3

51K 1.1K 24
                                    

Chapter Three

Sa loob ng isang araw, ngayon lang ako ngumiti ng makita ko si Yllak na hinihintay ako sa parking lot. Mabilis kong tinakbo ang distansiya namin at yumakap sa kaniya.

"Yllak, pagod na pagod ako. Gusto ko na matulog!" nagpapaawang sabi ko sa kaniya. Ginulo niya lang ang buhok ko at malambing na nginitian.

"Kakain ka muna, okay?" sabi niya pero umiling iling ako. I'll give up everything for my bed.

Niyakap ko siya sa waist niya at nagpapacute na tumingin sa kaniya para payagan niya akong matulog na. Tinakpan niya lang ng kamay niya ang mukha ko.

"Please lang, Ysa. Itigil mo 'yan. Hindi mo ako madadaan diyan. Baka nakakalimutan mong magkamukha tayo!"

"We are not tolerating PDA. Not when you're in my company." inis na nilingon ko si Kristoff sa tabi mismo ng sasakyan ni Yllak. Tinaasan niya pa ako ng kilay kaya inirapan ko siya.

"Hindi naman po kasi kami PDA, Sir. Tara na nga, Yllak." sabi ko tapos umikot sa may passenger seat kung saan nakatayo si Kristoff dahil papasok din siya ng driver seat ng sasakyan niya.

He was just there, standing while looking at me and my twin. His jaw clenched. Ako ay mataman lang na nakatingin sa kaniya. 

"Ysabel, sakay na." narinig kong sabi ng kapatid ko.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang hablutin niya ako sa siko "Ako parin ang boss mo!" naniningkit ang mga matang sabi niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay bago tinanggal ang kamay niya.

"Then fire me, Mr. Dela Marcel." nanghahamong sambit ko.

Mas lalo siyang nainis sa sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya at tinanggal sa pagkakahawak sa siko ko.

"Ysa?" inirapan ko lang siya bago pumasok sa sasakyan ni Yllak.

"Sino 'yon, Ysa? Boyfriend mo?" sinamaan ko ng tingin si Yllak.

"Hindi! Ano ba! Boss ko 'yon!" singhal ko sa kaniya. Nginisihan niya lang ako bago binalik sa daan ang tingin niya.

"H'wag mo kong mangisi-ngisihan diyan, Yllak" sabi ko sa kaniya sabay irap.

"Boss daw. Tsk. If I know pinagnanasaan mo 'yong boss mo." inis na binato ko sa kaniya ang nahawakan kong purse. Inis na nga ako sa lalaking 'yon ay dadagdagan niya pa.

Tinawanan niya lang ako na para bang isa akong nakakatawang bagay.

"H'wag mo na kasing itanggi, Ysa. Hindi ko naman sasabihin, eh" dagdag pa nito.

"Hindi nga kasi! Sabi mo bawal ako makipag-date!"

"So nag-dedate na kayo?"

Inirapan ko siya at hindi nalang pinansin dahil sa aming dalawa ay ako lang ang matatalo kapag inisan na ang labanan. Tumingin nalang ako sa bintana at sinubukang ibaling sa mga nakikita ko ang inis ko.

Hindi ako tanga para magkagusto ulit sa kaniya. Once is enough. Masyadong masakit ang ginawa niya sa akin noon para mahulog ulit sa kaniya.

Mabilis lang din kaming nakarating sa bahay. Ayaw ko na ngang umalis sa sasakyan dahil tinatamad akong maglakad pero wala naman akong choice. Nakakapagod at nakakainis talaga ang araw na ito.

"Nanay, alam mo ba si Ysa may boyfriend na. Mag-aasawa na siya, Nay. Iiwan na tayo niyan." sinamaan ko ng tingin si Yllak.

I'm too tired to deal with him right now kaya imbes na pansinin siya ay iniwan ko nalang sila ni Nanay doon. Hindi ko talaga maintindihan iyon minsan. Aasar asar]n ako tapos pag manliligaw na sila tinatakot niya.

 Dela Marcel III: Kristoff UnoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon