal tapos ay umakbay sya sa akin. Parehas lang kaming tahimik habang naglalakad.Tapos ay tinanggal ko yung pagkakaakbay nya sa akin. tska ko hinawakan yung right hand nya. Ngumiti sa akin si Kim tapos nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

Umupo kami sa buhangin habang yung ulo ni Kim ay nakapatong sa balikat ko. sabay lang namin hinintay ang pagsikat ng araw.

"Wifey.."-ako

pagtingin ko kay Kim ay nakapikit sya.

"Hmmm?"-kim

"balik na tayo sa room magpahinga ka muna para makapaghanda na tayo sa wedding natin mamaya"-ako

"ayoko pa, ang sarap ng pwesto ko dito eh." mas lalo pang yumakap sa mga braso ko si Kim.

BABY ON BOARDWhere stories live. Discover now