Nobody gives a damn about the day that you were born.
--
Kinabukasan...Usual routine. Usual route. Usual time. Usual companions.
Ang naiba? May nag-iintay na naman sa kanya sa may gate. Automatically, Zelo moved in front of her. He was guarding her. It's like... primitive instinct nito na protektahan ang sa kanya. She felt her insides flutter at the thought.
So... I'm his?
"Good morning!" Nakangiting bati ni Pierre sa kanya.
"Morning." She replied.
"Uh Dama... may gagawin ka ba mamayang lunch?" Tanong nito sa kanya.
"Kakain ng lunch." Zelo answered, as a matter-of-fact.
Nginitian ito ni Pierre. "Pilosopo ka rin eh no?"
"Nagtatanong ka lang kase, yung obvious pa." Pairap nitong sagot.
Inakbayan ni Eli si Zelo. "Pre halika na nga."
Pinalis ni Zelo ang kamay ni Eli. "Una ka na."
Eli sighed. Hinawakan nito si Zelo sa braso at hinila papasok sa school. "Hayaan mo na sila. Di magkakaboyfriend yang pinsan mo kung lagi mong babantayan." Naiiling nitong sabi.
Naiwan sina Dama at Pierre sa labas. Susunod kase dapat niya ang dalawa kaso hinarangan siya ng lalaki.
"So ano?" He inquired.
"Bakit mo ba tinatanong?" Medyo pikon nyang tanong.
"Wala lang." He said with a shrug. "Libre sana kita ng lunch."
"May pera ako." Sagot niya.
He touched her cheek. "Sungit mo naman."
Pinalis nya ang kamay nito. She dislikes his attitude. Presko ito masyado, straight-forward saka aggressive. Naiinis sya. Pano kase, umagang-umaga badtrip na naman si Zelo dahil dito. For sure, pag-uwi nya sa bahay mamaya ay magsusungit na naman ito.
"Ano ba!"
"Oh wag ka namang magalit. Pwede ka namang tumanggi kung ayaw mo eh."
"Fine. Ayoko. There!" She pushed him aside. "Tabi nga!" Saka sya nagtuloy-tuloy sa loob ng school.
--
She was right. Zelo was pissed. Halatang-halata sa mukha nito ang pagkairita. Hindi ito namamansin ng kahit na sino. Sobrang badtrip.
Nilapitan nya ito bago magsimula ang subject nila.
"Uy." Untag nya dito.
"Ano?" Iritado nitong tanong.
"Galit ka na naman." Puna niya.
"Pakialam mo ba." Nag-iwas ito ng tingin at sa bintana bumaling.
She sighed. "Di naman ako makikipag-date dun no. Asa sya."
"Ewan ko sayo."
Napasimangot sya. "Hindi nga. Birthday kaya ng kapatid ko ngayon, remember? Di ko alam kung anong oras nya ako tatagpuin eh. Baka nga mag-half day lang ako ngayon."
"So kaya hindi ka sasama eh dahil may iba kang lakad? Eh pano kung wala?"
"Eh di sasama." Biro nya dito.
He glared at her.
"Joke lang."
"Bumalik ka na nga sa upuan mo. Nakakabadtrip ka lalo."
BINABASA MO ANG
DAMA: The Princess Bitch
Teen FictionPublished under Summit - Pop! Fiction. Dirham series #2