1

69.2K 1.1K 19
                                    

Chapter One

Isang malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sa akin. Lulugo lugo akong pumasok ng banyo at naligo. Mas maaga sa nakasanayan ang gising ko ngayon dahil mas maaga akong pinapasok ng boss ko dahil may importante daw itong sasabihin.

Hindi ko alam kung gaano iyon ka-importante pero kahit naman ata hindi importante ay may karapatan siyang mag-demand. Sa lahat ng kumpanyang napasukan ko, ito lang ang kumpanyang napakaraming benepisiyo ang ibinibigay sa empleyado. Maliban doon ay mataas pa ito magpasahod. Naiintindihan ko tuloy kung bakit kahit na napakaraming kakompetensiya ay nananatili sila sa tuktok.

Mabilis kong blinow-dry ang buhok ko at hinayaang nakalugay.

Nagsuot lang ako ng bandage skirt at ang long sleeves ko bago kinuha ang blazer ko dahil see-through ang likod ng pang-taas ko. Sinuot ko iyong itim kong stilletos para naman madagdagan iyong height kong kinulang. 

"Ysa, maaga ka yata?" tanong ni Kuya Yllak, ang kakambal ko. Kuya ang tawag ko sa kaniya dahil mas matanda siya ng limang minuto sa akin.

"Maaga kaming pinapapasok ni Sir, Kuya." sabi ko. Tumango lang ito sa akin.

"Ihahatid na kita." sabi niya. Ngumiti ako at dinaluhan siya sa hapag kainan.

"Uy si Kuya, concern na sa akin" nakangising sabi ko. Pinisil niya naman ang magkabila kong pisngi katulad ng dati niyang ginagawa.

"Siyempre naman, Ysa. Kayo na nga lang ni Mama ang meron ako papabayaan pa ba kita?" ngumiti nalang ako at umiling.

Simple lang ang nakalakihan kong buhay. Si Nanay, si Kuya nalang din ang meron ako at ang pinsan kong inampon na ni Nanay. Hindi ko alam kung sino ang Tatay ko pero hindi na namin pinilit pang alamin dahil tuwing nagtatanong kami noon ay umiiwas si Nanay.

"Naku! Kayong dalawa. Magsikain nalang kayo at ng hindi kayo mahuli sa trabaho" sabi ni Nanay.

"Nay pakihatid nalang po si Xierra. Pasensiya na po hindi ko siya maidadaan ngayon." sabi ko naman.

Si Xierra ang anak ng kapatid ni Nanay. Pinsan ko siya pero dahil sobrang bata niya at maagang naulila ay inampon na ni Nanay. Dinadaan ko siya kapag magtatrabaho ako dahil on the way naman sa trabaho ang school niya.

"Ang lapit lang naman ng eskwelahan niyang si Xierra, Ysa. Wala na nga akong ginagawa dito sa bahay. Dapat nga ako nalang ang naghahatid sa bunso ko" sabi ni Nanay.

"Nay dapat sa inyo nagpapahinga lang. Ano pang kwentang nakapagtapos kami at may sari-sariling trabaho kung hindi naman namin kayo mabibigyan ng magandang buhay" sabi ni Kuya.

Nginitian ko naman siya at nakipag-high five. Kahit malaki ang sahod namin ni Kuya parehas at hinihingi namin kay Nanay na lumipat o kumuha ng makakasama ay palagi itong tumatanggi. Mas gusto daw nito dito sa lumang bahay namin at mas gusto daw niyang inaalagaan kami.

"H'wag ng magdrama. Male-late na kayo pareho niyan." sabi ni Nanay. Tumalima nalang kami sa utos niya at maya maya ay hinatid ako ni Kuya sakay ng kotse niya.

"Sunduin kita mamaya. Dating gawi Ysa. Bawal ka magpaligaw!" iiling iling nalang akong kumaway at pumasok sa kompanya.

Iyon ang dahilan kung bakit ni minsan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Masyadong mahigpit ang Kuya ko. Hindi ba niya naisip na matanda na ako? I'm turning 27 next month tapos wala man lang nanliligaw sa akin? Paano naman kasing magkakaroon kung nagpapalipad hangin palang ay sinasabon na ni Kuya.

"Good morning Miss Liondale!" nakangiting bati ni Manong Jose, ang guard namin.

Inayos ko sa isang gilid ang buhok ko pagkapasok ko sa elevator. Sa pinakataas kasi ang office ko tabi ng Office of the Chief Executive Officer.

 Dela Marcel III: Kristoff UnoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon