Simula

114K 1.4K 43
                                    

Copyright © 2015 Kath Antonio/ Diyosangwriter.

No portion of this book may be reproduce or transmitted in any form or by any means without written permission from the original copyright holders. This book is a work of fiction. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

A DELA MARCEL SERIES:
Kristoff Uno Dela Marcel

PROLOGUE

"Ysabel Liondale?" mula sa binabasa kong libro ay lumingon ako sa taong bumanggit ng pangalan ko. Kumunot ang noo ko ng makitang si Kristoff Uno Dela Marcel ang nasa harapan ko. Lumingon ako sa likuran ko, tinignan ko kung may tao ba doon na pwedeng tumawag pa sa akin dahil baka nagkakamali lang ako.

Bakit naman ako tatawagin ng isang Dela Marcel? I doubt it if he even knew me. He is a total snob.

"Ysabel," k[munot ang noo ko.

Nilingon ko siyang muli dahil wala namang ibang tao diro kung hindi ako at siya lang. Prente siyang nakaupo sa harapan ko at nakangiti sa akin. Anong kailangan niya?

"I'm the one who calls you by your name," umirap ako sa tigas ng ingles niya. Nasa pilipinas kami, bakit siya nag-iingles?

"Bakit?" tanong ko. Nilapit niya ang mukha sa akin. Umayos ako ng upo upang makalayo sa kaniya. Ilang beses akong kumurap at tinignan siya ng masama. 

"Sumama ka sa akin!" sabi nito.

Tumaas ang kilay ko ngunit hindi man lang napalitan ang ekspresyon niya sa mukha. Anong kailangan ng isang Dela Marcel sa akin? Don't get me wrong, hindi ko lang kasi inaasahan na lalapit siya sa akin o kahit isa sa mga kapatid niya.

Isa siyang Dela Marcel. Kilalang kilala sila bilang tagapagmana ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa, si Kristoffer Numero Dela Marcel. They are super rich and aside from that, they are all good looking.

Halos lahat silang magkakapatid ay asul ang mga mata, maybe because their Dad is Russian? Hindi ko alam. Ang nanay din naman nila ay may lahi. He doesn't even look like a Filipino. 

"I'm busy," sagot ko at muling inangat ang libro ko, para na rin matakpan ang mukha ko. Pakiramdam ko kasi ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Nagulat ako ng biglang may humablot non. Mas nanlaki pa ang mata ko ng basta nalang niya iyon ihagis sa sahig.

Masama ang tinging ipinukol ko sa kaniya pero parang wala lang iyon sa kaniya. He crossed his arms and pout like a duck! Yuck! Kahit gaano pa sila kagwapo, ayaw ko parin sa kanila!

"Kung ayaw mong sumama sa akin, let's talk here!" umirap ako at umiling.

Not because he is who he is doesn't give him the authority to treat me like that. Kung gusto niya akong kausap, dapat matuto siyang maghintay. Mayaman siya pero wala siyang manners!

I pursed my lips and cross my arms, too. Kung akala niya susunod ako sa kaniya pwes nagkakamali siya! This is a free country! If he can do that, I can do too! Kinuha ko ang notebook niya na nilapag niya sa table at binato ko rin, mas malayo kaysa sa pagbato niya. Pagkatapos ay tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. Lumapit ako sa libro ko at pinulot.

Nagulat nalang ako ng may humablot sa akin and before I knew it, nakaupo na akong muli sa table at nakaharang ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko.

 Dela Marcel III: Kristoff UnoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon