Chapter 5: My Personal Doctor

596 35 4
                                    

Cashie Vain

Padabog n'yang isinara ang pinto ng kanyang opisina saka ako ibinaba sa taas ng kama kung saan nag-uultrasound.

Akmang tatawagin ko s'ya pero pinagsarhan n'ya ako ng kurtina. Bagsak balikat na humiga ako sa kama at nag-isip nang paraan kung papaano aayusin ito.

My God, ipinahiya ko lang naman s'ya sa harap nang napakaraming tao!

Ikaw naman kasi Cash eh! Hindi ka nag-iingat!

Tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa frustration at hiya na nararamdaman. Hindi lang sarili ko ang nagawa kong ipahiya kun'di pati na rin s'ya.

Alam kong dapat akong magsorry. Pero anong magagawa nang sorry ko ngayon?

Napabuntong hininga ako saka bahagyang hinawi ang kurtina kung saan nakikita ko s'ya.

Tulala s'ya habang nakatingin sa kisame. Nakaawang mga labi at ang layo-layo nang iniisip. Panay rin ang pagmura n'ya at ang pamumula nang kanyang leeg, pisngi at tainga.

Hindi ko alam kung papaano s'ya kakausapin. Nahihiya ako!

Imagine? Halos lahat nang nurse at pasyente nakanakaw nang tingin sa mala-jumbo hotdog n'ya?

Halos sampalin ko ang sarili ko nang maalala iyong nakita ko. Mahaba, mataba, tapos maugat! Iyon ang pinakaunang beses na nakakita ako nang ganoon sa personal!

Putek! Bakit ba wala s'yang brief o boxer man lang?! Ano 'yon?! Di afford?!

Natigilan ako sa pag-iisip nang tumayo s'ya sa upuan n'ya saka naglakad pabalik-balik. Minsan ay natitigilan s'ya sa paglalakad at mapapamura. Minsan naman ay sasabunutan ang buhok saka sasampalin ang mukha.

He look so grumpy na para bang mayroong makulimlim na langit sa taas ng ulo n'ya at nagbabadyang umulan.

Mag-iilang oras din s'yang ganyan hanggang sa umupo na s'ya sa sahig ng kanyang opisina at sumadal sa table n'ya.

Naaawa na talaga ako sa kanya kaya umalis na ako sa kama at lumapit sa kanya. He looked so miserable. Gulong-gulo ang kanyang buhok at kusot-kusot na rin ang kanyang suot na damit.

"Sorry," I said softly unaware of what I have to say. Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko naman pwedeng hilain ang oras para mabawi iyong kahihiyang ginawa ko.

"Ihahatid na kita pauwi," Ani n'ya saka tumayo pero hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Mag-usap muna tayo," ani ko saka hinila s'ya paupo sa sahig.

"Let's not talk about it," he replied pero naging mapilit ako.

"Hindi ko naman sinasadya eh-"

"ENOUGH!" Mariing sigaw n'ya kaya napangiwi ako.

"Pero kasi e-"

Hindi n'ya ako hinayaang magsalita pa dahil binuhat n'ya muli ako na parang bagong kasal.

Diretso ang tingin n'ya at walang pinapansin. Napansin ko rin ang pangiti-ngiti ng ibang nurse, minsan nga ang iba ay humahagikhik.

Ibinaon ko na lamang ang aking mukha sa kanyang dibdib sa sobrang hiyang nararamdaman.

Diretso lang ang lakad n'ya hanggang sa makarating sa parking lot. Agad n'ya akong ideniposito sa loob ng kanyang kotse saka umikot patungong driver's seat.

Pagkapasok n'ya ay saka ko lang napansin ang muling pamumula ng kanyang mukha.

Napasimangot ako. Hindi ba talaga s'ya proud sa ano n'ya? Malaki naman iyon ah, maraming babae ang mahuhumaling doon.

"Fuck! Fuck! Fuck!" He curses non-stop saka sinabunotan ang buhok.

I bit my lips hard saka hindi napigilan magtanong.

"Are you not proud of your manhood that's why you are so embarrassed by what happened?"

Agad na umawang ang labi n'ya at bilog na bilog ang mga matang napatitig sa akin.

"Are you serious?" He exaggerating asked.

Nagkibit balikat ako. "Wala namang mali sa tanong ko ah?" I asked pouting my lips.

"Goodness woman! Of course, I am so damn proud of manhood!" He shouted at me kaya kumunot ang noo ko at nagsisimula na ring uminit ang ulo ko.

"Eh bakit parang makaemote ka ay parang luging-lugi ka? Ako naman iyong nadapa ah!" Sigaw ko rin pabalik sa kanya.

"You are so damn impossible! Those kind of things should be shown in private not in public!" Sigaw n'ya rin sa akin na para bang nawawalan s'ya nang bait.

"Wag mo akong sisigawan!" Galit a sigaw ko sa kanya.

"Sumisigaw ka rin naman ah!" Ganti n'ya.

I glared at him and he glared back at me. I gritted my teeth habang s'ya naman ay umiigting ang panga. Nagsusukatan ang tingin naming dalawa.

Nakakainis na s'ya! My God! Naghahalo-halo ang mga emosyon ko at hindi ko man lang matiyak kung anong emosyon ba talaga ang dapat kong maramdaman ngayon!

Maybe it's better na talagang hindi na s'ya ang doctor ko. Maybe it's bettee if I just stay away from him! Hindi ko na kaya pang dagdagan ang lahat nang kahihiyan ko sa buhay.

Stealing a sperm is enough! Ayoko nang dagdagan pa! Well, at least I had a good show from his long muscular banana.

Ako na lamang ang nag-iwas nang tingin. I heard him tsked before starting the car's engine.

"Wag mo na akong ihatid. Magpapasundo na lamang ako sa family service namin," malamig na wika ko.

"Dinala kita rito kaya responsibilidad kita," He replied dryly kaya umikot ang mga mata ko.

"Fine! Pero matapos mo akong ihatid at wag na wag ka nang muling magpapakita sa akin," wika ko habang nakatingin sa labas ng binata.

"It's not your call woman," he replied.

Inis na bumaling ako sa kanya nang tingin.

"Bumalik ka nalang kaya sa ospital? Mag-aaway lang tayo eh," wika ko habang tumatalim na naman ang tingin sa kanya.

Sinulyapan n'ya ako, "Really? Gusto mo akong pabalikin doon matapos mong ipakita sa lahat ang pagkalalaki ko?"

Agad uminit ang pisngi ko. "Oh tapos? Aalis ka? Aba mabuti! Bumalik ka na roon sa Thailand, nakakahiya naman sa iyo," pigil hiyang wika ko kasi naaalala ko na naman iyon.

I wanted to drop the topic but I knew I can't. Nakakabanas talag kahit kailan!

"Yes, aalis ako sa ospital pero hindi ibig sabihin niyon na aalis na ako rito at magtungo sa Thailand."

"Oh tapos? Anong gagawin mo rito? Maghohomily sa simbahan para makalimutan ng mga tao ang bayag mo?" Asik ko.

"How dare you call my Baby a bayag? This is my heirloom and my treasure!" He replied, exaggerating it.

"Whatever, basta mawala ka kang sa pananaw ko okay na ako," I gruffed.

"Nah, I'll stick with you until you'll give birth," puno nang determinasyong wika n'ya kaya napailing ako.

"And why would that happen?" I asked, my brows rose up.

"Because I am your doctor. Your now personal doctor who will live with you in the same roof until the baby pops out."

------

Happy New Year, My Dear readerssss 😚❤️.

Spermtacular LoveWhere stories live. Discover now