CHAPTER 2 (Invitation Card)

52 2 0
                                    

Forest's P.O.V

I am now in my room and I am thinking about my next move. It's already 7:00 pm and hindi ko pa din alam kung sasama ba ko sa charity ball or hindi. Tsaka isa pa wala rin naman akong mapapala dun. I hate social gatherings!

Nagulat ako ng biglang bumakas yung pinto ko at bumungad sakin yung lalaking parang Greek god pero di ko alam ang pangalan.

"Babe let's go."

Basta niya na lang hinawakan yung kamay ko at napatangay na lang ako sa kanya.

Maya-maya ay tumigil kami sa isang hotel na alam kong mamahalin. Ang pagkakaalam ko dito nag checheck in yung mga sikat na artista at kung sino sino pang mga kilalang personalidad. Pero kahit yata yumaman ako hindi ako magchecheck in dito. Ang mahal kaya maningil ng hotel na toh! Imagine, 70,000 pesos ang pinakamura nilang kwarto na rerentahan mo lang for one night! No way!

Hindi ko na namalayan na binuksan niya pala yung pinto nung kotse at hinawakan niya na naman yung kamay ko ng wala man lang pasabi. Bali naglakad na naman kaming magkaholding hands papasok sa hotel.

Nagtataka ako bakit hindi kami hinanapan ng gold card samantalang yung babaeng mas nauna samin hinanapan ng gold card then nung walang naipakita hindi siya pinapasok nung guard. Haluh kawawa naman yung girl. Mukha siyang nagmamadali.

"Good evening po sir Klein!"

Tinanguhan niya lang yung guard at dire-diretso na kaming pumasok sa loob. Maghehello pa naman sana ako dun sa guard kaso nagmamadali naman tong kasama ko at parang ayaw pang bitawan yung kamay ko.

Sumakay kami ng elevator at pinindot niya yung pang 21 floor. Pagkaopen nung pinto ng elevator, bumungad samin yung dalawang couple na sobrang sweet. Eww! Yung isang lalaking matangkad na may blue eyes mukhang fuckboy. While yung isang lalaking matangkad din naman na parang grey yung mata mukhang flirty. Parehas silang dalawang nakatuxedo. Yung dalawang babaeng kasama nila are so beautiful like a fairies and mukha silang matino tapos pinatulan lang nila yung ganyang mga datingan ng lalaki! Hayst!

"Brother long time no see!"

Sabi nung lalaking mukhang fuckboy at nakipag apir kay Klein? Yes, tama Klein ang pangalan ng lalaking may hawak ng kamay ko dahil ayun yung tinawag sa kanya ng guard.

"Klein, baka naman gusto mong ipakilala samin yang kasama mo."

Sabi naman nung mukhang flirty na lalaki at nakipag apir din kay Klein tsaka tumingin sa direksyon.

"Ok everyone! This is my Forest. Soon to be Mrs. Monteverde."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya in disbelief. Paano niya nalaman yung pangalan ko? Di ba dapat Winter ang sabihin niyang pangalan ko dahil ayun naman talaga ang pangalan ng kakambal ko.

"Wow, nakacouple shirt pa kayo. Parehas pa pala kayong nakapantulog. Sorry kung naistorbo namin kayo. But anyway, naghihintay na yung stylist sa loob ng room 104."

Sabi nung may color blue na mata.

Naglakad na kami ni Klein papuntang 104, then sabay na kaming inayusan. May mga halos sampung katao ang nasa loob ng malawak na room at ang bilis lang nila kaming inayusan.

Light make up lang ang ginawa sakin at pinasuot nila ako ng olive green dress. Kinulot lang nila yung dulo ng buhok at pinasuot din nila ako ng 7 inches wedge. Hindi ako sanay mag suot ng ganito baka matapilok ako at wala sasalo sakin.

Nagsialisan na rin yung mga professional stylist na nag ayos samin. But anyway, ang ganda ko today ay wrong everyday pala. Everyday akong magada hehe syempre charot lang yun. Sa totoo lang hindi ko maintindahan kung ano ba talagang kulay ng balat ko.

The Forbidden PleasureWhere stories live. Discover now