Special Chapter: Mrs. Danielle Marie Dirham-Balutan

207K 3.7K 552
                                    

It's been eight years. Eight years ng away-bati nilang relasyon. Eight years ng kaartehan ni Zelo at eight years ng kaartehan niya.

Their friends thought they'd never last given the fact na pahero silang ayaw magpatalo. But oddly enough, they did not break up. Not even once. Malala na ang cool-off. In spite all the fights they've had, they cannot function as normally when they were apart and angry.

Kumabaga, madalas mang mag-away ay para naman nilang ikamamatay ang pagiging magkalayo sa isa't isa.

There were times—and a lot of it—that she would get tired of his coldness and so called kaartehan. And he would often get angry with her being demanding and annoying... pero at the end of the day, they would always kiss and make up.

Because at the end of the day, they still can't pull away.

But it has been eight years and that much awaited proposal was still out of sight.

Nakasandal ang ulo ng dalaga sa balikat ng binata habang nakapikit sila pareho at nakahiga sa hammock, nagpapahinga sa ilalim ng mga punong mangga. She just came from New York for the editorial photo shoot with Marie Claire magazine habang si Zelo naman ay kakagaling lamang sa latest project nito from Laguna.

Both were tired. They have been working non-stop for the last couple of weeks at halos hindi man lang sila nagkausap kahit thru phone.

Kaya ngayon, imbes na mag-date at gumala, magkatabi silang nakahiga... parehong tulog.

--

Dama woke up a little while later. Tiningnan niya ang katabi. Nakapikit ito at mukhang tulog na tulog pa rin. She reached out her hand to his face para tapikin ang pisngi nito.

And when she did, she received one of the most shocking surprises of her life... yung aluminum wire na dating nakalagay sa kaliwa niyang palasingsingan ay napalitan na ngayon ng isang diamond ring.

An engagement ring.

For real.

Napabalikwas siya ng bangon. "Zelo!!!" she shrieked.

Napaungot ang binata sa ingay niya. "Ano?" antok na antok nitong tanong.

"Look at this!" ipinakita niya ang kaliwang kamay.

He blandly stared at the ring on her finger. Ni hindi man lang ito nahawa sa excitement nya.

"Oh?" bored nitong tanong.

"Did you put this on while I was sleeping?"

Tumango ito.

Sa sobrang tuwa ng dalaga ay sinunggaban niya ito ng yakap at saka hinalik-halikan.

"Thank you! Thank you thank you thank you!" she said in between kisses. Napatawa ito ng mahina sa kanya.

"Parang yun lang eh," sagot nito.

"Eeee... I've been waiting for this for eight years noh. Akala ko hindi ka na talaga magpo-propose."

He brushed her hair lovingly. "Sorry kung natagalan. Happy eighth anniversary," he said then kissed her.

"Thank you." Niyakap nya ito ng mahigpit. "By the way, magkano 'to?" tanong nya.

"Wag mo nang itanong," sagot nito sa kanya.

"Sabihin mo na..."

"Tsk." Bumaba ito ng hammock. "Wag mo na ngang alamin."

Sinundan niya ito at tuluyang kinulit. "Sige na. I just want to know. Wala namang kaso sa 'kin kung mura o mahal eh..."

He sighed in defeat.

"Fourteen," he replied curtly.

"Lang?"

Agad nag-init ang ulo ng binata. "Oo! Fourteen thousand lang! Ano, ayaw mo? Masyadong cheap?!" paasik nitong tanong sa kanya. "Akin na nga! Wag na lang tayong magpakasal!" He grabbed her hand and pulled the ring from her finger. Inagaw nya iyon and it ended up falling on the grassy ground.

She knelt on the ground to look for it. "Ano ba yan! Sayang kaya yun! Fourteen thousand din yun noh!"

"Hayaan mo na. Maghanap ka na lang ng lalaking kaya kang bilhan ng mamahaling engagement ring," sabi nito sa kanya ng may pagtatampo.

"I found it, thank God!" she exclaimed as she held up the ring.

"Akin na," bawi nito.

"Ayoko nga!"

"Ayoko na. Di na kita papakasalan. Akin na yan."

"No way!" Inilayo niya ang singsing sa kasintahan. "Wala ng bawian!"

"Akin na sabi." Pinilit nitong agawin ang singsing sa kanya. Madalian nya iyong isinuot at itinago ang kamay sa likod niya. Pilit naman nitong kinukuha sa likuran niya ang singsing.

Nang malapit na ito ay niyakap nya ito.

"Bitaw," malamig nitong sabi.

"Ayoko nga." She smiled to herself. Ang sarap lang awayin ni Zelo. Gustong-gusto nya kaseng inaaway ito para malambing niya later.

Tinanggal nito ang braso niya mula sa pagkakayakap dito saka sya nito mahinang itinulak.

"Binibiro ka lang, galit ka naman agad," reklamo niya rito.

"Masakit yung biro mo," sagot nito.

"Sorry naman. Eh kase, fourteen thousand lang itong singsing tapos inabot ka ng eight years bago ibigay sa 'kin?"

"Kaya nga akin na." Inilahad nito ang palad nito. "Para sa kaalaman mo, hindi lang yan ang pinag-ipunan ko. Natural, kailangan ko ring maghanap ng bahay. Alangan namang makitira pa tayo sa mga magulang mo," medyo malulmanay nitong paliwanag.

"What's wrong with living with my parents? Ang laki-laki naman ng bahay namin... kahit magka-apo pa tayo sa talampakan, kakasya pa rin tayo dun noh..."

AN: At never ko na syang nadugsungan. Hahahaha. Pinost ko lang bago ko idelete sa laptop ko. Sayang e.

DAMA: The Princess BitchWhere stories live. Discover now