I hope I can make you smile like this camera.
--
Lumilipas ang mga araw at ang pakiramdam ng dalaga ay lumalala. It's true that love is like a quicksand. It's slowly dragging you down into it's depth and the more you struggle, the more you'll sink in.Paano ba mapipigilan ang sariling mahulog sa isang tao?
Mahirap.
Kaya pabayaan mo na lang. You'll get hurt anyway so just learn to enjoy the fall. Your heart will break, that's for sure. But it's better to be broken than to have not love at all. Tears will come running and your eyes will be puffed but in the end, it will make you tough.
Love not with your head for it is impossible. Love with all your heart even if it makes you gullible.
Love... *le sigh*... nagiging makata na naman tuloy si Author.
Balik tayo sa ating bida na kanina pa naiinggit sa mag-boyfriend na nasa katabing upuan lang. Nakaupo kase sina Tassie at Zelo tapos nagsi-share ng headset ang dalawa habang nilalaro-laro ni Zelo yung kamay ni Tassie.
Hindi naman palangiti ang binata but there's always this hint of smile whenever he's with her.
When will you smile at me like that Zelo?
Dama sighed when she felt the familiar pang of jealousy eat her up inside. She decided to go off somewhere... anywhere. Yung walang sweetness. Yung damang-dama niya ang pagiging mag-isa.
Sa kalalakad nya, napadpad sya sa may auditorium ng school. Sa gilid noon, she saw a guy who immediately caught her attention. Ang cool lang kase nitong tingnan with his spiky hair and white rubber shoes.
And he smokes too--not that she cares about that. Smoker or not, as long as you're hot--you got her full attention.
Nilapitan nya ito.
"Hi."
Tiningnan sya ng lalaki mula ulo hanggang paa. "Sino ka?"
"I'm Dama. And you are...?"
"Rodney." Sagot nito sa kanya. The guy blew off some air bago sya tiningnan nitong muli. "May kailangan ka ba?"
"Actually... may girlfriend ka na?" Deretsahan nyang tanong dito.
Natawa ang lalaki. "Ano ka? Namimick-up?"
"I guess you could say that. Kelangan ko lang ng distraction eh. So... are you game?"
Tiningnan syang muli ng lalaki mula ulo hanggang paa.
"Ano namang mahihita ko sa 'yo?" Tanong nito.
Pinamay-awangan nya ito. "Aba... just being with me is like winning the lottery already! You should feel proud na ikaw ang natipuhan kong alukin ng offer na yan!"
"Proud?" The guy scoffed. "Bakit? Ano ka ba sa school na 'to para maging proud ako? Ni hindi nga kita kilala."
"Basta! Boyfriend na kita mula ngayon." She said in finality.
Napanguso ang lalaki. "Hoy! Sino'ng may sabi sa 'yong pumapayag ako?"
"Sige na!" Pakiusap nya rito.
"Ayoko! Hassle lang yan!"
"Sige na!" Hinila-hila nya ang braso ng lalaki. "Libre kitang lunch everyday!"
"Kahit magkano?" Agad na tanong ng lalaki.
"Basta 25 pesos ang cut-off ko."
"50." The guy bargained.
BINABASA MO ANG
DAMA: The Princess Bitch
Teen FictionPublished under Summit - Pop! Fiction. Dirham series #2